Handog na Tulong
ni Lailanie D. Ebilane
Castillejos Elementary School
Tagpo: Araw ng Sabado sa ganap na ika-3:00 ng hapon, nagpatawag ng pulong sa Brgy. Hall ang SK Chairman ng Brgy.
San Isidro sa mga kabataang miyembro ng Sangguniang Kabataan. Ito ay dahil sa nagdaang kalamidad na naranasan sa lugar ng Quezon. Tinanong niya ang mga kabataan ukol sa kanilang plano kung paano makatulong sa mga nasalanta.
Princess: Chairman, maari po tayong mangalap ng donasyon sa kapwa natin kabataan para sa mga nasalanta ng bagyo.
Adriane: Opo nga. Para lahat tayo ay maging kabahagi ng pagtulong.
Samantha: Bukod sa pera, ano pa ang maaring ibigay ng mga kapwa natin kabataan?
Jasper: Aba, pwede din naman tayong magbigay ng mga lumang damit o mga gamit para sa kanilang pag- aaral. Napakinggan ko kasi sa balita na marami sa kanila ang nawalan ng gamit sa pag-aaral.
SK
Chairman: Tama kayong lahat. Nakatutuwa naman at ganyan ang inyong mga saloobin. Ako ay hihingi din ng tulong sa aking mga kapwa opisyales ng barangay.
Samantha: Salamat din po Chairman. Maaari din po kaya kaming humingi ng tulong sa aming mga magulang para maging kabahagi din sila ng
proyektong ito?
Princess: Opo nga, higit silang may kakayahan para makatulong sa mga nasalanta. Maaari din nating hikayating magbigay ang iba pang mga kabataang wala sa pulong ngayon.
SK Chairman: Tama yan! Salamat sa inyong lahat. Maaari na nating gawin ang paghahanda upang makapagpaalam na tayo sa ating punong barangay.
Mga Kabataan: Opo Chairman. Kailangan naming makibahagi sa pagtulong na ito upang kahit sa maliit na paraan ay makapagbigay kami ng handog na tulong sa kanila.
1. Sino ang tagapanguna sa pulong?