
MGA KALIKASAN NG WIKA

Quiz
•
World Languages
•
11th Grade
•
Hard
Shangmae Batanes
FREE Resource
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sinong dalubwika ang nagsabi na ang wika ay may limang kalikasan?
Henry Sweet
Virgilio Almario
Henry Gleason Jr.
Ferdinand de Saussure
Answer explanation
Mula sa depinisyon na ibinigay ni Henry Gleason na “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao na bahagi ng isang kultura sa komunikasyon,” mayroong limang kalikasan ang wika.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Anong kalikasan ng wika ang nagsasabing ang wika ay may sinusundang estruktura batay sa gramatika o balarila?
Ang wika ay arbitraryo.
Ang wika ay masistemang balangkas.
Ang wika ay sinasalitang tunog.
Ang wika ay bahagi ng kultura.
Answer explanation
Ang wika ay organisado dahil may tiyak na prosesong sinusundan sa pagbuo ng mga salita para magkaroon ng kahulugan at kabuluhan. Ito ay batay sa pattern o panuntunang itinakda ng gramatika o balarila.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng limang kalikasan ng wika?
Ang wika ay masistemang balangkas.
Ang wika ay arbitraryo.
Ang wika ay ginagamit din ng mga hayop.
Ang wika ay bahagi ng kultura.
Answer explanation
Ang wika ay ginagamit ng tao lamang at hindi ng hayop. Samantalang may sariling paraan ng pakikipag-usap ang hayop gamit ang natatangi nilang mga tunog, hindi ito maituturing na wika dahil hindi ito nagbabago at nalilikha sang-ayon sa malikhaing pag-iisip ng gumagamit nito.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagsasabi na ang wika ay bahagi ng kulturang Pilipino?
Marami tayong katawagan sa iba’t ibang endemikong uri ng tigre sa Palawan.
Marami tayong katawagan sa iba't ibang uri ng bigas.
Marami tayong katawagan sa iba’t ibang uri ng patatas.
Marami tayong katawagan sa snow sa wikang Filipino.
Answer explanation
Wala tayong karanasan sa "snow," wala ring tigreng endemiko sa bansa, at iisa lamang ang turing natin sa patatas. Ang bigas ay isa sa maituturing na pangunahing bahagi ng ating pagkain. Dahil taal na sa atin ang pagkain nito, nabigyan natin ng iba't ibang katawagan ang mga uri ng bigas batay sa kulay, hugis, haba, at amoy.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin ang tamang pagkakasunod-sunod sa pagkabuo ng wika batay sa gramatika?
tunog --> titik --> pantig --> salita --> parirala --> pangungusap
pangungusap --> parirala --> salita --> pantig --> titik --> tunog
salita --> titik --> tunog --> pantig --> pangungusap
titik --> tunog --> pantig --> salita --> pangungusap --> parirala
Answer explanation
Batay sa panuntunan ng gramatika, ang wika ay nabuuo mula sa pinakamaliit na yunit ng isang salita, ang tunog, hanggang sa pinakamahaba at pinakakomplikadong pangungusap, na naglalaman ng pinagsama-samang salita.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Bakit nagbabago ang kahulugan ng salita sa isang wika?
Nagbabago ang paggamit nito batay sa kagustuhan, kawilihan, at inaasal.
Nagbabago ang paggamit nito batay sa panahon, konteksto, at nagsasalita.
Nagbabago ang paggamit nito batay sa espasyo, kausap, at pinasukang paaralan.
Nagbabago ang paggamit nito batay sa kasarian, paboritong wika, at kinawiwilihang kausap.
Answer explanation
Ang wika ay arbitraryo. Ibig sabihin, nagbabago ito sa paglipas ng panahon batay sa konteksto kung paano ito ginagamit at kung sino ang nagsasalita o gumagamit nito. Halimbawa nito ay kung paanong nagbabago sa haba ng panahon, at sa taong gumagamit ang tawag para sa magulang---maaaring naging nanay ito, tapos ay ermats, saka ginagamit ang salin na mommy.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ang wika ay masistemang balangkas?
Ako tahol.
Pakpak bumuka ang aking.
Bumili ako ng mantika sa tindahan.
Ang tigre ay kumanta.
Answer explanation
Ang wika ay organisado. Kung gayon, nagkakaroon lamang ng kabuluhan at kahulugan ang isang pangungusap kung ang mga salitang bumubuo rito ay isinaayos sa paraang naayon sa mga alituntunin ng gramatika. Dagdag pa, walang kabuluhan ang nabuong pangungusap kung ang mga salitang ginamit ay hindi angkop sa gamit at pahayag na nais iparating. Halimbawa, hindi kumakahol ang tao at hindi rin angkop ang salitang "kumanta" para ilarawan ang isang tigre.
Create a free account and access millions of resources
Similar Resources on Wayground
11 questions
GAMIT NG WIKA

Quiz
•
11th Grade
12 questions
Filipino: Buwan ng Wika Quiz Bee

Quiz
•
5th - 12th Grade
9 questions
KOMUNIKASYON - QUIZ 1

Quiz
•
11th Grade
15 questions
Wika

Quiz
•
11th Grade
15 questions
Review - Komunikasyon

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Barayti ng Wika

Quiz
•
11th Grade
12 questions
Review sa Ika-1 Buwanang Pagsusulit sa Komunikasyon

Quiz
•
11th - 12th Grade
15 questions
midterm recitation 1 (5 and 6 chapters)

Quiz
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
50 questions
Trivia 7/25

Quiz
•
12th Grade
11 questions
Standard Response Protocol

Quiz
•
6th - 8th Grade
11 questions
Negative Exponents

Quiz
•
7th - 8th Grade
12 questions
Exponent Expressions

Quiz
•
6th Grade
4 questions
Exit Ticket 7/29

Quiz
•
8th Grade
20 questions
Subject-Verb Agreement

Quiz
•
9th Grade
20 questions
One Step Equations All Operations

Quiz
•
6th - 7th Grade
18 questions
"A Quilt of a Country"

Quiz
•
9th Grade