MGA LINGUA FRANCA SA PILIPINAS

MGA LINGUA FRANCA SA PILIPINAS

11th Grade

10 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

KAKAYAHANG PRAGMATIKO

KAKAYAHANG PRAGMATIKO

11th Grade

12 Qs

Filipino 11

Filipino 11

11th Grade

10 Qs

La dérivation  : aller plus loin

La dérivation : aller plus loin

KG - University

15 Qs

Confinement 2020

Confinement 2020

KG - 12th Grade

15 Qs

Choose the correct IRREGULAR past participle (avoir)

Choose the correct IRREGULAR past participle (avoir)

7th - 11th Grade

10 Qs

Les adjectifs possesifs et le pronoms possessifs

Les adjectifs possesifs et le pronoms possessifs

6th - 12th Grade

11 Qs

Grade 11 - Maikling Pagsusulit

Grade 11 - Maikling Pagsusulit

11th Grade

10 Qs

Je m'entends bien avec

Je m'entends bien avec

7th - 11th Grade

10 Qs

MGA LINGUA FRANCA SA PILIPINAS

MGA LINGUA FRANCA SA PILIPINAS

Assessment

Quiz

World Languages

11th Grade

Hard

Created by

Shangmae Batanes

FREE Resource

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang lingua franca?

A. wikang ginagamit ng mga taong may magkaibang unang wika

B. wikang ginagamit ng mga taong may magkaibang edad

C. wikang ginagamit ng mga taong may magkaibang kasarian

D. wikang ginagamit ng mga taong may magkaibang pinag-aralan

Answer explanation

Ang lingua franca ay wikang ginagamit ng tao o grupo ng tao na may magkakaibang unang wika upang makapag-usap o magkaintindihan. Sa ibang mga pag-aaral, tinatawag ito na interlingua.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang pambansang lingua franca ng Pilipinas?

A. Filipino

B. Tagalog

C. llokano

D. Pangasinense

Answer explanation

May tinatayang 180 na wika sa Pilipinas. Dahil dito, mahalagang magkaroon ng isang wika na magiging tulay para magkaunawaan ang mga Pilipino mula sa iba't ibang panig ng bansa—ito ang wikang Filipino.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang pandaigdigang lingua franca?

A. Ingles

B. Espanyol

C. Mandarin

D. French

Answer explanation

Wikang Ingles ang pandaigdigang lingua franca. Ito ang wikang ginagamit ng mga taong nagmula sa iba't ibang bansa para makapag-usap at magkaunawaan.

4.

MULTIPLE SELECT QUESTION

45 sec • 1 pt

Alin sa sumusunod ang panrehiyong lingua franca?

A. Cebuano

B. Hiligaynon

C. Bikol

D. Ilokano

Answer explanation

Ang mga panrehiyong lingua franca ay wikang kinikilala, nauunawaan, at ginagamit ng nakararami sa isang partikular na rehiyon. Mahalaga ito sa mga rehiyong ang mga tao ay may magkakaibang unang wika. Ilokano ang lingua franca sa Hilagang Luzon; Bikol ang lingua franca sa rehiyon ng Bikol, kasama na ang Catanduanes at Sorsogon; Hiligaynon ang lingua franca sa Kanlurang Visayas, kasama na ang malaking bahagi ng Negros Occidental; at Cebuano ang lingua franca sa Gitnang Visayas at malaking bahagi ng Mindanao.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Alin sa sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa lingua franca?

A. Ito ay wikang ginagamit ng mga taong may magkaibang unang wika.

B. Ito ay wikang kinikilala at nauunawaan ng mas nakararaming tao sa isang lugar.

C. Ito ang wikang pinipili ng pamahalaan na gagamitin ng mga tao sa bawat rehiyon.

D. Hindi nagbabago ang lingua franca sa pagdaan ng panahon.

Answer explanation

Ang lingua franca ay wikang ginagamit ng mga taong may magkaibang unang wika para makapag-usap at magkaunawaan. Kung gayon, ang wikang ito ay nauunawaan at kinikilala ng mas maraming tao sa isang partikular na lugar. Hindi kinakailangan na itakda ito ng pamahalaan at maaaring magbago ang lingua franca sa isang lugar, lalo na kung may wikang mas higit na nauunawaan at nagagamit ng mas maraming mamamayan.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Bakit mahalaga ang lingua franca?

A. tulay ito para magkaunawaan ang mga tao

B. daan ito para magkaisa ang mga tao

C. paraan ito para mapasunod ang mga tao

D. kasangkapan ito para masakop ang mga tao

Answer explanation

Mahalaga ang lingua franca dahil ito ang tulay para magkaunawaan ang mga tao. Dahil nauunawaan ang wikang ito ng dalawang taong may magkaibng unang wika, naiiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pag-aaway. Bunga nito, masasabi rin na ang lingua franca ay daan para magkaisa ang mga tao.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ano ang mangyayari kung walang lingua franca sa Pilipinas?

A. mag-aaway-away ang mga Pilipino

B. magiging magkakaibigan ang mga Pilipino

C. magiging maunlad ang bansang Pilipinas

D. magkakaroon ng iisang layunin ang mga Pilipino

Answer explanation

Kung walang lingua franca, hindi magkakaunawaan ang mga Pilipino. Ang mensaheng nais ipahayag ng isang taong may ibang wika, Ilonggo halimbawa, ay maaaring mabigyan ng kaiba o hindi magandang interpretasyon ng isa pang taong may ibang unang wika.

Halimbawa, sabihin ng isang Ilonggo na "Ay! tanga!" at sabay turo sa tabi ng isang Tagalog. Dahil may ibang pakahulugan ang mga Tagalog sa salitang "tanga," iisipin ng Tagalog na pinupulaan o sinasabihan siya nang hindi maganda ng isang Ilonggo. Magiging dahilan ito ng kanilang pag-aaway, kahit pa ang tinutukoy ng Ilonggo ay isang "ipis," o ang mensahe ay "nakakita siya ng ipis malapit sa Tagalog." (ang "tanga" sa Tagalog ay salitang ginagamit para pasakitan o pulaan ang isang tao dahil sa kaniyang kamangmanagan o kawalan ng alam. Samantala, ang "tanga" sa wikang Hiligaynon ng mga Ilonggo ay tumutukoy sa insektong nagdadala ng sakit o "ipis.")

Create a free account and access millions of resources

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

By signing up, you agree to our Terms of Service & Privacy Policy

Already have an account?