Ang protina ay isang uri ng sustansiyang kailangang-kailangan ng ating katawan. Ang mga gulay at karne ay siyang pinagkukunan natin ng protina. Ang mga dahon ng malunggay, alagaw at kamote ay nagbibigay ng araming protina kapag ito ay iniluluto at kinakain habang talbos pa. Bukod sa mga dahon, ang mga bunga at bulaklak ng ilan sa mga puno ay pinagkukunan din ng protina. Ang mga
bulaklak ng kalabasa at katuray ay nagbibigay ng protina kung isasama sa ating pagluluto. Sa paligid-ligid natin ay maraming gulay at halamang mapagkukunan ng protinang kailangan ng ating katawan. (Liwanag, Lydia B., Landas sa Wika 6, 2011 Pahina 50)