Search Header Logo

AP 6 - Mock Test

Authored by Project Repository

Social Studies

AP 6 - Mock Test
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

142 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Nakamit ng mga Pilipino ang damdaming nasyonalismo sa pagsisimula ng 1880. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi salik o sanhi ng pag-usbong ng nasyonalismo?

Pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig

Pag-usbong ng gitnang uri o mga ilusrado

Pagsasawalang-kibo ng mga Pilipino sa pamahalaan

Pagbitay sa tatlong pari na GOMBURZA

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Nagsimulang lumitaw ang panggitnang uri dahil sa tagumpay nila sa pakikipagkalakalan. Ano ang bahaging ginampanan ng panggitnang uri sa nasyonalismong Pilipino?

Naging mas makapangyarihan ang mga panggitnang uri kaysa Espanyol

Humina ang kapangyarihan ng mga Espanyol dahil sa impluwensya ng panggitnang- uri

Nakapag-aral ang mga anak ng pangginang uri at paglaon ay nanguna sa kilusan ng pagbabago

Ang panggitnang uri ang nagpondo ngmga armas at tauhan upang maging handa sa rebolusyon

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Mahalaga ang pagbubukas ng Suez Canal para sa mga dayuhang mangangalakal. Paano ito nakatulong sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga Pilipino?

Dumating ang kakampi ng mga Pilipino mula Europa

Nakarating sa Pilipinas ang mga kaisipang liberal mula Europa

Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga Pilipino sa mga Amerikano

Madaling nakabili ang mga Pilipino ng mga sandata at armas

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Kung sa Propaganda ay La Solidaridad, ano naman ang para sa Katipunan?

Dekalogo

Kartilya

Kalayaan

Less Miserables

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Tunay na taglay ng mga kasapi ng Kilusang Propaganda at Katipunan ang damdaming nasyonalismo. Ano ang patunay nito?

Hilingin na ang Pilipinas ay gawing lalawigan ng Spain

Malaki ang paghahangad ng mga kasaping magkaroon ng pagbabago sa bansa

Ninais nila na magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan sa mga Espanyol

Hindi Tiyak na taglay ng mga kasapi ng mga samahan ang nasyonalismo

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Naging Gobernador-Heneral si Carlos Maria dela Torre noong 1869. Pinamunuan niya ang bansa batay sa kaisipang liberal. Ano ang paraan ng kaniyang pamamahala?

Naging malupit siya sa mga Pilipino at pinalakas ang Polo

Ipinatupad niya ang pagkakapantay-pantay at karapatan ng mga Pilipino

Naging palakaibigan siya hindi lamang sa mayayaman kundi sa mahihirap din

Mapagkunwari ang kaniyang pamamahala upang hini magalit ang mga Pilipino

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ito ay tumutukoy sa isang mapayapang kampanya para sa mga reporma sa Pilipinas pamamagitan ng talumpati at pamamahayag ng mga makabayang Filipino na nasa Spain.

La Liga Filipina

La Solidaridad

Kilusang Propaganda

Katipunan

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?