KomPan LAC Session 1 Gawain 2

Quiz
•
Other
•
11th Grade
•
Hard
Rosalina Molines
Used 1+ times
FREE Resource
7 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
“Ala e”, dalawang salita na may apat na letra, ngunit dito pa lamang ay alam na alam mo na at kilala mo na kung sino at taga-saan ang nagsalita. Dahil sa salitang ito matutukoy na agad ng mga taong galing ibang bayan o lalawigan na isang Batangeño o Batangeña ang pinanggalingan ng salita. Isa lamang ito sa mga halimbawa ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng wika ng lipunan.
Pagbabago ng Wika
Introduksyon
Pamumuhay at Paglakbay
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isa sa mga natutunan ko sa mga magulang ko na natutunan din nila sa kanilang mga magulang ay ang pagiging maasikaso sa bisita. Kapag may bisita dapat ay: (1) papasukin sa bahay, pa-upuin agad, at ipagtimpla ng kape o kung ano mang maiinom o makakain. (2) Kung makikitulog man sa bahay, dapat sila ang nasa kama at kayo sa banig (kung mahalagang panauhin). (3) Huwag hahayaang gumawa ng gawaing bahay dahil sila ay bisita. (4) Dapat hindi sila ma-OP o Out of Place sa bahay niyo. At maraming-marami pang ibang kasunod na halos lahat ay pumapabor sa komportableng katayuan ng bisita.
Kultura ng Pagiging Maasikaso
Epekto ng Modernisasyon
Pagnanais na Ipagpatuloy ang Wika
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Makikita at masasalamin na bawat bayan o lalawigan ay may napakayamang kultura na nakagisnan na ng ating mga ninuno na ipinasa sa mga sumunod na henerasyon. Ngunit hindi rin maikakaikala ang mabilis na pagpawi ng mga salitang at nakagawiang ito sa panahong moderno ngayon. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay ang pagkamatay ng tradisyunal na wika kundi ang pagkakaroon o pagkabuhay ng isang bagong nabuong wika. Ibig sabihin ang wika ay hindi nababawasan kundi nadadagdagan lamang, ngunit mayroon pa ring malaking posibilidad na mamatay ang mga wikang nakasaad sa itaas at iba pang sinauang wika kung patuloy na hindi ito gagamitin at kung sa mga panahong ito ay paunti na ng paunti ang gumagamit o nagsasalita ng ganito.
Introduksyon
Tradisyunal na mga Salita
Pagnanais na Ipagpatuloy ang Wika
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ako bilang isang kabataan at estudyante ng modernong panahon ngayon, isang palaisipan sa akin ang mga salitang karaniwang sinasabi ng mga matatanda sa aming komunidad, at mapapasabi na lang na “huh?” Ipinapakita lamang nito ang napakalaking pagbabago o transpormasyon ng ating wika mula noon hanggang ngayon. Mga nakagawiang wika noon na hindi na alam ng mga kabataan sa ngayon.
Kultura ng Pagiging Maasikaso
Pagbabago ng Wika
Introduksyon
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Hindi lalampas sa lima ang mga mayroong four wheeler na sasakyan sa amin kaya karaniwan na ang motor o single bilang midyum ng transportasyon. Maswerte ka kung may sarili kayong sasakyan, at mamimili ka na lang kung magbabayad ka ng lampas limampung piso o maglalakad ka ng kilo-kilometro. Iilang tao rin ang mayroong kakayahang makapag-print o nakakapag-research kaya masasabi kong mapalad na ako. Kaya sobrang hanga ako sa mga kabataan dito sa amin na piniling magtiis sa ilang kilometro ng paglalakad para lamang makapasok ng sekondarya, at ito na rin ang isa sa dahilan kung kaya marami ring kabataan ang pinipiling tumigil sa pag-aaral.
Epekto ng Modernisasyon
Pamumuhay at Paglakbay
Tradisyunal na mga Salita
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang mga salitang ito ay nakuha ko sa pamamagitan ng aking ina na si Marcela P. Nolasco, limamput tatlong (53) gulang. Ayon sa kanya ay narinig nya ang mga salitang ito mula sa kanyang kabataan. (1) Tabaan, isang dahon na panglinis sa plato. (2) Tabayag, gulay na upo. (3) Bilawo o bilao isang bilog na mistulang nakahabi. (4) Tayod, isang uri ng bilaran o lagayan ng mga palay para paarawan. (5) Balawang isang kawayan na may dulos (panggamas/pangtabas) sa dulo. (6) Plangganita, isang lagayan ng kanin/ulam. (7) Balde isang container o lagayan ng tubig (8) Pang-iwang tawag sa anumang dahon na pangpahid sa pwet kapag napadumi sa gubat. (9) Kawa, isang malaking talyasi o lutuan. (10) Lagnas, isang tuyong ilog o ilat o creek sa ingles. (11) Bay-ong ang tawag sa lagayan ng manok. (12) Balaong, isang lagayan ng palay. (13) Halo, ito ang tawag sa kahoy na pambayo sa lusong. (14) Lusong ang tawag sa bayuhan ng kape, palay, mais at iba pa. (15) Banga o tapayan, isang lagayan ng tubig kung saan napapanatili ang natural na lamig nito. (16) Buboy, ito ang tawag sa palaman para sa unan na parang bulak. (17) Ayangaw, isang uri ng matibay na kahoy na karaniwang ginagamit sa mga paggagawa ng muwebles. (18) Bungbong ang tawag sa kawayan na lagayan ng tubig galing bukal. (19) At ang takure naman ay ang kawayan na lagayan ng inuming tubig. At napakarami pang ibang mga halimbawa ng mga salitang hindi karaniwan sa pandinig ng ilang mga taga-ibang bayan.
Pagbabago ng Wika
Pamumuhay at Paglakbay
Tradisyunal na mga Salita
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
“Sinsay muna”, ibig sabihin tuloy muna o daan muna dito. Uso din sa aming komunidad ang bigayan ng ulam sa pagitan ng mag-kakapit-bahay. Hindi rin masyadong uso ang cellphone sa matatanda kaya minsan kapag may itatanong sa kapitbahay, isisigaw na lang. At dahil malayo ang aming komunidad sa palengke o pamilihan, karamihan ng mga namamalengke na taga-amin na walang sasakyan o motor ay naglalakad o nasakay sa kabayo para lamang makarating sa pamilihan na halos apat na kilometro ang layo.
Pagbabago ng Wika
Epekto ng Modernisasyon
Pamumuhay at Paglakbay
Similar Resources on Wayground
11 questions
Thai BL Series

Quiz
•
KG - Professional Dev...
10 questions
Sitwasyong Pangwika

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Gamit ng Wika sa Lipunan

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Filipino Vocabulary Quiz

Quiz
•
11th - 12th Grade
10 questions
PANAHON NG MGA HAPONES

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Kahulugan at Bahagi ng Konseptong Papel

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Maikling Pagsusulit sa FPL

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Review for 3rd Monthly Test

Quiz
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
10 questions
Video Games

Quiz
•
6th - 12th Grade
10 questions
Lab Safety Procedures and Guidelines

Interactive video
•
6th - 10th Grade
25 questions
Multiplication Facts

Quiz
•
5th Grade
10 questions
UPDATED FOREST Kindness 9-22

Lesson
•
9th - 12th Grade
22 questions
Adding Integers

Quiz
•
6th Grade
15 questions
Subtracting Integers

Quiz
•
7th Grade
20 questions
US Constitution Quiz

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Exploring Digital Citizenship Essentials

Interactive video
•
6th - 10th Grade
Discover more resources for Other
10 questions
Video Games

Quiz
•
6th - 12th Grade
10 questions
UPDATED FOREST Kindness 9-22

Lesson
•
9th - 12th Grade
20 questions
US Constitution Quiz

Quiz
•
11th Grade
6 questions
Rule of Law

Quiz
•
6th - 12th Grade
15 questions
ACT Math Practice Test

Quiz
•
9th - 12th Grade
18 questions
Hispanic Heritage Month

Quiz
•
KG - 12th Grade
28 questions
Ser vs estar

Quiz
•
9th - 12th Grade
10 questions
Would you rather...

Quiz
•
KG - University