Search Header Logo

ARALING PANLIPUNAN 7 3RD QUARTER REVIEW S.Y. 2023-2024

Authored by CHELLSEA JOY ALBARICO

History

7th Grade

Used 11+ times

ARALING PANLIPUNAN 7 3RD QUARTER REVIEW S.Y. 2023-2024
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

50 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng hindi mabuting epekto tulad ng kamatayan, gutom, kahirapan, kawalan ng trabaho at pagkasira ng mga ari-arian. Kung ikaw ay lider, paano mo agad matutugunan ang sitwasyon ng iyong bansa pagkatapos ang digmaan?

magpatawag ng pagpupulong sa lokal at nasyonal na lebel

planuhin ang isasagawang rehabilitasyon ng buong bansa

mag-imbentaryo ng mga naapektuhan ng digmaan sa bawat rehiyon

makipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa upang makakuha ng tulong

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Ang mga Asyano ay nagkaroon ng mga kontribusyon sa iba’t ibang larangan tulad ng arkitektura, panitikan, musika, sayaw, at palakasan. Sino ang kauna-unahang Asyano na nagwagi ng Gawad Nobel sa larangan ng panitikan noong 1913?

Omar Khayyam

Shah Jahan

Shmuel Josef Agon

Rabindranath Tagore

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Sa pag-unlad ng Rebolusyong Industriyal sa bansang Inglatera, ang mga gawaing kamay ay napalitan ng mga makinarya na nagbunga sa paggawa ng maramihang produkto sa mabilis na paraan at sa kalaunan ay nagkaroon ng kakapusan sa likas na yaman. Bakit mahalaga para sa Inglatera ang likas na yaman na makukuha sa India?

magsilbing tirahan ng mga alagang hayop

mapagkunan ng mga hilaw na mateyales

makapag-ipon ng maraming suplay

maipagmayabang sa mga kakumpitensyang bansa

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Ang mga Hindu ay naniniwala sa reinkarnasyon o siklo ng kapanganakan at kamatayan ng isang tao. Batay sa paniniwalang ito, paano sila makakalaya sa nasabing siklo?

maipanganak at mamatay ng maraming beses

maging mabuting nilalang at makiisa ang kaluluwa kay Brahman

maniwala at sumamba ng taimtim sa ibat ibang diyos

umangat ang katayuan sa umiiral na sistemang caste

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Si papa Alexander VI ay nagtakda ng kasunduang Tordesillas sa pagitan ng Spain at Portugal na may kaugnayan sa pananakop ng mga lugar sa Silangan at Kanluran. Bakit ipinatupad ang kasunduang ito?

matukoy ang teritoryo o hangganan ng spain at portugal sa panggagalugad

magkaroon ng kapayapaan sa lahat ng bansa sa Asya

maging daan sa pagkakaisa ng mga bansang Kanluranin

matigil na ang pananakop sa Asya

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Ang naranasang neokolonyalismo ng mga Third World countries ay nagdulot ng iba'at ibang epekto sa kanilang pamumuhay. Alin sa mga naging epekto nito ang naging dulot ng pagpapautang ng World Bank at International Monetary Fund?

nabalewala ang sariling kurikulum ng edukasyon

malayang pagpasok ng teknolohiya ng mauunlad na bansa

napilitang sumang-ayon sa mga patakaran

naging palaasa sa larangan ng pananalapi at nabaon sa utang

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Bahagi ng tradisyon ng mga Hindu ay ang sati o suttee kung saan ang asawang babae inaasahang tumalon sa funeral pyre o apoy na sumusunog sa labi ng kanyang asawa. Bakit isinasagawa ang nasabing tradisyon?

kontrolin ang paglaki ng populasyon

parusahan ang mga kababaihan

tanda ng tunay na pagmamahal ng balong babae sa kanyang asawa

upang hindi na makapag-asawang muli

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?