
FILIPINO 4

Quiz
•
English
•
4th Grade
•
Hard
Danica Puran
Used 1+ times
FREE Resource
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sina Gerald at Sabrina ay matalino. _____ ay laging mataas ang marka.
Kami
Kayo
Sila
Tayo
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
_____ ang magsara ng pinto. Bilin iyan ni nanay sayo.
Ikaw
Ako
Sila
Kami
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ano ang tawag sa bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bahay, hayop, lugar at pangyayari?
Panghalip
Pangngalan
Pang-uri
Pang-abay
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ito ay ang bahagi ng pananalita na ipinanghahalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
Panghalip
Pangngalan
Pang -uri
Pang-abay
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
Ang Magalang na si Daniel
“Bye!” sigaw ni Daniel habang bumababa sa school bus na naghahatid sa kaniya mula sa paaralan. Magkita-kita tayo bukas….”
Magaan ang katawang pumasok ng kanilang tahanan si Daniel. Luminga-linga na wari’y may tila hinahanap.
Nang…..
“Aba, Anak, nariyan ka na pala. Hindi ko yata naulinigan ang busina ng inyong school bus,” wika ng inang papasok sa sala.
“Mano po,” ani Daniel sabay abot sa kamay ng ina. Akala ko po’y wala kayo.”
“E..e.. naroon ako sa likod-bahay. Inaayos ko ang aking mga halaman. Teka, gutom ka na ba?” tanong ng ina.
“Hindi pa naman po,” tugon ng anak, “tutulungan ko po kayo sa inyong ginagawa.”
“Ang bait talaga ng aking anak. Sige, ipasok mo muna ang iyong bag sa silid. Magpalit ka na rin ng damit pambahay,” utos ng ina.
Walang ano-ano’y ginulantang ang mag-ina ng malakas na sigawan mula sa kanilang kapitbahay.
“ Ano ka ba? Kanina ko pa sinasabing maghubad ka na ng uniporme at magpalit ng pambahay,” hiyaw ng ina kay Jake.
“E…..eh, manonood ako ng paborito kong cartoons,” paasik na sagot na may kasabay na padyak ng paa ni Jake
“Ah…bahala ka!” muling bulyaw ng ina sabay sara ng pinto.
Nagkatinginan sila sa magaspang na ugaling narinig sa pag-uusap ng mag-ina.
“Daniel, anak, naririto kami ng iyong Ama para pumatnubay sa iyong paglaki. Nakikita kong lumalaki kang isang magalang, masunurin, at masipag na bata. Sana ang magandang asal na kinalakihan mo ay maghatid sa iyo sa tagumpay,” sabi ng ina.
“Makakaasa po kayo, Nanay. Kailanman, hindi ko po kaliligtaang magpakita ng magandang asal sa mga bata at matatanda.
“ Aba, Anak, nariyan ka na pala. Hindi ko yata naulinigan ang busina ng inyong school bus,” Ano ang kasingkahulugan ng naulinigan?
nadama
nakita
narinig
nasilip
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
LAKI SA HIRAP NI LUIS GATMAITAN
Gusto kong magreklamo sa aking Tatay. Kasi’y mula ng pagkabata, kulang na ako sa maraming bagay sa buhay: magandang damit, masarap na pagkain, at maayos na bahay. Iyong mga damit namin panay luma. Karamihan dito’y bigay ng mga kamag-anak o kapitbahay na naaawa sa amin.“ Pangmayaman lang yung pumipili pa ng damit,” paalala ni Nanay. Sa pagkain, salat din kami. Kung hindi gulay puro isda naman. Biro ko kay Nanay , “ tutubuan na kami ng kaliskis sa kakakain ng isda” “Anak, pinagkakasya lang natin ang suweldo ng inyong Tatay,” pagpapaunawa ni Nanay. “ At saka, masustansiya naman ang gulay at isda. Aba! ‘yan ang kinakain ngayon ng mayayaman !”
Ang dami rin naming magkakapatid. Nandiyan sina Dodong, Jeng-jeng, Klang-klang , at Boom-Boom. Lumalaki ang aming pamilya. Pero hindi naman nadadagdagan ang suweldo ni Tatay. Kakunti na nga ang pagkain, marami pa kaming naghahati-hati sa kakainin. “ Laging nagsasakripisyo ang panganay, “ paalala ni Tatay. Gusto ko sanang isagot “ Bakit po kasi kayo nag-anak nang marami?” Pero hindi na lang ako kumibo. Madalas, nahihiya akong pumasok sa eskuwelahan. Sino bang matutuwa sa kupasing uniporme, lumang sapatos na halos mabutas na ang suwelas, at pinaglumaang bag? Lagi akong nagkukubli kapag kakain ng baong pang- tanghalian. Hindi ko maipagmalaki ang baon ko, kung hindi nilagang itlog ay tuyo, o galunggong, o talong. Sa ulam pa lang, kitang-kita na ang pagkakaiba ng mayaman sa gaya kong mahirap. “ Uy Millet, nandiyan ka pala! Halika, sabay tayong kumain. Hati tayo sa ulam ko. Hati rin tayo sa ulam mo,” bati ng isa kong kaklase. “ Uy Millet, nandiyan ka pala ! Halika , sabay tayong kumain . Hati tayo sa ulam ko. Hati rin tayo sa ulam mo,” bati ng isa kong kaklase. A, kay hirap maging mahirap. Pilit naming pinagkakasya ang lahat. Ang pagkain namin sa araw-araw ay halos hindi sumasapat. Dumating man ang pasko o bertdey, hindi uso ang bagong sapatos at damit . Hanggang tingin na lang ako sa mga bagay na gusto ko. Paano kaya kami makakaahon sa buhay na mahirap?
Isang gabi, nilagnat ng mataas si Tatay. Matindi ang kanyang ubo. Ilang araw siyang hindi nakapamasada sa traysikel. Simula noon, hindi na ako nakakita ng isda sa aming hapag. Puro gulay na lang. Naging mas malabnaw rin ang gatas na dinedede ni Baby. Wala na kaming baong pera. Wala na akong maipambili ng project sa eskuwelahan. “Kailangan kasi tayong bumili ng gamot para kay Tatay,” paliwanag ko sa aking mga kapatid. Tumagal pa ng
ilang araw ang sakit ni Tatay. Lalong nabawasan ang inihahandang pagkain ni Nanay. Hindi na rin kami nakakapasok sa eskuwelahan kasi’y wala na kaming baon. Nang gabing ‘ yun, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay. “Pahintuin muna kaya natin sa pag-aaral si Millet?’ sabi ni Nanay. “ Naku, huwag na huwag! Ipangutang mo muna para may pambaon”,” sagot ni Tatay. “Hindi siya dapat huminto ng pag-aaral. Hindi siya dapat magaya
sa atin. “ Matatag ang tinig ni Tatay. “ Pero marami na tayong utang …” Tutol ni Nanay. “ Basta’t gawan mo ng paraan. Dadagdagan ko pa ang aking sipag ‘pag gumaling ako. Hindi tayo maghihirap nang ganito kung nakatapos tayo ng pag- aaral …”
A, kaya pala pilit nila akong iginagapang sa pag-aaral. Kaya pala sobrang pagtitipid ang ginagawa nila sa araw-araw. May pangarap sila para sa akin. Gusto rin nilang umunlad ang aming buhay. Hindi ko pala dapat ikahiya ang aming kahirapan. Ang mahalaga, may pagkakataon akong makaahon sa buhay-mahirap. Kinabukasan, tinipon ko ang aking mga kapatid. Sinabi ko sa kanilang kailangan naming tulungan sina Tatay at Nanay para hindi kami mahinto ng pag-aaral. Kung namamasada si Tatay at naglalabada si Nanay, kami naman ay nagtitinda ng Banana Q, turon at samalamig, doon mismo sa harap ng aming munting bahay. Marunong na akong magluto kasi ako lagi ang nakaalalay kina Nanay at Lola sa kusina. “ Sige, Ate, tulong-tulong tayo!” hiyaw ng mga kapatid ko. “ Ako ang tagabalat ng saging!” prisinta ni Klang
-Klang. “ Ako naman ang magduduro ng saging sa stik!” ani Dodong. “At ako ang magpiprito ng turon at banana-Q mga apo,” sabad ni Lola na nakikinig pala sa aming plano.
Binasag ko ang aking alkansiyang baboy. Binilang ko ang lahat ng mga perang naipon at napamaskuhan ko. Kulang nang konti sa limang-daang piso. Puwede nang puhunan para makabili ng ilang piling na saging, mantika, at asukal na pula. Nagulat sina Nanay at Tatay nang makitang may nakalagay na isang mesa at isang lumang payong sa harap ng aming bahay. Dinumog ng mga kapitbahay ang aming mga paninda. Lalo akong sinipag. Pagkatapos bawasin ng puhunan, binigyan ko ng pambaon sina Dodong, Jeng-jeng, at Klang-Klang. At nakapagbigay pa kami ng konting pera kay Nanay. “ Bukas ulit, Ate, magtinda tayo ng banana Q,” hiyaw ni Klang-Klang. “ Dagdagan pa natin ng kamote-Q,”susog ni Dodong. Sumabad si Nanay, “ Papayagan ko kayong magtinda sa hapon basta’t ipangako n’yong hindi n’yo pababayaan ang pag-aaral. Sunod-sunod na tango ang sagot naming magkakapatid. Nabalitaan ng mga guro ko na nagtitinda kami ng banana-Q, kaya pati sila ay regular nang unoorder sa amin. Minsan nga, ginawa pa akong halimbawa ni Ma’am Tessie Arenas sa klase. “ Itong si Millet, dapat nating pamarisan ….”
Sabi ni Ma’am, hindi puwedeng asahan ang lotto o mga game shows sa TV para umunlad ang aming buhay. Hindi maaaring puro “abilidad” lang. Kailangang may pundasyon. At mas may laban daw sa buhay kung
nakatapos ng pag-aaral. Laki ako sa hirap. Pero alam kong isang araw, mas bubuti ang lagay ng aming buhay. Ang sabi, “Hindi kasalanang ipinanganak na mahirap. Pero malaking kasalanan kung mamatay nang mahirap. Kaya heto estudyante ako sa umaga, tapos tindera naman sa hapon. At hinding-
hindi ko ikinahihiya ‘yun. Sa ngayon, kailangang magtiis ang aming buong pamilya. Sulsihan ang mga lumang damit. Magkasya sa bahay na maliit. Magtipid at mag-impok. Huwag magsimula nang kahit anong bisyo. Magtiyagang mag-aral hanggang sa makatapos. Magkaroon ng disenteng hanapbuhay sa hinaharap. At makatulong din sa kagaya kong dumadaan sa hirap.
Nangako rin si Tatay sa bunso na si Boom-Boom. Hindi na siya masusundan nang isa pang kapatid. “ Pupunta kami ng Nanay mo sa health center at magtatanong kami tungkol sa family planning.” Hindi nagtagal at muling nagbalik ang lakas ni Tatay. Bukod sa pamamasada, sinimulan na rin niya ang isang maliit na talyer sa aming bakuran. Si Nanay naman, nagsimulang magluto ng all-year round na bibingka at puto-bungbong katabi ng aming banana– Q. Sosyo sila ni Lola. Ang buhay daw, sabi ni Lola, ay parang gulong. Minsan, ito’y nasa ilalim, minsa’y nasa ibabaw. Sa ngayon,
nasa ilalim ang gulong namin, pero sa tulong ng aking mga magulang, na nangakong igagapang akong makapagtapos ng pag-aaral, alam kong pasasaan ba’t gugulong din ito … nang paibabaw.
Paano nalaman ni Millet na ang usapang siya ay patitigilin sa pag – aaral ng kaniyang ina?
Palihim na narinig niya ang pagtatalo ng kanyang mga magulang
Sinabi mismo ng kanyang mga magulang na titigil na siya sa pag – aaral
Kinuwento ng kanilang tsismosang kapitbahay ng marinig ito
Nabasa niya sa isang liham ang dahilan sa pagpapatigil sa kanya
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Alamin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
Ang Brgy. Biyaya ay kilala sa pagbabayanihan.
pag-aawayan
pagtatalo
pag-iisa
pagtutulungan
Create a free account and access millions of resources
Similar Resources on Wayground
10 questions
Catch up Friday

Quiz
•
1st - 5th Grade
8 questions
Uri ng Pang-abay

Quiz
•
4th - 6th Grade
10 questions
Magagalang na Pananalita

Quiz
•
3rd - 10th Grade
10 questions
PANGANIB NG MALING PAGGAMIT AT PAG ABUSO SA PAG-INOM NG GAMOT: 3

Quiz
•
4th - 5th Grade
12 questions
4th QUARTER SUMMATIVE TEST MAY 2022 Aral.Pan4

Quiz
•
4th Grade
15 questions
Uri ng Pangngalan:Tahas, Basal at Palansak

Quiz
•
4th Grade
10 questions
MGA URI NG PANGHALIP - FILIPINO 4

Quiz
•
4th Grade
8 questions
PangUri

Quiz
•
1st - 5th Grade
Popular Resources on Wayground
18 questions
Writing Launch Day 1

Lesson
•
3rd Grade
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations

Quiz
•
6th - 8th Grade
11 questions
Standard Response Protocol

Quiz
•
6th - 8th Grade
40 questions
Algebra Review Topics

Quiz
•
9th - 12th Grade
4 questions
Exit Ticket 7/29

Quiz
•
8th Grade
10 questions
Lab Safety Procedures and Guidelines

Interactive video
•
6th - 10th Grade
19 questions
Handbook Overview

Lesson
•
9th - 12th Grade
20 questions
Subject-Verb Agreement

Quiz
•
9th Grade