
FIL9 Q3 PAGSISIYASAT
Authored by Giselle Bandal
Other
9th Grade
Used 1+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
40 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag mula sa buod ng ika-50 kabanata ng Noli Me Tangere. Piliin ang paliwanag na lohikal at naaangkop para sa mga ito,
upang makagawa ng mabuti ay dapat gumawa nang masama." Ano ang maaaring ibig-sabihin ni Ibarra sa pahayag niyang ito?
May mga pagkakataong puro masama lamang ang maaari mong gawin.
May mga pagkakataong ang masasamang gawain ay kinikilala ng mamamayan bilang mabuti.
May mga pagkakataong lahat ng iyong gawin ay hindi magiging katanggap-tanggap sa nakararami.
May mga pagkakataong kinakailangang gumawa ng bagay na di kanais-nais upang maisakatuparan ang mabuting hangarin.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
"Humihingi po sila ng reporma ... Halimbawa po, ibayong paggalang sa dignidad ng isang tao, karagdagang seguridad, pagbabawas sa lakas ng hukbong-sandatahan, at pag-aalis ng ilang pribilehiyo sa mga organisasyong nagiging sanhi ng kanilang pagmamalabis." Sa paanong paraan nasasalamin ng pahayag na ito ni Elias ang kasalukuyang lipunan?
Marahas ang nagiging pagtugon ng pamahalaan sa mga organisasyong tumutuligsa rito.
Mayroong kakulangan sa ating seguridad at kinakailangan gawin itong prayoridad ng pamahalaan.
Marami ring mga karapatang napapagwalang-bahala sa kasalukuyang lipunan na kinakailangan bigyan ng pansin.
Masyado nang marami ang bilang ng mga sundalo ng ating bansa at hindi na ito nagiging makatarungan para sa ibang propesyon.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
"... kailangan naman nating alaming mabuti kung sino-sino ang bibigyan natin ng walang hanggan kapangyarihan at awtoridad. Ang labis na kapangyarihang inilagay sa kamay ng mga ignorante at iresponsableng mga tao na walang kasanayang moral, na hindi subok ang katapatan, ay isang sandatang inilagay sa kamay ng isang baliw na pinabayaang makihalubilo sa gitna ng karamihan." Ano ang nais maipaunawa ni Elias kay Ibarra sa pahayag niyang ito?
Nararapat na maging kritikal sa pagpili ng mga pinuno.
Nararapat na maalam sa pagamit ng sandata ang hihiranging pinuno.
Nararapat na pumili ng pinunong makapangyarihan at may awtoridad.
Nararapat na masubok ang kakayahan ng pinuno sa pakikihalubilo sa iba.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
"Hindi mabuting doktor ang naglalapat agad ng lunas upang masugpo ang sintomas nang hindi muna sinusuri at inaalam ang sanhi at ugat ng sakit, o sakali mang alam niya ay natatakot namang bakahin." Ano ng konotatibong kahulugan ng pahayag na ito ni Elias?
Matapang ang sinumang humaharap sa hamon kahit na walang katiyakan kung ano man ang kaniyang babakahin.
Ang mabuting lider ay siyang nakakikita at nakapagbibigay solusyon sa suliranin kahit na hindi pa niya natutukoy ang pinag-uugatn nito.
Walang husay ang pinunong basta na lamang gumagawa ng patakaran nang walang masusing pag-aaral sa hamong kanyang binibigyang-solusyon.
Hindi magaling ang doktor na nanggagamot na lamang ng basta-basta nang hindi muna sinusuri ang tunay na dahilan ng karamdaman ng kanyang pasyente.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
"Maaaring magbago ako ng isip kung malalaman ko. Batid ninyong hindi ako naniniwala sa mga palagay lamang. Kailangang mapatnubayan ako ng katotohanan." Anong katangian ang ipinakikita ni Ibarra sa kanyang pahayag?
Nakikiusisa siya sa anomang bagay na pumupukaw kanyang interes.
Bago maniwala ay tinitiyak muna niya ang katunayan ng isang pahayag.
Madaling magbago ang kaniyang isip kapag nakarinig ng bagong impormasyon.
Hindi nagbabago ang kanyang paninindigan kahit na anumang paliwanag ang marinig niya.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Ang asul na basahan ang ipinamunas niya sa natapong tubig.
Gol
Lokatib
Benepaktib
Instrumental
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Ang pagtakbo bilang kagawad ng kanyang taytay ay ikinabigla ni Elsie.
Aktor
Lokatib
Kosatib
Benepaktib
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?