ESP10 QUARTER REVIEWER

ESP10 QUARTER REVIEWER

12th Grade

25 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

Ebalwasyon para sa 3 at 4 na linggo

Ebalwasyon para sa 3 at 4 na linggo

1st - 12th Grade

20 Qs

AP 6 M3-M4 Q3

AP 6 M3-M4 Q3

University

20 Qs

AKADEMIK

AKADEMIK

12th Grade

20 Qs

Pagsasanay 1 (Panitikang Pilipino-Sinaunang Pilipino)

Pagsasanay 1 (Panitikang Pilipino-Sinaunang Pilipino)

University

20 Qs

Kahulugan ng Wika ayon kay Gleason

Kahulugan ng Wika ayon kay Gleason

University

20 Qs

Kabanata XIV - XXII

Kabanata XIV - XXII

9th - 12th Grade

25 Qs

FILIPINO AS-O5

FILIPINO AS-O5

12th Grade

20 Qs

Wastong Gamit ng mga Salita

Wastong Gamit ng mga Salita

University

20 Qs

ESP10 QUARTER REVIEWER

ESP10 QUARTER REVIEWER

Assessment

Quiz

Education

12th Grade

Medium

Created by

Michelle Dote

Used 1+ times

FREE Resource

25 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Nabigyan ng pagkakataon na sumali sa isang organisasyon si Daniel na naglalayong magsagawa ng mga protestang laban sa mga polisiya ng gobyerno. Siya ay nag-aalala sa mga posibleng legal na komplikasyon at epekto sa kanyang relasyon sa pamilya. Ano ang pinakamainam na paraan upang ipakita ang tunay na gamit ng kalayaan sa kanyang desisyon?

Sumali sa organisasyon nang walang pag-iisip sa mga posibleng epekto at panganib, upang makiisa sa layunin ng grupo.

Tanggapin ang alok ng organisasyon at isantabi ang kanyang mga alalahanin upang makuha ang pansamantalang benepisyo ng pagiging bahagi ng grupo.

Iwasan ang sumali sa organisasyon upang hindi magdulot ng hidwaan sa kanyang pamilya at maiiwasan ang mga legal na komplikasyon, kahit na ito ay labag sa kanyang personal na paniniwala.

Maglaan ng oras upang pag-aralan ang mga epekto ng pagsali sa organisasyon sa kanyang buhay at pamilya, at makipag-usap sa kanyang pamilya tungkol sa kanyang desisyon bago gumawa ng pinal na desisyon.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Nahaharap sa isang pasiya si Mia kung tutulong siya sa isang proyekto ng kanyang mga kaibigan na tumutulong sa mga batang nangangailangan, o kung gagamitin ang kanyang oras para sa sariling proyekto na magbibigay sa kanya ng personal na kapakinabangan ngunit hindi makatutulong sa iba. Paano siya malayang pipili sa sitwasyong ito?

Pumili na maglaan ng oras sa sariling proyekto dahil ito ay makapagbibigay sa kanya ng personal na tagumpay at kasiyahan, kahit na hindi ito makatutulong sa iba.

Tumulong sa proyekto ng kanyang mga kaibigan upang ipakita ang kanyang kakayahan na tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod sa iba.

Maglaan ng oras para sa parehong proyekto, ngunit iwasan ang pagpapakita ng aktibong suporta sa alinman sa mga ito.

Iwasan ang anumang proyekto upang hindi maapektuhan ang kanyang oras at makapagpatuloy sa kanyang sarili.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Si Julian ay isang estudyanteng nabigyan ng pagkakataon na sumali sa isang prestihiyosong programa sa ibang bansa na makatutulong sa kanyang karera, ngunit nangangahulugan ito ng pagbitaw ng kanyang responsibilidad sa isang lokal na proyekto na tumutulong sa mga batang may kapansanan. Paano maipakikita ni Julian ang tunay na kalayaan sa kanyang pagpili?

Iwasan ang anumang desisyon upang mapanatili ang kasalukuyang sitwasyon at iwasan ang stress ng paggawa ng pasiya.

Sumali sa prestihiyosong programa sa ibang bansa upang makamit ang kanyang mga personal na layunin, kahit na nangangahulugan ito ng pag abandona sa lokal na proyekto na kanyang nasimulan.

Maglaan ng oras para sa parehong pagkakataon sa pamamagitan ng paghahanap ng paraan upang magtrabaho sa lokal na proyekto kahit na nasa ibang bansa, kahit na maaaring hindi ito maging epektibo o walang mangyari.

Ipagpatuloy ang oportunidad na natanggap bilang pagtupad sa pag-unlad ng sarili, at humanap ng mapagkakatiwalaang hahalili sa maiiwan na proyekto sa mga bata upang matiyak na sila ay matutulungan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Mayroong alok na binigay kay Shad na maging bahagi ng isang kasapi ng grupo na nagtataguyod ng environmental conservation, ngunit nangangailangan ito ng pag-aalay ng kanyang oras na dati nang inilaan para sa personal na interes. Sa kabila ng alok, iniisip niyang maaaring magdulot ito ng pag-abala sa kanyang mga personal na plano. Ano ang pinakaangkop na hakbang na maaaring gawin ni Shad?Ano ang pinakaangkop na hakbang na maaaring gawin ni Shad?

Maglaan ng oras para sa environmental group kapag may pagkakataon at iwasan ang pakikialam sa kanyang mga personal na plano.

Iwasan ang alok ng environmental group upang mapanatili ang kanyang mga personal na plano at interes, kahit na hindi siya makatutulong sa layunin ng grupo.

Timbangin ang mas mahalaga sa pagitan ng mga personal na plano nito ngunit tungo sa sariling pag-unlad at pakikilahok sa gawaing pangkalikasan tungo sa pagsalba sa nagbabagong panahon.

Gawing limitado ang oras na ilalaan sa magiging gawaing pangkalikasan at patuloy na gawin ang kanyang mga personal na plano sa natitirang oras bilang pagbibigay oras sa personal na pag-unlad tungo sa pagiging ganap.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Nais ni Carla na makamit ang pinakamataas na posisyon sa kanyang kumpanya, ngunit masasakripisyo nito ang kanyang nakasanayang gawaing pangkomunidad, tulad ng pagtuturo sa mga batang nasa lansangan. Paano isasagawa ni Carla ang sukdulang responsibilidad gamit ang kalayaan?Paano isasagawa ni Carla ang sukdulang responsibilidad gamit ang kalayaan?

Magdesisyon si Carla na ipagpatuloy ang pagtuturo at itigil ang kanyang ambisyon para sa pinakamataas na posisyon sa kumpanya, kahit na ito ay magpapababa sa kanyang karera.

Magpasiya si Carla na isaalang-alang ang posibilidad ng remote work o flexible hours para makasabay sa kanyang mga responsibilidad sa parehong karera at pagtuturo sa mga batang lansangan.

Piliin ni Carla na pagtuunan ang kanyang karera at iwan ang pagtuturo, ngunit maglaan ng oras para sa isang part-time na pagbibigay-tulong sa mga batang lansangan sa tuwing may pagkakataon.

Iwan ni Carla ang kanyang gawaing pangkomunidad upang makamit ang mataas na posisyon, ngunit tutulong siya sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga fund-raising events para sa mga batang lansangan.

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Sina Daniel at Marco ay parehong binibigyan ng buwanang allowance ng kanilang mga magulang. Napansin ni Daniel na mahirap ang sitwasyon ng kanilang pamilya, kaya't nagdesisyon siyang ipunin ang bahagi ng kanyang allowance para makatulong sa mga gastusin. Samantalang si Marco naman ay ginagamit ang kanyang allowance para bumili ng mga bagong gamit para sa sarili. Ano ang pangunahing pagkakaiba sa kilos ng dalawa kaugnay ng kanilang responsibilidad bilang miyembro ng pamilya?

Si Daniel ay nag-iingat sa pera, samantalang si Marco ay walang pakialam sa kanilang pamilya.

Si Daniel ay nag-iimpok para sa kanyang kinabukasan, samantalang si Marco ay nagsasayang lamang ng pera.

Si Daniel ay nagkukusa na tumulong sa pamilya, samantalang si Marco ay naghihintay na utusan bago gumawa ng aksyon.

Si Daniel ay nagpapakita ng malasakit at pagmamahal sa kanyang pamilya, samantalang si Marco ay mas inuuna ang sariling interes.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Si Karen ay napansin na ang kanyang mga kapatid ay madalas na nag-aaway dahil sa mga simpleng bagay, tulad ng paggamit ng laruan at paglilinis ng kwarto. Bilang isang nakatatandang kapatid, nais ni Karen na magpakita ng pagmamahal at tulungan ang mga nakababata niyang kapatid na maging mas responsable. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na dapat gawin ni Karen upang mas epektibong matulungan ang kanyang mga kapatid?

1.Ipaliwanag sa mga kapatid ang kahalagahan ng pagbibigayan at responsibilidad.

2.Magtakda ng mga simpleng tuntunin sa bahay para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

3.Magbigay ng halimbawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin na itinakda.

4.Hikayatin ang mga kapatid na mag-usap at magpatawad kapag may hindi pagkakaunawaan.

a. 1-3-2-4

b. 2-1-4-3

c.  1-2-3-4

d.     3-2-1-4

Create a free account and access millions of resources

Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports
or continue with
Microsoft
Apple
Others
By signing up, you agree to our Terms of Service & Privacy Policy
Already have an account?