Aralin 1 Ang Panahon at Klima ng Pilipinas
Ang panahon ay tumutukoy sa panandaliang kalagayan ng papawirin sa isang tiyak na oras at lugar. Panandalian ang paglalarawan nito dahil ito ay mabilis magbago. Maaaring mataas ang sikat ng araw sa umaga ngunit maulan sa hapon at gabi. Ang ilan sa mga salik na nakapagpapabago ng panahon ay ang temperatura, kahalumigmigan, at direksiyon o galaw ng hangin.
Ang klima naman ay tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan ng papawirin sa isang lugar o rehiyon. Ito ang naglalarawan sa pagkakaiba ng panahong nangyayari sa loob ng maraming taon. Nakadepende sa klima ang uri ng mga halaman at hayop na matatagpuan sa lugar. Kaya naman, naiimpluwensiyahan nito ang pamumuhay ng mga tao.
Type Done after reading