Aralin 2 - Katangiang Pisikal at Katangian ng Populasyon
Pilipinas, Isang Insular na Bansa
Ang Pilipinas ay isa sa mga insular na bansa sa Asya. ____________ ang tawag sa mga lugar na nahihiwalay ng katubigan sa mas malaking kalupaan.
Sa hilaga, ang Tsanel ng Bashi ang nagsisilbing pagitan ng Pilipinas at Taiwan.
Sa timog, ang Dagat Celebes naman ang naghihiwalay sa bansa sa kapuluan ng Indonesia.
Ang Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanlurang bahagi ang nasa pagitan ng Pilipinas at mainland Southeast Asia. Samantala,
sa silangang bahagi naman ng bansa ang malawak na Karagatang Pasipiko.