Umaga noon, kararaan ng isang malakas na bagyo. Paglabas ng Papa ko sa kusina, natagpuan niya ang isang lalaking nakatimbuwang, maputik ang mukha, katawan at damit. Sa dibdib ng lalaking nagdedeliryo sa init ng lagnat, isang sisiw ang maingay na siyap nang siyap. Apat na araw at gabing nagdedeliryo sa lagnat ang lalaking hatid sa amin ng bagyo. Buong tiyagang inilapat sa maysakit ang lahat ng magagawa ng doktor at gamot. Sa ikalimang araw, nagmulat ng mga mata ang mahiwagang tao sa papag ng aming kusina; ako ang unang napagpakuan ng tingin. Siya ay ngumiti. Pinulsuhan agad siya ng aking ama. “Ligtas ka na,” sabi ng Papa ko. “Magpasalamat ka sa Diyos.” Itinuro ng maysakit ang kaniyang tainga at umiling.
”Vicenteng lagyu ku,” ang sabi.
Pinagkunan: Vicenting Bingi, Panganiban
Ano ang dahilan at napadpad si Vicente sa bahay ng nagsasalita sa kuwento?