Search Header Logo

Pagsusulit sa Filipino 6

Authored by Maricel Dumlao

World Languages

3rd Grade

Used 5+ times

Pagsusulit sa Filipino 6
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

25 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Sa panahon ng tag-init, maraming tao ang nagsusuot ng maninipis at preskong damit. Karaniwan din silang gumagamit ng sumbrero o panakip sa ulo upang maprotektahan mula sa init ng araw. Ang iba naman ay nagdadala ng pamaypay o inumin upang manatiling presko at hindi matuyuan ng pawis. Talagang kapansin-pansin ang mga taong nasa labas na may kanya-kanyang paraan upang labanan ang init ng panahon. Ano ang pangunahing kaisipan ng talata?

Maraming tao ang nagsusuot ng maninipis na damit.

Sa tag-init, gumagamit tayo ng sumbrero.

Iba't ibang paraan ng pagpapresko sa panahon ng tag-init.

Kapansin-pansin ang mga taong nasa labas na may kanya-kanyang panakip sa ulo.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

2 mins • 1 pt

Sa panahon ng tag-init, maraming tao ang nagsusuot ng maninipis at preskong damit. Karaniwan din silang gumagamit ng sumbrero o panakip sa ulo upang maprotektahan mula sa init ng araw. Ang iba naman ay nagdadala ng pamaypay o inumin upang manatiling presko at hindi matuyuan ng pawis. Talagang kapansin-pansin ang mga taong nasa labas na may kanya-kanyang paraan upang labanan ang init ng panahon. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa pagpapaliwanag ng pangunahing diwa?

Pagsusuot ng preskong damit

Paggamit ng makapal na dyaket

Paggamit ng pamaypay

Pagsusuot ng sombrero

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Malawak ___ kagubatan ang matatagpuan sa ating bansa kaya sagana tayo sa likas na yaman. Anong pang-angkop ang pupuno sa patlang?

-g

na

nang

ng

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Patuloy pa rin ang kampanya ng pamahalaan na protektahan ang kalikasan laban sa polusyon. Kailangan nating suportahan ang mga adhikain para sa malinis na kapaligiran. Buo__ loob tayong makiisa sa mga programang pangkalikasan. Anong pang-angkop ang dapat ipuno sa patlang?

-g

na

nang

ng

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Ang pag-eehersisyo araw-araw ay nakatutulong na palakasin ang ating katawan. Mahalaga rin ang balanseng pagkain ____________ ito ay nagbibigay ng sapat na sustansiya sa katawan. Anong pangatnig ang dapat ipuno sa patlang?

kaya't

kung

sapagka't

upang

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Mataas pa rin ang presyo ng bilihin ______ patuloy ang pagsisikap ng gobyerno na mapanatili ang maayos na ekonomiya. Anong pangatnig ang dapat ipuno sa patlang?

dahil

kahit

subalit

upang

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Nagsasagawa ng malawakang pagtatanim ng puno ang mga environmental groups ______ mapigilan ang matinding pagbaha sa ilang lugar. Anong pangatnig ang dapat ipuno sa patlang?

dahil

kapag

kung

upang

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?