Search Header Logo

Pagsusulit sa Araling Panlipunan 3 DIVISION TEST

Authored by JEMMA MADINNO

World Languages

3rd Grade

Pagsusulit sa Araling Panlipunan 3 DIVISION TEST
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

31 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tahanan ng ating mga ninuno?

Ang tahanan nila ay isang palapag, yari sa pawid, kahoy, kawayan, sawali, at kugon at ito ay nakaangat sa lupa.

Ang tahanan nila ay may dalawang palapag na yari sa galva, kahoy, semento, sawali, at kugon at nakaangat sa lupa.

Ang tahanan nila ay isang palapag na yari sa galva, kahoy, semento, sawali, kawayan at kugon at nakababa sa lupa.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa paraan ng pag-aasawa ng ating mga ninuno?

Bago mag-asawa ang lalaki ay kailangan may mga ari- arian.

Bago mag-asawa ang lalaki ay naninilbihan muna siya sa pamilya ng babaeng ibig niyang pakasalan.

Bago mag-asawa ang lalaki ay nagtatrabaho muna sa ibang lugar upang makapagpundar ng bahay niya.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Media Image

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa kasuotan ng babae at lalaki na taga-Ifugao?

Ang kasuotan ng lalaki ay ku'val at sa babae ay sa'dey at devit.

Ang kasuotan ng lalaki ay badio at abag at sa babae ay badio at bahakat.

Ang kasuotan ng lalaki ay bahag (wano) at sa babae ay tapis (tolge).

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa kapangyarihan ng iba't ibang ispiritong tagabantay tulad ng anito. Paano pinahahalagahan ng ating mga ninuno ang kanilang mga anito?

Iginagalang at pinangangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagdarasal at pag-alay ng pagkain.

Iginagalang at pinangangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasayaw at pag-alay ng pagkain sa kagubatan.

Iginagalang at pinangangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagkakatay ng mga hayop sa kagubatan at iniaalay sa mga ito.

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Bakit pagmimina ang pangunahing hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa mga bulubunduking lugar?

Dahil sa impluwensiya ng temperatura ng mga lugar

Dahil sa impluwensiya ng klima at mga tao sa bawat lalawigan

Dahil sa impluwensiya ng lokasyon o kinalalagyan ng mga lugar

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Bakit angkop na pananim ang mga repolyo, cauliflower, carrots, at broccoli sa Lalawigan ng Benguet?

Dahil angkop ang mga ito sa mga lugar na may mainit na klima.

Dahil angkop ang mga ito sa mga lugar na may malamig na klima.

Dahil angkop ang mga ito sa mga lugar na may katamtamang lamig na klima.

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Paano nakakaapekto ang klima sa uri ng pananamit ng mga tao sa bawat lalawigan sa Rehiyong Cordillera?

Gumagawa ang mga tao ng damit ayon sa disenyong gusto.

Nagsusuot ang mga tao ng damit na gusto nilang isuot kahit saan sila magpunta.

Iniaangkop ng mga tao ang kanilang kasuotan batay sa uri ng klima sa kanilang lugar.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?