pagkilos tungo sa pambansang kaunlaran

pagkilos tungo sa pambansang kaunlaran

9th Grade

5 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

EsP9 - M2 - Paunang Pagtataya

EsP9 - M2 - Paunang Pagtataya

9th Grade

10 Qs

MGA SISTEMANG PANG-EKOMOMIYA

MGA SISTEMANG PANG-EKOMOMIYA

9th Grade

10 Qs

Quiz-Kurba ng Demand

Quiz-Kurba ng Demand

9th Grade

10 Qs

Modyul 3: Lipunang Pang-Ekonomiya

Modyul 3: Lipunang Pang-Ekonomiya

9th Grade

10 Qs

Konsepto ng Ekonomiks

Konsepto ng Ekonomiks

9th Grade

10 Qs

Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

9th Grade

10 Qs

MODYUL 6

MODYUL 6

9th Grade

10 Qs

Learning Activity #1

Learning Activity #1

9th Grade

10 Qs

pagkilos tungo sa pambansang kaunlaran

pagkilos tungo sa pambansang kaunlaran

Assessment

Quiz

Social Studies

9th Grade

Hard

Created by

Lea Romualdo

Used 3+ times

FREE Resource

5 questions

Show all answers

1.

FILL IN THE BLANK QUESTION

1 min • 2 pts

Sa isang maliit na bayan, may problema sa basura dahil marami sa mga residente ang hindi nagtatapon nang maayos. Dahil dito, nagbara ang mga kanal at nagdulot ng pagbaha tuwing umuulan.

Ang grupo nina Francis, Mikee, Lorenz, at Encio ay nag-organisa ng Clean and Green Project. Nagsimula silang manghikayat ng mga residente na mag-segregate ng basura, magtanim ng puno, at sumali sa lingguhang paglilinis ng komunidad.

Hindi nagtagal, sumuporta rin ang pamahalaang lokal sa proyekto sa pamamagitan ng pagbibigay ng basurahan sa bawat kalsada at pagpapatupad ng mahigpit na ordinansa sa tamang pagtatapon ng basura.

Ang mga kabataan ay…

2.

FILL IN THE BLANK QUESTION

1 min • 2 pts

Si Jhanina ay isang empleyado sa isang pabrika, at mahilig siyang bumili ng damit at sapatos mula sa mga sikat na dayuhang tatak. Isang araw, napansin niya ang isang maliit na negosyo sa kanilang bayan na gumagawa ng de-kalidad na sapatos na yari sa Liliw. Napag-alaman niyang maraming sapatero ang nawawalan ng trabaho dahil mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang imported na sapatos kaysa sa lokal na produkto.

Kaya naman sinimulan niyang suportahan ang produktong Pilipino. Hindi lamang siya bumili para sa sarili, kundi hinikayat niya rin ang kanyang mga kaibigan at pamilya na gawin din ito. Ipinakita niya sa social media ang husay at tibay ng produktong Pilipino, kaya't dumami ang naging customer ng lokal na brand.

Si Jhanina ay…

3.

FILL IN THE BLANK QUESTION

1 min • 2 pts

Si Aling Eureka ay isang maybahay sa isang maliit na bayan sa probinsya. Dati, umaasa lamang siya sa kita ng kanyang asawang magsasaka upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngunit dahil sa hindi palaging maganda ang ani, naghanap siya ng ibang paraan upang makatulong sa kanilang kita.

Napansin niyang marami sa kanilang lugar ang may tanim na kape ngunit walang gumagawa ng sariling brand ng kapeng lokal. Gamit ang kanyang galing sa pagnenegosyo, nagsimula siyang magtimpla at magbalot ng kape upang ibenta sa palengke.

Unti-unti, dumami ang kanyang suki at napansin ito ng iba pang kababaihan sa kanilang barangay. Dahil dito, nagtayo siya ng kooperatiba ng mga kababaihan kung saan tinuruan niya sila kung paano magproseso, magbalot, at magbenta ng sariling produkto.

Si Aling Eureka ay…

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 5 pts

Nakaisip si Aling Eureka ng bagong paraan upang gawing mas matipid ang kanyang produksyon—gumamit siya ng solar-powered coffee roaster at naghanap ng direktang supplier ng kape mula sa lokal na magsasaka upang maiwasan ang mataas na patong ng presyo mula sa middlemen. Dahil dito, bumaba ang gastos niya, tumaas ang kanyang kita, at mas maraming lokal na magsasaka ang natulungan dahil direkta niyang binibili ang kanilang produkto.

Bago niya gamitin ang kanyang bagong sistema, ang gastos sa produksyon ng isang sako ng kape ay ₱1,200. Matapos ang kanyang pagbabago, bumaba ito ng 20%. Kung nakakagawa siya ng 500 sako ng kape kada buwan, magkano ang matitipid niya sa isang buwan?

₱60,000
₱120,000
₱80,000
₱100,000

5.

FILL IN THE BLANK QUESTION

1 min • 1 pt

Si Joey ay isang first-time voter sa darating na halalan. Napansin niya na maraming tao sa kanilang komunidad ang bumoboto base lamang sa kasikatan ng kandidato, hindi sa kanilang plataporma o nagawa.

Naglaan siya ng oras upang pag-aralan ang mga programa ng bawat kandidato, lalo na sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, at serbisyong pampubliko.

Upang makatulong sa iba pang botante, nag-organisa siya ng isang forum kung saan inimbitahan ang mga kandidato upang ipaliwanag ang kanilang mga plano para sa bayan. Gumamit din siya ng social media upang ipakalat ang tamang impormasyon tungkol sa eleksyon, iwasan ang fake news, at himukin ang iba na bumoto nang may kaalaman.

Si Joey ay…

Discover more resources for Social Studies