
KABANATA 6

Quiz
•
Other
•
10th Grade
•
Hard
Ampuan P.
FREE Resource
9 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang gabi dumating si Basilio sa gubat ng San Diego upang dalawin ang libingan ng kaniyang ina. Habang nag-aalay siya ng panalangin, may narinig siyang kaluskos at nakita niyang may isang matandang lalaking nahihirapan at sugatan. Kung ikaw si Basilio, ano ang iyong gagawin sa sitwasyong ito?
Tatakbo ka palayo upang hindi ka madamay sa anumang kaguluhan.
Tutulungan mo ang matandang lalaki at aalamin kung ano ang nangyari sa kaniya.
Magtatago at magmamasid sa paligid upang tiyakin na ligtas ang iyong sarili.
Hahanapin mo ang mga guwardiya sibil upang iulat ang pangyayari.
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang araw napag-alaman mo na ang kabataan sa iyong bayan ay gustong sumapi sa mga kilusan ng paghihimagsik. Kung ikaw si Basilio, ano ang magiging paraan mo upang maiwasan ang karahasan?
Magtuturo sa kanila ng tamang paraan ng pakikibaka sa pamamagitan ng mapayapang protesta
Makikipagtulungan sa kabataan at mag-oorganisa ng lihim na pag-aalsa
Magiging tahimik at iwasan ang anumang kaganapan upang hindi magdulot ng panganib
Gagamitin ang kanilang pagiging normal na mag-aaral upang makakuha ng impormasyon mula sa kalaban
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Natuklasan mo na ang bayan ng San Diego ay pinamumunuan ng mga mapang-abusong prayle, ngunit wala kang sapat na kapangyarihan. Kung ikaw si Basilio, paano mo haharapin ang sitwasyon upang matulungan ang iyong bayan?
Gamitin ang iyong natutuhan sa Maynila at magtulungan upang simulan ang isang lihim na kilusan laban sa mga prayle
Maghahanap ng ibang tao sa bayan upang magkaisa laban sa mga prayle at makipag-usap sa kanila nang maayos
Mananatili kang tahimik at makipagtulungan sa mga tao nang hindi iniistorbo ang mga awtoridad
Mag-isang kumilos nang sa gayon ay hindi madamay ang ibang tao sa kapahamakan
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Kung ikaw si Basilio at ikaw ay nakatagpo ng isang lihim na plano ng paghihimagsik mula sa kabataan ng bayan. Anong wastong paraan para tugunan ang kanilang galit at pagnanais na maghiganti sa mga Espanyol?
Hikayatin sila magpatuloy sa kanilang plano at sumuporta sa kanilang layunin na paghihimagsik upang hindi maging kaaway ang tingin sa iyo
Magbigay ng iyong mga suhestyong plano at estratehiya pagpapakita ng suporta
Iwasan silang makialam at magpatuloy sa iyong sariling plano ng paghihganti upang hindi sila madamay
Pag-usapan ang mga sanhi at epekto ng kanilang pag-aaklas at turuan sila ng mas mapayapang pamamaraan ng pagbabago
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Noong ika'y naging sakitin hindi mo nagagampanan ang iyong mga gawain at responsibilidad bilang kasambahay. Napilitan ang iyong mga amo na ika'y palayasin. Kung ikaw si Basilio, ano ang iyong dapat gawin?
Magalit sapagkat hindi ka nila inintindi
Makiusap nang maayos na baka maaaring bigyan ng isa pang pagkakataon
Umalis na lamang at humanap na lang ng ibang amo
Humingi ng paumanhin sa pagkukulang at humanap na lamang agad ng ibang trabahong kayang gampanan
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Matapos ang labintatlong taon, naging masipag at matiyaga si Basilio upang makapagtapos ng pag-aaral sa medisina. Gayunpaman, hindi siya sumali sa mga kilusang lumalaban sa pamahalaan. Kung ikaw si Basilio, paano mo ipapakita ang tamang diskarte sa ganitong sitwasyon?
Mananatili kang tahimik at hindi makikilahok sa anumang kilos-protesta upang maprotektahan ang iyong hinaharap.
Sasali ka agad sa mga rebolusyonaryo sa pagnanais na makatulong.
Gagamitin mo ang iyong kaalaman sa medisina upang makatulong sa mga nangangailangan habang pinag-aaralan ang sitwasyon ng bayan
Lilisanin mo ang bansa at maghahanap ng magandang trabaho rito
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sa loob ng maraming taon, nagsikap si Basilio upang makapagtapos ng pag-aaral sa medisina. Gayunpaman, nahaharap siya sa isang tunggalian—ang pananatili bilang isang tahimik na estudyante o ang pagsali sa kilusang makabayan. Kung ikaw si Basilio, ano ang iyong magiging desisyon?
Iiwasan mo ang parehong panig at lilisanin ang bansa upang makahanap ng mas tahimik na buhay sa ibang lugar.
Sasali ka sa kilusan ng mga mag-aaral na humihiling ng pagbabago kahit na maaaring mailagay sa panganib ang iyong kinabukasan.
Maghihintay ka ng tamang pagkakataon upang magpahayag ng iyong panig nang hindi nalalagay sa alanganin.
Mananatili kang tahimik at magpapatuloy sa pag-aaral upang makamit ang iyong pangarap nang hindi nadadamay sa gulo.
8.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Kung ikaw si Basilio at nakita mong sugatan si Elias sa gubat, paano mo ipapaliwanag ang desisyon mong huwag siyang tulungan?
Natatakot akong madamay sa kanyang mga problema at baka mapagbintangan ako.
Hindi ko siya agad nakilala at inisip kong baka isa siyang kriminal o tulisan.
Ayokong tumulong sa isang taong maaaring may masamang balak laban sa gobyerno.
Naniniwala akong mas makakabuti para sa kanya kung hindi ako makialam.
9.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Kung hindi nahanap ni Basilio ang bangkay ng kanyang ina sa gubat noon, paano ito makaaapekto sa kanyang buhay?
Mas mabilis siyang nakalimot at hindi na siya bumalik sa gubat taon-taon.
Posibleng naghanap siya ng hustisya para sa kanyang ina sa ibang paraan.
Maaaring hindi siya nag-aral at nagpakalunod na lang sa lungkot at kawalan ng pag-asa.
Posibleng hindi siya ganun kagalit sa sistema at sa mga nagpahirap sa kanya.
Similar Resources on Wayground
10 questions
El Filibusterismo (Kabanata 1-5)10D

Quiz
•
10th Grade
10 questions
El Filibusterismo (Kabanata 1-5)

Quiz
•
10th Grade
10 questions
Pagtataya

Quiz
•
10th Grade
8 questions
PaQuiz ni HULI

Quiz
•
10th Grade
10 questions
Filipino 10

Quiz
•
10th Grade
12 questions
FILIPINO 10- ARALIN 4-Pag-unawa sa Parabula at Pagsasalaysay

Quiz
•
10th Grade
10 questions
Aralin 4.2

Quiz
•
10th Grade
10 questions
Pananaliksik

Quiz
•
7th - 11th Grade
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations

Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
PBIS-HGMS

Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
"LAST STOP ON MARKET STREET" Vocabulary Quiz

Quiz
•
3rd Grade
19 questions
Fractions to Decimals and Decimals to Fractions

Quiz
•
6th Grade
16 questions
Logic and Venn Diagrams

Quiz
•
12th Grade
15 questions
Compare and Order Decimals

Quiz
•
4th - 5th Grade
20 questions
Simplifying Fractions

Quiz
•
6th Grade
20 questions
Multiplication facts 1-12

Quiz
•
2nd - 3rd Grade