PAGTATAYA - PAGPILI NG KALAHOK O TAGATUGON

Quiz
•
Other
•
11th Grade
•
Hard
Jerico Jesus
FREE Resource
7 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang grupo ng mananaliksik ang nais malaman ang opinyon ng mga estudyante tungkol sa bagong patakaran sa pagsusuot ng uniporme. Dahil limitado ang kanilang oras, pinili nilang kausapin ang mga unang 30 estudyanteng nakita nila sa harap ng paaralan upang sagutin ang kanilang survey. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang paglalarawan ng sampling technique na ginamit?
Ito ay convenience sampling dahil ang mga estudyante ay random na pinili mula sa listahan ng buong populasyon
Ito ay convenience sampling dahil sinigurado nilang bawat seksyon ay may kinatawan sa pamamagitan ng pagpili ng 30 estudyante mula sa iba’t ibang klase.
Ito ay convenience sampling dahil pinili ang mga estudyanteng pinakamadaling maabot o makausap.
Ito ay convenience sampling dahil gumamit sila ng systematic interval upang mapili ang kanilang mga tagtugon
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang mananaliksik ang nais pag-aralan ang karanasan ng mga estudyanteng honor students sa kanilang akademikong buhay. Upang makuha ang kanyang sample, pinili niya lamang ang mga estudyanteng may general average na 90 pataas upang lumahok sa pananaliksik. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang paglalarawan ng sampling technique na ginamit?
Ito ay purposive sampling dahil hinayaan ang mga estudyante na mag-refer ng iba pang honor students para sa pag-aaral.
Ito ay purposive sampling dahil ang mga kalahok ay random na pinili mula sa buong populasyon ng mga estudyante.
Ito ay purposive sampling dahil ang mga estudyante ay pinili gamit ang isang tiyak na pagitan mula sa isang organisadong listahan.
Ito ay purposive sampling dahil pumili ang mananaliksik ng mga kalahok batay sa partikular na kwalipikasyon o pamantayan.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang mananaliksik ang nais pag-aralan ang mga karanasan ng mga estudyanteng nagtatrabaho habang nag-aaral. Dahil mahirap matukoy kung sinu-sino ang mga working students, nagsimula siya sa isang maliit na grupo ng estudyante at hiniling sa kanila na mag-refer ng iba pang working students na maaari ding lumahok sa pag-aaral. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang paglalarawan ng sampling technique na ginamit?
Ito ay snowball sampling dahil gumamit ng isang systematic interval sa pagpili ng mga kalahok mula sa listahan ng mga working students.
Ito ay snowball sampling dahil ang mga kalahok ay pinili nang random mula sa listahan ng lahat ng estudyante sa paaralan.
Ito ay snowball sampling dahil sinigurado ng mananaliksik na ang bawat kurso ay may kinatawan sa pamamagitan ng pagpili ng ilang estudyante mula sa bawat departamento.
Ito ay snowball sampling dahil nagsimula ang pananaliksik sa isang maliit na grupo ng kalahok na nag-refer ng iba pang kasamahan.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang mananaliksik ang nais alamin ang mga opinyon ng mga doktor tungkol sa isang bagong gamot. Sa halip na random na pumili mula sa lahat ng doktor sa bansa, pinili niya lamang ang mga eksperto sa larangang ito na may higit 10 taong karanasan. Anong uri ng non-probability sampling ang ginamit?
Ito ay purposive sampling dahil ang mga kalahok ay pinili batay sa kanilang espesipikong karanasan at kaalaman.
Ito ay convenience sampling dahil pinili lamang ang mga doktor na madaling maabot.
Ito ay snowball sampling dahil hiniling sa ilang doktor na mag-refer ng iba pang eksperto.
Ito ay quota sampling dahil siniguradong pantay ang bilang ng doktor mula sa iba’t ibang ospital.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sa isang lungsod na may 20 pampublikong paaralan, nais ng isang research team na suriin ang kalidad ng edukasyon. Dahil limitado ang oras at pondo, pinili nilang random na pumili ng 5 paaralan at suriin ang lahat ng mag-aaral sa mga ito. Anong uri ng probability sampling ang kanilang ginamit?
Simple random sampling
Cluster sampling
Systematic sampling
Stratified random sampling
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang grupo ng mananaliksik ang nais alamin ang kasiyahan ng mga estudyante sa bagong online enrollment system ng kanilang paaralan. Upang makuha ang sample, kinuha nila ang listahan ng lahat ng estudyanteng nag-enroll ngayong semestre at pinili ang bawat ika-12 pangalan sa listahan upang lumahok sa survey. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang paglalarawan ng sampling technique na ginamit?
Ito ay systematic sampling dahil pumili ng random na estudyante mula sa buong populasyon gamit ang isang random number generator.
Ito ay systematic sampling dahil may ginamit na tiyak na pagitan sa pagpili ng sample mula sa isang organisadong listahan ng populasyon.
Ito ay systematic sampling dahil sinigurado nilang lahat ng kurso ay may kinatawan sa pamamagitan ng pagpili ng bawat ika-12 estudyante sa bawat departamento.
Ito ay systematic sampling dahil ang bawat ika-12 estudyante mula sa isang pre-selected na grupo ay pinili upang lumahok sa survey.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Nais pag-aralan ng isang guro ang academic performance ng kanyang mga estudyante sa tatlong seksyon. Pinili niya ang sampung estudyante mula sa bawat seksyon upang makuha ang kanilang opinyon sa bagong sistema ng pagtuturo. Anong sampling technique ang kaniyang ginamit?
Simple Random Sampling
Cluster Sampling
Stratified Sampling
Systematic Sampling
Similar Resources on Wayground
10 questions
Kahulugan, katangian at kahalagahan ng wika(#1)

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Pananaliksik sa Filipino - Pagbasa at Pagsusuri

Quiz
•
11th - 12th Grade
10 questions
1st Summative Test

Quiz
•
11th Grade
11 questions
Lakbay-sanaysay_Maikling Pagsusulit

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Bahagi ng Aklat

Quiz
•
6th Grade - University
10 questions
Q3_PAGBASA...M1_BALIKAN

Quiz
•
11th Grade
10 questions
Pagbasa at Pagsusuri

Quiz
•
11th Grade
10 questions
OBHETIBO AT SUBHETIBO

Quiz
•
11th Grade
Popular Resources on Wayground
11 questions
Hallway & Bathroom Expectations

Quiz
•
6th - 8th Grade
20 questions
PBIS-HGMS

Quiz
•
6th - 8th Grade
10 questions
"LAST STOP ON MARKET STREET" Vocabulary Quiz

Quiz
•
3rd Grade
19 questions
Fractions to Decimals and Decimals to Fractions

Quiz
•
6th Grade
16 questions
Logic and Venn Diagrams

Quiz
•
12th Grade
15 questions
Compare and Order Decimals

Quiz
•
4th - 5th Grade
20 questions
Simplifying Fractions

Quiz
•
6th Grade
20 questions
Multiplication facts 1-12

Quiz
•
2nd - 3rd Grade