Ang _____ ng koridong Ibong Adarna ay hindi nag-iisa sapagkat marami itong kahawig na kuwento na tungkol din sa pagkakasakit ng ama ng tatlong magkakapatid na lalaki. Ang bawat isa sa kanila ay sumubok na kunin ang magiging lunas sa karamdaman ng kanilang ama. Ang panganay at pangawa ay nabigong makuha ito, samantalang ang bunsong anak ang nagtagumpay dahil sa kabutihan ng kaniyang ugali at mga taong tumulong sa kaniya. Ang mga kahawig nitong korido ay nagmula sa mga bansang Alemanya, Albanya, Dinamarka, Armenya, Espanya, at iba pa.

Mga Natatanging Koridong Maihahambing sa Ibong Adarna

Quiz
•
World Languages
•
7th Grade
•
Easy
Earl Hilario
Used 4+ times
FREE Resource
21 questions
Show all answers
1.
FILL IN THE BLANK QUESTION
1 min • 1 pt
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Isang katha noong taong 1300, ang pinanggalingan ng kuwentong Scala Celi, ng paring Dominiko na nagngangalang Johannes Gobil, Jr. sa _____. Ayon dito, isang haring may malubhang sakit ang nangangailangan ng tubig ng buhay. Kaya naman naglakbay ang kaniyang tatlong anak, tinawid ang dagat, at ginalugad ang mga bundok at gubat upang makuha lamang ang lunas para sa sakit ng kanilang ama. Sa kaniyang paglalakbay, tinulungan ng isang matanda ang mabait at magaling na bunsong anak sa paggapi sa mga panganib na kaniyang sinuong bago marating ang palasyong katatagpuan ng lunas na tubig, gaya ng ahas na makamandag, ang mga dalagang nakaaakit sa tingin, at ang mga kawal na nagbabantay sa paligid ng palasyo. Tinuruan din siya kung paano mapapasok ang palasyo. Isang espongha ang ipinagkaloob sa kaniya na makatutulong sa kaniyang paghahanap. Pinagtagumpayan niya ang mga panganib, at matapos niyang mapagkalooban ng lunas ang kaniyang ama ay napangasawa pa niya ang prinsesa ng palasyo.
Mula sa PROVENA
Mula sa HENSEN
Mula sa PADERBON
Mula sa DINAMARKA
Mula sa ARABIA
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Mula naman sa isang kuwento sa _____ (Alemanya) noong taong 1812, isang hari ang nagkasakit at nabulag. Napanaginipan niya na isang ibong Fenix (phoenix) ang lunas sa kaniyang karamdaman. Sa pamamagitan daw ng sutsot o awit nito na kaniyang maririnig ang siyang biglang magpapagaling sa hari. Sunod-sunod na nagpakasakit ang tatlong anak upang mahanap ang ibon, subalit ang pinakabunso lamang ang nagtagumpay sa tulong ng isang Zorra, na humiling na bilang kapalit ng kaniyang tulong ay barilin siya upang manumbalik siya sa kaniyang dating anyo. Ang pagkatao ay nawala sa kaniya dahil sa bagsik ng sumpa ng isang engkanto. Ang kapalit ng nabanggit ay nakalimutang igawad ng prinsipe matapos na makuha niya ang nais.
Mula sa PROVENA
Mula sa HENSEN
Mula sa PADERBON
Mula sa DINAMARKA
Mula sa ARABIA
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Sa _____ (Albanya), ang makakatulad ng Ibong Adarna ay may pamagat na Ang Ibong Ginto. Isang hari ang may halamananang kinaroroonan ng isang puno na nang-aakit sa tingin. Ang mga kawal ay nagbabantay sa paligid ng palasyo ng punong mansanas na ang bunga ay ginto. Subalit sa tuwing mahihinog ang mga bunga ay nawawala ang isa nito. Isa-isang inatasan ang tatlong anak ng hari na magbantay sa mansanas at ang bunsong anak ng hari ang nakatuklas na ang ibong ginto pala ang nagnanakaw nito. Binaril niya ang ibon at nalaglag ang isang bagwis. Sinabihan ng ama ang mga anak na hulihin ang ibon nang makita niya ito. Nakipagsapalaran ang tatlong magkakapatid. Binaril ng dalawang magkapatid ang ibon sa halip na pakinggan ang payo ng Zorra. Ang bunso ang siyang kinalinga ng Zorra sapagkat siya lamang ang nagpamalas dito ng kabutihang loob. Itinuro sa kaniya ang hayop at kung paano mahuhuli ang gintong ibon. Ipinagbilin pa sa kaniya na huwag itong ilalagay sa hawlang ginto kundi sa hawlang kahoy. Nagkamali ang prinsipe nang kaniyang suwayin ang biling ito. Nadakip tuloy siya ng mga tagabantay nang dahil dito Ngunit hindi naman nagalit ang hari na may-ari ng ibon at pinangakuan pa siyang ibibigay sa kaniya ang gintong ibon kung mahuhuli niya ang kabayong ginto. Tinuruan siyang muli ng Zorra ng paraan ng paghuli rito, lakip ang bilin na huwag lamang gagamit ng pamatay na ginto. Muli ay sinuway na naman ang Zorra, at sa halip na bakal ay ginto ang ginamit. Kaya muli ay nadakip na naman siya. Nangako naman ang haring mayari ng kabayo na ipagkakaloob ito sa kaniya kung madadala nito ang prinsesa sa kastilyong ginto. Muli na naman niyang ipinagwalang-bahala ang payo, kaya nahuli siya ng haring ama ng Prinsesa. Ipinangako ng haring ipakakasal sa kaniya ang anak na prinsesa kung maililipat niya sa loob ng walong araw ang bundok na nasa harapan ng durungawan ng palasyo. Pitong araw siyang naghukay, subalit walang nangyari. Nang ikawalong araw na ay tinulungan siya ng mapagkalingang Zorra at tinuruan pa kung paano niya masasarili ang prinsesa, ang kabayo, at ang ibon. Sa pagkakataong ito ay tinandaan niyang lahat ang bilin ng Zorra. Dahil dito ay nakauwi siyang dala ang lahat ng gantimpala at nailigtas pa niya ang dalawang kapospalad na kapatid.
Mula sa PROVENA
Mula sa HENSEN
Mula sa PADERBON
Mula sa DINAMARKA
Mula sa ARABIA
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Galing naman sa _____ (Denmark) noong taong 1696, ang mga kasulatang tinipon ni Nyerup, na isinalin sa salitang Aleman ni P. J. Hegelund, ang kasaysayang tungkol kay Haring Eduardo. Si Haring Eduardo ng Inglatera ay nagkasakit, kaya siya ay pinagpayuhan ng matatandang babaeng marurunong sa lupaing iyon na ipahanap ang lunas sa kaniyang tatlong anak. Ang prinsipeng panganay at pangalawa ay hindi nagtagumpay subalit ang bunso ang nagdala sa ama ng ikinaginhawa nito: ang ibong fenix (phoenix) na galing sa Reyna ng Arabia. Sa katapusan ay napangasawa pa ng matapang na bunsong prinsipe ang nasabing reyna.
Mula sa PROVENA
Mula sa HENSEN
Mula sa PADERBON
Mula sa DINAMARKA
Mula sa ARABIA
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang Isang Libo't Isang Gabi na salin sa wikang Arabe ay may kuwentong may pamagat na Tatlong Prinsipe sa Tsina. Sa koridong ito, ang ina nila ay may sakit at ang lunas sa kaniyang karamdaman ay ang tubig ng buhay. Ang panganay at pangalawang prinsipe ay nabigong makuha ang panlunas gamot ngunit ang bunsong prinsipe ang nagtagumpay na makuha ang lunas sa karamdaman ng ina matapos niyang pagdaanan ang maraming pagsubok sa kaniyang pakikipagsapalaran. Sa wakas ay nagtagumpay siya at nagging isang sultan.
Mula sa PROVENA
Mula sa HENSEN
Mula sa PADERBON
Mula sa DINAMARKA
Mula sa ARABIA
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
Ang kasaysayan ni Djajalankara ay sinulat ni Renward Brandsetter mula sa _____. Ang dalawang nakatatandang kapatid ni Djajalankara ay nagtaksil sa kaniya para siraan siya sa kanilang amang maysakit. Natuklasan ang mahiwagang halaman sa pamamagitan ng panaginip. Nagtagumpay ang bunsong anak na makuha ang lunas sa sakit ng ama na mahiwagang halaman sa kaniyang pakikipagsapalaran dahil may tumulong din sa kaniyang dragon.
MALAYO-POLINESYA
MALISCHE-MARCHEN
Create a free account and access millions of resources
Similar Resources on Quizizz
20 questions
REVIEW

Quiz
•
7th Grade
20 questions
REVIEW TEST II

Quiz
•
7th Grade
20 questions
QUIZ # 2 FOR 3RD QUARTER

Quiz
•
7th Grade
25 questions
IBONG ADARNA ASSESSMENT

Quiz
•
7th Grade
20 questions
Drill A for PP 3-1 (Talumpati)

Quiz
•
7th Grade
24 questions
4th LONG TEST PILIPINO:GRADE 7-8 :IBONG ADARNA 2

Quiz
•
7th - 8th Grade
17 questions
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon.

Quiz
•
4th - 8th Grade
20 questions
Pormatibong Pagtataya Aralin 1 at 2

Quiz
•
7th - 9th Grade
Popular Resources on Quizizz
15 questions
Multiplication Facts

Quiz
•
4th Grade
20 questions
Math Review - Grade 6

Quiz
•
6th Grade
20 questions
math review

Quiz
•
4th Grade
5 questions
capitalization in sentences

Quiz
•
5th - 8th Grade
10 questions
Juneteenth History and Significance

Interactive video
•
5th - 8th Grade
15 questions
Adding and Subtracting Fractions

Quiz
•
5th Grade
10 questions
R2H Day One Internship Expectation Review Guidelines

Quiz
•
Professional Development
12 questions
Dividing Fractions

Quiz
•
6th Grade
Discover more resources for World Languages
5 questions
capitalization in sentences

Quiz
•
5th - 8th Grade
10 questions
Juneteenth History and Significance

Interactive video
•
5th - 8th Grade
43 questions
LinkIt Test - 24-25_BM4_7th

Quiz
•
7th Grade
10 questions
Juneteenth: History and Significance

Interactive video
•
7th - 12th Grade
14 questions
One Step Equations

Quiz
•
5th - 7th Grade
26 questions
June 19th

Quiz
•
4th - 9th Grade
37 questions
7th Grade Summer Recovery Review

Quiz
•
7th Grade
18 questions
Informational Text Vocabulary

Quiz
•
7th - 8th Grade