Search Header Logo

Pre-Test_Socio-Emotional Learning (SEL)

Authored by Julius Quinio

Religious Studies

Professional Development

10 Questions

Used 6+ times

Pre-Test_Socio-Emotional Learning (SEL)
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

5 mins • 1 pt

1.    Isang mag-aaral ang nagpakita ng agresibong kilos dahil sa stress sa bahay. Bilang guro, paano mo mas mapapangalagaan ang kanyang socio-emotional na kalagayan nang hindi agad nagpapataw ng parusa?

Bigyan agad ng sulat para sa magulang

Kausapin siya ng pribado upang maunawaan ang pinanggagalingan ng emosyon

Ipagpaliban ang isyu para hindi maabala ang klase

Iharap siya sa klase upang humingi ng paumanhin

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

5 mins • 1 pt

2. May dalawang mag-aaral na madalas magtalo. Paano mo gagamitin ang SEL upang turuan sila ng mas makabuluhang pakikipag-ugnayan?

Pagsabihan silang huwag nang mag-usap

Paghiwalayin ang kanilang upuan

Ipa-role play ang maayos na pag-aayos ng alitan at paghingi ng tawad

Tawagin ang kanilang magulang

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

5 mins • 1 pt

  1. 3. Bilang guro, paano mo masasabi na ang isang aktibidad ng emotion wheel ay epektibo sa paglinang ng self-awareness ng mga mag-aaral?


Kapag mas nakapagsasalita ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang damdamin

Kapag masaya ang mga mag-aaral habang gumagawa nito

Kapag nagpakita ng mas mataas na marka sa pagsusulit

Kapag mabilis na matapos ang aktibidad

 

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

5 mins • 1 pt

  1. 4. Isang guro ang palaging nagpapakita ng mahinahong kilos kahit sa mahirap na sitwasyon. Paano ito makakaapekto sa socio-emotional development ng mga mag-aaral?


Matututo silang huwag na lang magsalita

Makikita nila ang huwarang asal sa pamamahala ng emosyon

Masasanay silang itago ang tunay na damdamin

Hindi ito mahalaga sa emosyonal na pag-unlad

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

5 mins • 1 pt

  1. 5. May batang umiiyak dahil hindi siya napili na lumahok sa aktibidad. Bilang guro, paano mo magagamit ang Validation sa paraang makakatulong sa emosyonal niyang katatagan?


 

Iwasan siyang kausapin muna

Pagsabihan siya na matuto sa pagkakamali

Sabihing huwag nang umiyak dahil simpleng laro lang iyon

Tanggapin ang damdamin niya at hikayatin siyang magsalita tungkol dito

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

5 mins • 1 pt

  1. 6. Nakita mong si Julio ay laging nag-aalok ng tulong sa kaklase ngunit minsan ay nasusungitan siya. Paano mo mapapalakas ang kaniyang social awareness?

 


Turuan siyang unawain ang pinagdadaanan ng iba at huwag magtanim ng sama ng loob

Sabihin sa kanya na huwag na lang tumulong

Turuan siyang ipaglaban ang sarili

Ihiwalay siya sa kaklase

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

5 mins • 1 pt

7. Nagbigay ka ng breathing technique lesson sa klase. Paano mo malalaman kung natutunan ito ng mga mag-aaral at nailalapat sa totoong buhay?

 

Kapag naaalala nila ito sa recitation

Kapag tumatawa sila habang isinasagawa

Kapag itinuturo nila ito sa ibang mga mag-aaral

Kapag ginagamit nila ito tuwing may emosyonal na hamon

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?

Discover more resources for Religious Studies