wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Balik-aral sa Panghalip

Total questions: 20

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.
Anong uri ng panghalip ang may salungguhit sa pangungusap?
Nagtanim sila ng mga puno sa kagubatan ng Batangas.
a)
Panghalip Panao
b)
Panghalip Pamatlig
c)
Panghalip Pananong
2.
Anong uri ng panghalip ang may salungguhit sa pangungusap?
Saan mo binili ang mga punlang itatanim natin?
a)
Panghalip Panao
b)
Panghalip Pamatlig
c)
Panghalip Pananong
3.
Anong uri ng panghalip ang may salungguhit sa pangungusap?
Ilagay mo roon ang mga napitas mong bunga.
a)
Panghalip Panao
b)
Panghalip Pamatlig
c)
Panghalip Pananong
4.
Alin ang halimbawa ng panghalip panao na nasa unang panauhan at may kailanan na maramihan?
a)
ako
b)
sila
c)
kami
d)
kayo
5.
Alin ang halimbawa ng panghalip panao na nasa ikatlong panauhan at may kailanang isahan?
a)
natin
b)
inyo
c)
kanila
d)
siya
6.
Alin ang halimbawa ng panghalip pamatlig ang nasa ikatlong panauhan?
a)
rito
b)
doon
c)
iyan
d)
heto
7.
Alin ang halimbawa ng panghalip pamatlig ang nasa unang panauhan?
a)
rito
b)
doon
c)
iyan
d)
hayun
8.
Alin ang halimbawa ng panghalip pamatlig ang nasa ikalawang panauhan?
a)
rito
b)
doon
c)
iyan
d)
hayun
9.
Aling panghalip pananong ang ginagamit kapag ang itinatanong ay lugar na kinaroroonan ng bagay?
a)
Alin
b)
Saan
c)
Kanino
d)
Ilan
10.
Aling pananong ang HINDI isang panghalip?
a)
Saan
b)
Ano
c)
Magkano
d)
Bakit
11.
Punan ng tamang panghalip.
Mabibilis ang mga manggagawang kumilos kahit marami (panao) ginagawa.
a)
sila
b)
kami
c)
tayo
d)
kayo
12.
Punan ng tamang panghalip.
Lagyan mo (pamatlig) hawak mong bote ng buhangin sa loob.
a)
itong
b)
hayung
c)
iyang
d)
ditong
13.
Punan ng tamang panghalip.
(Pananong) ang dapat nating unahing gawin, diligan ang mga halaman o lagyan ng pataba? 
a)
Alin
b)
Ano
c)
Ilan
d)
Kailan
14.
Punan ng tamang panghalip.
(Pananong) ang bili mo sa damit na iyan?
a)
Saan
b)
Magkano
c)
Alin
d)
Sino
15.

Punan ng tamang panghalip. Ang aking mga magulang ay mababait. (panao) ang gumagabay sa akin sa lahat ng oras.

a)

Siya

b)

Kami

c)

Sila

d)

Tayo

16.
Punan ng tamang panghalip.
Ang mga tao ay umakyat sa mataas na gusali.  (Pamatlig) makikita ang magandang tanawin sa bundok.
a)
Doon
b)
Iyan
c)
Diyan
d)
Ito
17.
Punan ng tamang panghalip.
Ang magandang laruang trak na ito ay ibinigay ng tita ko.  (Panao) itong iingatan.
a)
Amin
b)
Akin
c)
Kanila
d)
Kanya
18.
Punan ng tamang panghalip. 
(Pananong) mo ilalagay ang mga bagong upuan?
a)
Ano
b)
Kanino
c)
Saan
d)
Ilan
19.
Punan ng tamang panghalip. 
Pag-aralan natin ang Panghalip dahil mayroon (panao) pagsusulit bukas.
a)
tayo
b)
amin
c)
kami
d)
nito
20.
Punan ng tamang panghalip. 
Maraming basurahang makikita sa labas ng Zaide canteen.  (Pamatlig) ninyo itapon ang inyong mga basura pagkatapos kumain.
a)
Diyan
b)
Dito
c)
Doon
d)
Hayun