NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsFil9 "Takipsilim sa Dyakarta"
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Name
Class
Date
1.
Ipaliwanag ang konotasyon ng pangungusap: "Dumating ang isang bagong Cadillac at ipinarada lamang ito sa harap ng restawran."
a)
Nais ipagyabang ng may-ari ang kotse upang makita ng lahat.
b)
Walang ibang maparadahan ang may-ari ng sasakyan.
c)
Nais ng may-ari na ibenta ang kaniyang sasakyan.
d)
Walang takot ang may-ari na baka manakaw ang kaniyang kotse.
2.
Ipaliwanag ang konotasyon ng pangungusap: "Umorder si Raden Kaslan at ni hindi muna tumingin sa presyong nakalista sa menu sa tapat ng pangalan ng mga pagkain at inumin."
a)
Hindi mahalaga ang presyo ng pagkain para sa kaniya.
b)
Hindi siya ang magbabayad ng pagkain.
c)
Mabilis siyang matakam sa pagkain.
d)
Pihikan siya sa pagkain.
3.
Ipaliwanag ang konotasyon ng pangungusap: "Kusang humihinto ang kabayo kapag may pumaparadang pasahero, at magigising ang kusero sa biglang paghinto, o kaya kapag pinapatigil ng pulis-trapiko ang mga sasakyan."
a)
Matagal nang ginagawa ng kabayo ang ganito kaya alam na niya ang routine sa bawat biyahe.
b)
May mahika o hiwaga si Pak Idjo kaya't nag-isip tao ang kanyang kabayo.
c)
Guniguni lang ni Pak Idjo ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa husay na taglay ng kanyang kabayo.
d)
Madalas suwertihin si Pak Idjo sa kaniyang biyahe.
4.
Ipaliwanag ang konotasyon ng pangungusap: "Nagpalipat-lipat ang tingin ng pulis kay Pak Idjo, kay Raden Kaslan, at kay Fatima, na mukhang napakarangya."
a)
Nalilito ang pulis kung paano lulutasin ang suliraning kinasangkutan ng tatlo.
b)
Tinitingnan ng pulis kung sino ang nagsasabi ng totoo.
c)
Tumitingin ang pulis ng ebidensiyang magdidiin sa may kasalanan.
d)
Hindi siya interesado lutasin ang kaguluhan.
5.
Ipaliwanag ang konotasyon ng pangungusap: "Binalingan ni Raden Kaslan ang pulis, itinaas ang isang kamay at nagsalitang parang mawawalan ng bait."
a)
Desperado si Raden dahil alam niyang walang mahihita sa usapan at hindi siya kayang bayaran ni Pak Idjo.
b)
Gusto ni Raden na ang pulis na lamang ang magbayad sa nasirang sasakyan.
c)
Gusto ni Raden na may maparusahan sa kasalanan na naganap nang masira ng kaniyang kotse.
d)
Sinisisi ni Raden si Fatima sa pagkasira ng kotse dahil nagyaya itong kumain sa labas.
6.
Ayon sa kwento, kaya tulog si Pak Idjo sa pagbibiyahe ng kaniyang kalesa sapagkat:
a)
May sakit siya at hindi na kumakain simula noong nakaraang araw.
b)
Magdamag silang uminom ng alak ng kaniyang mga kaibigan.
c)
Magdamag niyang inalagaan ang anak na may sakit.
d)
Kinakailangan niyang kumayod upang maipaayos ang sira-sirang kalesa.
7.
Alin sa mga sumusunod na katangian ang hindi totoo tungkol sa tauhang si Fatima:
a)
Mapagbigay siya sa kapwa.
b)
Mahilig siyang magsuot ng magagarang damit.
c)
Mahilig siya sa gintong saplot sa paa.
d)
Madalas siyang magpaayos ng buhok sa parlor.
8.
Ibigay ang konotasyon ng sumusunod: "Ahas"
a)
Isang taong traydor
b)
Isang taong mahilig manukso
c)
Isang mapagmatyag na tao
d)
Isang reptilyang madalas maghugos ng balat.
9.
Ibigay ang konotasyon ng sumusunod: "Takipsilim"
a)
Hudyat ng malapit na pagtatapos.
b)
Dulo ng hapon bago maggabi
c)
Pagkawala ng liwanag
d)
Panahon ng pahinga
10.
Ibigay ang konotasyon ng sumusunod: "Kotseng kumikinang"
a)
Mamahaling kotse
b)
Kotseng maraming ilaw
c)
Kotseng bagong wax
d)
Kotseng bagong bili
11.
Ibigay ang denotasyon ng sumusunod: "Naalimpungatan"
a)
Biglang nagising
b)
Muling nakatulog
c)
Umidlip sa saglit na panahon
d)
Hindi makatulog
12.
Ibigay ang denotasyon ng sumusunod: "Magkasalikop ang kamay"
a)
Magkahawak kamay
b)
Magpaluan ng kamay
c)
Magkapaan ng kamay
d)
Magkurutan ng kamay
13.
Ibigay ang kasingkahulugan ng salita: "Humpak ang pisngi"
a)
Lubog ang pisngi
b)
Matambok ang pisngi
c)
Mainit ang pisngi
d)
Makapal ang pisngi
14.
Ibigay ang kasingkahulugan ng salita: "Ipinangangalandakan"
a)
Ipinagyayabang
b)
Itinatago
c)
Ipinamamahagi
d)
Ipinagkakait
15.
Kung ang New York ay tinatawag na "The Big Apple", ito naman ang katawagan sa Jakarta.
a)
The Big Durian
b)
The Big Mangosteen
c)
The Big Rambutan
d)
The Big Pomelo
Reset
