NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsFil9 "Walang Panginoon" ni Deogracias A. Rosario
Total questions: 12
Worksheet time: 6mins
Name
Class
Date
1.
Ipaliwanag ang denotasyon ng sumusunod na salita: "pagkasuwang"
a)
pagkakatuhog
b)
pagkakatahi
c)
pagkakatapak
d)
pagkakasipa
2.
Ipaliwanag ang konotasyon ng sumusunod na salita: "umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang kalagitnaan ng bayan"
a)
sobrang tindi ang galit na nararamdaman
b)
sobrang tindi ng ligaya na nararamdaman
c)
sobrang tindi ng kalungkutan na nararamdaman
d)
sobrang tindi ng sakit na nararamdaman
3.
Ipaliwanag ang denotasyon ng sumusunod na salita: "sinisimpa"
a)
dinadala
b)
itinatago
c)
inaalis
d)
ibinibigay
4.
Ipaliwanag ang konotasyon ng sumusunod na salita: "Nalalaglag po ang dahon sa kaniyang kapanahunan."
a)
May katapusan ang lahat ng bagay
b)
Dumarating ang taglagas sa tamang panahon
c)
Hudyat ito ng pagbabagong buhay
d)
Naaaksidente ang tao kapag hindi nag-ingat
5.
Ipaliwanag ang konotasyon ng sumusunod na salita: "Kapit sa patalim."
a)
Ayaw niyang gumamit ng dahas ngunit hinihingi ng pagkakataon
b)
Nais niyang makalamang sa kapwa
c)
Nais niyang ipagtanggol ang sarili
d)
Ayaw niyang masaktan kaya nagdadala siya ng patalim
6.
Bakit kinakabahan ang nanay ni Marcos para sa kaniyang anak?
a)
May alitan si Marcos at si Don Teong
b)
Masama magalit ang kasintahan ni Marcos na si Anita
c)
Nakakalimutan na kumain nang maayos ni Marcos
d)
Pinapagod ni Marcos ang kaniyang sarili sa pagtatrabaho
7.
Ano ang nais ni Don Teong mula sa pamilya ni Marcos?
a)
Nais niyang angkinin ang lupa nila Marcos
b)
Nais niyang mapasakamay ang mga salapi ng angkan ni Marcos
c)
Nais niyang mapangasawa ang nanay ni Marcos
d)
Nais niyang makuha ang alagang kalabaw ni Marcos
8.
Ano ang konotasyon ng paggamit ng "kalabaw" sa maikling kwento.
a)
Isang taong nagtatrabaho nang mabuti
b)
Isang taong walang sipag sa katawan
c)
Isang taong mahina ang desisyon sa buhay
d)
Isang taong marunong magtimpi ng galit
9.
Bakit ayaw marinig ng mga tao ang tunog ng batingaw o kampana tuwing alas otso ng gabi?
a)
Hudyat ito na may namatay sa kanilang baranggay
b)
Nakakagambala ito sa oras ng pagtulog at pagpapahinga
c)
Nagpapaalala ito sa kanilang mga kasalanan
d)
Nagkakasakit ang mga alagang hayop dahil sa takot na dulot nito
10.
Bakit gabi-gabing sinasaktan ni Marcos ang kaniyang alagang kalabaw habang nakasuot nang pang-haciendero?
a)
Kinokondisyon niya ang kalabaw na magalit sa sinumang magsuot tulad niya
b)
Hindi marunong magtrabaho nang mabuti ang kaniyang kalabaw
c)
Kinokondisyon niya ang kalabaw na masanay na nalalatigo
d)
Hindi marunong sumunod sa utos ang kalabaw kaya't pinaparusahan niya gabi-gabi
11.
Ipaliwanag kung ano ang simbolismo ng matinding paglalatigo ni Marcos sa kaniyang kalabaw.
a)
Ipinapasa niya ang galit niya kay Don Teong sa kalabaw.
b)
Anumang bait ng isang tao ay pinaparusahan pa rin.
c)
Mas mataas ang tao sa anumang uri ng hayop.
d)
Kailangan ng disiplina ng lahat.
12.
Ang mga sumusunod ay dahilan ng matinding galit ni Marcos kay Don Teong maliban sa:
a)
Pinapatay ni Don Teong ang kaniyang paboritong kalabaw
b)
Inaangkin ni Don Teong ang lupain ng pamilya ni Marcos
c)
Namatay ang kaniyang ama dahil sa sama ng loob kay Don Teong
d)
Sinaktan ni Don Teong si Anita na naging dulot ng pagkamatay ng dalaga
Reset
