wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Balik-aral sa Pokus ng Pandiwa

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.
Ito ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay lugar/bagay kung saan ginanap ang pandiwa.
a)
LAYON
b)
TAGAGANAP
c)
GANAPAN
d)
GAMIT
2.
Ito ang nagpapakita ng relasyon  o kaugnayan ng simuno sa ginamit na pandiwa sa pangungusap.
a)
URI NG PANDIWA
b)
TINIG NG PANDIWA 
c)
POKUS NG PANDIWA
d)
ASPEKTO NG PANDIWA
3.
Ang laruang sasakyan ni G. Kolo ay ginamit niya sa klase.
Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
a)
GAMIT
b)
AKTOR
c)
LAYON
d)
TAGAGANAP
4.
Nagsanay ng sayaw ang mga mag-aaral ng ikalimang baitang.
Ano ang tamang pangungusap kung ang pokus ng pandiwa ay magiging layon?
a)
Sina mag-aaral ay nagsayaw sa ikalimang baitang.
b)
Ang sayaw ay sinanay ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang.
c)
Ang ikalimang baitang mag-aaral ay nagsanay ng sayaw.
d)
Sinanay  ng sayaw ang mga mag-aaral ng ikalimang baitang.
5.
Kumain ng masarap na adobo ang mga bata pagkatapos ng sayaw.
Ano ang pokus ng pandiwang kumain?
a)
SAYAW
b)
BATA
c)
ADOBO
d)
MASARAP
6.
Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
Pinaghandaan nila ang darating na pagtatapos ni Mika.
a)
NILA
b)
MIKA
c)
DARATING
d)
PAGTATAPOS
7.
Ito ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ang gumagawa ng salitang kilos.
a)
LAYON
b)
GAMIT
c)
TAGAGANAP
d)
TAGATANGGAP
8.
Alin ang tamang pangungusap kung gagawing tagatanggap ang pokus ng pandiwa?
Si Gng. Cindy ay naghanda ng pagsasanay para sa mga bata.
a)
Ang pagsasanay ay inihanda ni Gng. Cindy para sa mga bata.
b)
Ipinaghanda ni Gng. Cindy ng pagsasanay ang mga bata.
c)
Naghanda ng pagsasanay si Gng. Cindy para sa mga bata.
d)
Ang mga bata ay naghanda ng pagsasanay para kay Gng. Cindy
9.
Aling pangungusap ang naiiba ang pokus ng pandiwa?
a)
Sila ay nagsayaw para sa Lantern Parade.
b)
Nagpatugtog ang mga bata ng bagong tugtugin bilang kanilang sayaw.
c)
Natuwa ang mga magulang sa sinayaw ng mga bata.
d)
Ang sayaw ng mga bata ay pinalakpakan ng mga magulang.
10.
Ang lumang aparador ay pinagtaguan nila ng mga kumot at mga unan.
Ano ang pokus ng pandiwa?
a)
Layon
b)
Gamit
c)
Ganapan
d)
Tagaganap
11.
Kumuha ng bagong pagsasanay si Mark ayon sa payo ni Gng. Lita.
Alin ang tamang pandiwa kung ito ay magiging pokus ng layon?
a)
nagkuha
b)
ipinagkuha
c)
ikinuhanan
d)
kinuha
12.
Tumanggap ng pagkilala ang mga batang mahusay sa klase?
Aling salita sa pangungusap ang magiging simuno kung ito ay magiging pokus sa layon?
a)
bata
b)
mahusay
c)
klase
d)
pagkilala
13.
Ang bagong silid ay pinagsanayan nila ng bago nilang sayaw. Ano ang pokus ng pandiwa?
a)
aktor
b)
layon
c)
ganapan
d)
gamit
14.
Sinundo ng maraming pulis ang mga delagado ng ASEAN Summit?
Anong salita sa pangungusap ang magiging pokus ng  pandiwa kung ito ay tagaganap?
a)
marami
b)
summit
c)
delagado
d)
pulis
15.
Magaling sumagot sa mga pagsasanay ang mga bata noong isang araw.
Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap?
a)
layon
b)
gamit
c)
tagaganap
d)
tagatanggap