wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Subukan Natin!

Total questions: 10

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Anong katangian ng wika ang nagpapakita ng kakayahang makasabay sa agos nang pagbabago ng panahon?

a)

Dinamiko

b)

Arbitraryo

c)

Ginagamit

d)

May Sistematikong Balangkas

2.

Sa anong teorya ng wika tumutukoy sa pinaniniwalaang ang mga tunog at mga salitang nauusal ng mga kalahok at gumaganap dito tulad ng pagkilos, pagsigaw at pagbulong ay nabigyan ng kahulugan kalaunan na siyang pinagmulan ng wika?

a)

Yo-he-ho

b)

Bow-wow

c)

Pooh-pooh

d)

Ta-ra-ra-boom-de-ay

3.

Sa panayam kay Janeth Napoles, siya ay naglulubid ng buhangin.” Anong antas ng wika ang isinasaad ng pariralang may salungguhit?

a)

Balbal

b)

Kolokyal

c)

Pambansa

d)

Pampanitikan

4.

Sa anong uri ng barayti ng wika maikaklasipika ang pamosong linya at tono na “Hindi po naming kayo tatantanan” at “Dahil hindi natutulog ang balita 24 oras” ni Mike Enriquez ?

a)

Rejister

b)

Idyolek

c)

Dayalek

d)

Sosyolek

5.

Anong batas pangwika ang nagbigay-diin sa paggamit ng mga katutubong wika bilang unang wika ng pagkatuto at pagtuturo sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas?

a)

Bilingual Edication Policy

b)

Mother Tongue Based Multi-Lingual Education

c)

Memorandum Sirkular Blg. 199

d)

Artikulo XIV, Seksyon 6

6.

Kailan pinagtibay ang Bagong Konstitusyong nagsasabing ang wikang pambasa ng Pilipinas ay Filipino?

a)

1986

b)

1988

c)

1987

d)

1989

7.

Ano ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino noon?

a)

Abecedario

b)

Alibata

c)

Tagalog

d)

Baybayin

8.

Anong tungkulin ang ginagampanan ng wika sa pangungusap na, “Naniniwala akong dapat siyang parusahan sapagkat gumawa siya ng krimen?”

a)

Regulatori

b)

Personal

c)

Impormatibo

d)

Heuristiko

9.

Ang pamilya ni Jana ay mula sa Batangas at kasalukuyang naninirahan sa Amerika. Sa Batangas rin siya ipinanganak at lumaki. Si Jana ay bihasa sa pagsasalita ng wikang Ingles at marunong din siya sa wikang Filipino. Sa loob ng tahanan, wikang Filipino ang kanilang ginagamit. Ano ang unang wika ni Jana?

a)

Ingles

b)

Pilipino

c)

Filipino

d)

Tagalog- Batangas

10.

Paano nagkakaiba ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa mga pangungusap sa ibaba?


*Matagumpay ang isinagawang operasyon ng mga doktor sa paa ni Mang Ruben.

*Marami ang nasugatan sa operasyon ng mga kapulisan sa isang bayan sa Maynila kagabi.

a)

Batay sa dayalek ng isang ispiker

b)

Batay sa ayos o estruktura nito sa pangungusap

c)

Batay sa konteksto ng larangang kinabibilangan nito

d)

Batay sa heograpikal at sosyal na pinagmulan ng ispiker