wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Katutubong Panitikan

Total questions: 10

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Bulagsak sa pera si Mario. Anong kasabihan ang maipapayo mo sa kanya?

a)

Kapag may isinuksok, may madudukot.

b)

Sa taong may hiya, ang salita ay isang sumpa.

c)

kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.

d)

Ang maglakad nang matulin, kapag natinik ay malalim.

2.

"Bata batuta, santambak ang muta." Ito ay halimbawa ng _____________.

a)

salawikain

b)

kasabihan

c)

sawikain

d)

bugtong

3.

Buuin ang salawikain:


Ang anak na di paluin, ____________________________.

a)

magulang ay gigigilin

b)

magulang ang paluluhain

c)

magulang ang paluluhurin

d)

magulang ay di pakakainin

4.

Ang lahat ay kabilang sa matandang panahon ng panitikan sa Pilipinas maliban sa ____________________.

a)

bugtong

b)

salawikain

c)

duplo

d)

sawikain

5.

"isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis."


Ang sagot sa bugtong ay ______________________.

a)

bangus

b)

pako

c)

langka

d)

sili

6.

Ang kasabihan ay itinuturo sa mga bata upang ________________.

a)

Sila ay magkasiyahan.

b)

Sila ay mag-asaran.

c)

Sila ay mahasa sa pagsasalita.

d)

Sila ay may gawin sa mga oras na libre.

7.

Ito ay isang mahabang patulang salaysay ng kabayanihan na nilalangkapan ng kababalaghan at di kapanipaniwalang mga pangyayari.

a)

alamat

b)

salawikain

c)

epiko

d)

kwentong-bayan

8.

"May katawan, walang mukha. Walang mukha, lumuluha."

a)

palito ng posporo

b)

kandila

c)

gripo

d)

shower

9.

Mag-aasawa na raw ang iyong Ate. Ano ang maaari mong ipayo sa kanya?

a)

Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

b)

Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.

c)

Tawa nang tawa, gusto nang mag-asawa.

d)

Ang maglakad nang matulin, kung matinik ay malalim.

10.

Ang mga katutubong panitikan ng mga Pilipino ay patunay na ___________________.

a)

Ang mga Pilipino ay tumitingala sa mga dayuhan.

b)

Ang mga Pilipino ay likas na mangongopya.

c)

Ang mga Pilipino ay may panitikan na bago pa dumating ang mga dayuhan.

d)

Ang mga Pilipino ay mapagmahal sa bansa.