wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

DI-PAMILYAR NA MGA SALITA

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Si Shiela ang lagi kong kasama kahit saan ako magpunta. Siya ang aking katoto.

a)

kaaway

b)

kaibigan

c)

kalaro

d)

kapatid

2.

Itulos mo ang kandila sa altar bago tayo magdasal.

a)

ihiga

b)

itanim

c)

itirik

d)

sindihan

3.

Nawa’y itulot sa akin ng panginoon na makatapos ako sa pag-aaral.

a)

ipagkaloob

b)

ikalat

c)

isuot

d)

ilagay

4.

Sa ilalim ng puno ng Narra ang aming tipanan ng aking mga kaibigan.

a)

kainan

b)

palaruan

c)

lugar na tulugan

d)

lugar na tagpuan

5.

Dinaluhong ni Dina ng mahigpit na yakap ang kaniyang ina nang ito ay bumalik mula sa ibang bansa.

a)

sinalubong

b)

dinamba

c)

dinaanan

d)

iniyakan

6.

Nagpalit agad ako ng damit pagkagaling sa paaralan.

a)

mula sa isang lugar

b)

umalis

c)

tumawid

d)

bumalik

7.

Ako ay mula sa isang payak na pamilya.

a)

magarbo

b)

kaunti

c)

malaki

d)

simple

8.

Kaming magkapatid ay sanggang-dikit kahit na ano man ang mangyari.

a)

magkasundo sa lahat ng bagay

b)

magkaaway sa lahat ng bagay

c)

mabait

d)

maasahan

9.

Limang taon ang pagitan namin ng aking Ate Sese mula nang siya ay ipanganak.

a)

gitna

b)

bilang

c)

agwat

d)

linya

10.

“Magpakabait kayo”, iyan ang linyang laging sinasambit ng guro.

a)

sinisigaw

b)

pinapakita

c)

kinakanta

d)

sinasabi