NEW
Font size
WorksheetsNoli Me Tangere Kab. 1 - 7
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
"Ako ay hinog na sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu't tatlong taon na akong kumakain ng kanin at saging. Huwag ninyo akong gamitan ng kung ano-ano at mabulaklak na salita." Si Padre Damaso ay _____________.
mapagpakumbaba
mapagmataas
maalalahanin
mahusay na lider
"Ipagpaumanhin ninyong makasagot ako. Totoo kayang mapagwalang-bahala ang tagarito o baka naman sinasangkalan lamang natin ang kapintasang iyan ng mga Pilipino para matakpan ang ganyan din nating ugali." Ang binatang mapula ang buhok ay ____________.
mapag-alinlangan
maunawain sa kalagayan ng kapwa
maalalahanin
matapang
"Tama! Wala kayong makikitang sinuman sa daigdig na hihigit pa sa ugaling iyan ng mga Indio." Ang pandak na Espanyol ay nagpapakita ng ugaling ___________________.
mapang-alipusta
mapagmatyag
maunawain
mapagbalatkayo
"Hindi ko mapapayagan ito. Ang kanyang kamahalan ay kinatawan ng Kataas-taasang Hari! Bawiin ninyo ang lahat ng iyan at kung hindi'y makararating ito sa Kanyang Kamahalan bukas na bukas din." Ang tenyente ay __________________.
mapagmahal at matapat sa kanyang pinuno
maaasahan sa oras ng kagipitan
matulungin sa nangangailangan
mapagmataas at makasarili
"Mga ginoo! Iwasan nating makabigkas ng isasama ng loob ng isa't isa nang wala namang dahilan. Iba ang sinasabi ni Padre Damaso bilang pari kaysa sa kanyang personal na ibig sabihin." Si Padre Sibyla ay __________________.
mapagmahal sa kapayapaan
duwag at takot sa gulo
mabait ngunit may kinakampihan
magalang ngunit matatakutin
"Pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis na hindi batiin ang pinakamahahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae." Si Crisostomo ay ___________.
maistema sa mga bisita
mahilig bumati sa mga babae
magalang sa kababaihan
babaero
"May kaugalian sa Alemanya na kung walang magpakilala sa isang panauhin ay siya na mismo ang nagpapakilala sa kanyang sarili. Itulot ninyong gayahin ko ang kaugaliang iyon, hindi dahil sa kagustuhan ko lamang magpasok ng ugaling dayuhan. kundi dahil lamang sa hinihingi ng pagkakataon." Si Crisostomo ay _________________.
mabuting ugali sapagkat ipinakilala ang sarili
mapagpakumbaba sa pinanggalingan niyang lugar
magalang at pinahahalagahan ang kultura at tradisyon ng mga Pilipino
mayabang sapagkat ipanagmamalaki niya ang bansang dayuhan
"Palagay ko'y tama ang payo ng doktor na magbakasyon ka muna sa probinsya. Namumutla ka at kailangan mo ng sariwang hangin." Si Kapitan Tiago ay ____________.
matatakutin
masayahin
mapag-alinlangan
maalalahanin
"Isinusumpa kong iibigin kita . . . paliligayahin . . . at sa pagkakataong ito ay inuulit ko sa iyo ang sumpang iyon." Si Crisostomo Ibarra ay ______________.
malungkutin
masayahing tao
maawain
mapagmahal
"Hindi ako nakapaglakbay na tulad mo. Wala akong narating kundi Maynila at Antipolo at ang bayan mo. Ngunit mula nang magpaalam ako sa iyo bago pumasok sa kumbento ay lagi kitang naaalala at hindi kita nilimot kahit iniutos ng aking kompesor na limutin kita." Si Maria Clara ay ______________.
mapagpakumbaba at mabait
matatakutin na baka may babae si Crisostomo
mapagmahal at maalalahanin
mabilis makalimot
