Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EKONOMIKS

Total questions: 25

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay batayang katotohanan na ang mga pinagkukunang yaman ay limitado.

a)

Kakapusan

b)

Kakulangan

c)

Ekonomiks

d)

Likas na Yaman

2.

Isang bagay na dapat ay mayroon ka at hindi maaaring wala. Ano ito?

a)

Pagkain

b)

Pera

c)

Pangangailangan

d)

Kagustuhan

3.

Ano ang tawag sa pagtatago ng mga produkto at hihintayin ang pagtaas ng presyo bago ibenta?

a)

Hording

b)

Hoarding

c)

Pagtatago

d)

Howding

4.

Ano ang tawag sa pag-aaral kung paano tutugunan ang mga kagustuhan at pangangailangan ng tao sa pinakamahusay na paraan?

a)

Ekonomiks

b)

Ekonomiya

c)

Agham

d)

Agham Panlipunan

5.

Ano ang tawag sa pansamantalang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman na kayang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao?

a)

Kakapusan

b)

Kakulangan

c)

Hoarding

d)

Stock

6.

Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na ______ at nangangahulugan na ”Pamamahala sa sambahayan”

a)

Ekonomia

b)

Ekonomiya

c)

Oikonomia

d)

Oikonomiks

7.

Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay __________.

a)

may hangganan din.

b)

kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.

c)

parami nang parami at walang katapusan.

d)

kaunti lamang kayat madaling tugunan.

8.

Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat _________.

a)

nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito.

b)

pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan at hilig.

c)

lumiliit ang sukat ng daigdig

d)

lumiliit ang sukat ng daigdig

9.

Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay_______.

a)

kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.

b)

pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.

c)

labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.

d)

pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig

10.

Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?

a)

Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa

b)

Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.

c)

Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.

d)

Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.

11.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng palatandaan ng kakapusan?

a)

Kapag mataas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng bigas, asukal, arina, langis at iba pang pangunahing pagkain.

b)

kapag may mahabang pila sa mga tindahan at bagaman may pera, wala namang mabili.

c)

kapag maraming nagkakasakit na mamamayan sanhi ng gutom

d)

kapag maraming nabibili sa tindahan.

12.

Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng mga gawain o programa para sa konserbasyon sa mga likas na yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa programa.

a)

pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran.

b)

pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon.

c)

patuloy na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan para sa komersiyo.

d)

pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop(endangered species)

13.

Ano ang tawag sa teryang nagsasabi na mas mabiis tumaas ang populasyon kaysa sa dami ng suplay?

a)

Malthus Theory

b)

Malthusian Theory

c)

Thomas Malthus Theory

d)

Teorya ng Populasyon at Suplay

14.

Ano ang iba pang tawag sa KAKAPUSAN?

a)

Shortage

b)

Scarcity

c)

Kakulangan

d)

Hoarding

15.

Pumunta sa party...

a)

Kagustuhan

b)

Pangangailangan

16.

Kumain ng prutas at gulay upang mapanatiling malakas ang pangangatawan..

a)

Kagustuhan

b)

Pangangailangan

17.

Magsuot ng maayos na damit...

a)

Pangangailangan

b)

Kagustuhan

18.

Lumipat sa magandang bahay na may aircon...

a)

Pangangailangan

b)

Kagustuhan

19.

Uminom ng tubig pagkatapos kumain...

a)

Pangangailangan

b)

Kagustuhan

20.

Bumili ng cellphone na iphone...

a)

Kagustuhan

b)

Pangangailangan

21.

Kumain ng fried chicken at spaghetti...

a)

Kagustuhan

b)

Pangangailangan

22.

Touchscreen na telebisyon...

a)

Pangangailangan

b)

Kagustuhan

23.

Tumira sa isang malinis at maayos na tahanan...

a)

Pangangailangan

b)

Kagustuhan

24.

Ang bawat tao ay may pare-parehong pangangailangan at kagustuhan.

a)

TAMA

b)

MALI

25.

Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang solusyon sa kakapusan?

a)

Pag-iipon

b)

Pag-aaral ng mabuti

c)

Pangangalaga sa mga likas na yaman

d)

Tamang pagdedesisyon