wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GLOBALISASYON QUIZ 1

Total questions: 30

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Siya ang nagsabi na ang lipunan ay kinakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan na nagdudulot ng hindi pagkakapantay-pantay ng antas sa lipunan. Sa kaniyang ideya nabuo ang ideolohiyang Komunismo.

a)

Emile Durkheim

b)

Adam Smith

c)

Karl Marx

d)

Thomas Friedman

2.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng Komunismo

a)

May kapangyarihan ang mga negosyante na magdesisyon, magsaliksik at magtakda ng presyo ng produkto

b)

May oportunidad na makilala ang produkto ng mga maliliit na negosyante

c)

Kontrolado ng pamahalaan ang produksyon at sistema ng kabuuang ekonomiya

d)

Bukas sa malawak at malayang pakikipagkalakalan

3.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapaliwanag tungkol sa Globalisasyon ?

a)

Pinabibilis ang mekanismo ng pakikipag-ugnayan ng mga bagay sa mundo

b)

Kabuuang kita ng bansa o lugar sa buong taon na nakaapekto sa ekonomiya

c)

Proseso ng malawak na kaisipan, interaksyon at integrasyon

d)

Paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon sa daigdig

4.

Siya ang nagsabi na ang Globalisasyon ay sinasalamin ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ang ugnayan ng tao sa bawat isa.

a)

Nayan Chanda

b)

Thomas Friedman

c)

Goran Therborn

d)

George Ritzer

5.

Ang malawak na impormasyon ay isang sangkap ng Globalisasyon, alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag tungkol dito ?

a)

Pagtatayo ng mga gusaling pang negosyo sa iba't ibang bansa

b)

Pagkatuto sa mga bagong kaalaman sa edukasyon, politika, kalusugan, ekonomiya atbp.

c)

Pagtaas ng GNP at GDP ng mga bansa dulot ng malawak na pakikipagkalakalan

d)

Pagkakaroon ng higit na "export" kaysa sa "import" na may mabuting dulot sa ekonimiya ng bansa

6.

Ang online selling ay halimbawa ng Globalisasyon. Nakapaloob dito ang Teknolohiya, Kalakalan, Impormasyon, at Pamumuhunan. Alin sa mga sumusunod ang may kompletong pagpaliwanag tungkol dito.

a)

Pakikipag-usap ng mamimili sa nagtitinda tungkol sa presyo ng produkto

b)

Pagpopost ng impormasyon tungkol presyo, itsura at pagpapadala ng produkto gamit ang cellphone

c)

Pagpapadala ng mga produkto sa eksaktong lokasyon ng mamimili saan mang panig ng daigdig

d)

Pag-uupgrade at pagdodownload ng mga apps sa cellphone para sa pagsisimula ng online selling sa internet

7.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng Globalisasyon sa kultura ?

a)

Pagtangkilik sa sariling produkto ng bansa

b)

Paglitaw ng mga makabagong kasuotan

c)

Pagdiriwang ng mga makabayang okasyon

d)

Paglalagay ng mga paalala sa mga kalye o lansangan

8.

Ang mga sumusunod ay mga magandang dulot ng Globalisasyon MALIBAN sa ______.

a)

KAWALGAP GN NALAKALAK

b)

TAKNGAAGAP GN OTKUDORP

c)

NOATAKAKGAP AN OYSONEGGAM

d)

PANAGALGAP GN OMSIRORET

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng paggalaw ng tao kaugnay ng Globalisasyon ?

a)

Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa

b)

Pagdami ng mga nangingibambayan na naghahanap ng trabaho

c)

Pagbaba ng antas ng demand para sa mga produktong banyaga

d)

Pagtanngkilik ng mga kabataan sa mga online games na pinakilala ng mga dayuhan sa bansa

10.

Nagwagi si Manny Pacquiao sa kanyang laban sa larangan boxing sa Amerika kamakailan. Ang kaniya kinita rito at pasok sa bilang ng _______ ng Pilipinas

a)

GDP

b)

Net Income

c)

GNP

d)

Remittance

11.

Isang manggagawa Pilipino sa malaking pabrika ng damit si Lawrence sa Germany. Ang kaniyang kinikita roon ay pasok sa ______ ng bansang Germany.

a)

GNP

b)

Tax

c)

Net Income

d)

GDP

12.

Ang konsepto ng pabayaan lamang ang mga bagay-bagay mula sa ideya o kaisipan ng Kapitalismo ay tinatawag na _______

a)

Laissez Faire

b)

Laisse Faire

c)

Laissez Fairre

d)

Laissez Fair

13.

Ayon sa kaniyang pananaw, ang Globalisasyon ay malawak, mabilis, mura, at malalim.

a)

Goran Therborn

b)

Nayan Chanda

c)

Jaan Aart Scholte

d)

Thomas Friedman

14.

Alin sa mga sumusunod ang higit na nagbibigay kahulugan sa Kapitalismo ?

a)

Interakasyon

b)

Pamumuhunan

c)

Teknolohiya

d)

Pakikipagkalakalan

15.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng Sistemang Kapitalismo ?

a)

Pamahalaan lamang ang nagdedesisyon sa ekonomiya

b)

Maraming pagpipilian na produkto sa pamilihan

c)

May mga pribadong nagmamay-ari ng mga negosyo

d)

May kalayaang mamuhunan ang isang indibidwal

16.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI naaayon sa pananaw ni Nayan Chanda tungkol sa Globalisasyon ?

a)

Pagnanais manakop at mandigma

b)

May pakikipagkalakalan

c)

Nagkakaroon ng paglitaw ng mga bagong teknolohiya

d)

Kaugalian ng tao na maglakbay sa iba't ibang lugar

17.

Bakit maituturing na Kontemporaryong isyu ang Globalisasyon ?

a)

Sapagkat kailangan ito ng lahat ng tao daigdig

b)

Dahil binago, binabago at hinahamon nito ang pamumuhay ng mga tao at mga institusyon sa daigdig

c)

Nakapagbibigay ito ng malaking problema sa mga tao sa araw araw na pamumuhay

d)

Patuloy nitong pinabibilis ang buhay sa mundo sa iba't ibang larangan sa mga nakalipas na panahon

18.

Ang bansang nangunguna at may pinakamataas na antas ng sistemang Kapitalismo ay _________

a)

RUSSIA

b)

UNITED STATES

c)

CHINA

d)

JAPAN

19.

Sa pag-usbong ng Globalisasyon, sinasabing ang mga kaganapan sa ika-20 siglo ang may pinakamalaking implikasyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naganap sa ika-20 siglo ng daigdig ?

a)

Naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

b)

Pagpapadala ng mga sattelites sa labas ng ating daigdig

c)

Naimbento ang telepono bilang kagamitan sa komunikasyon

d)

Pananakop ng mga Europeo sa mga lupain ng mga pampalasa o spices

20.

Ano ang ibig-sabihin ni Jan Aart Scholte sa kaniyang sinabi na "Higit na mahalagang tignan ang iba't ibang siklong pinagdaanan ng Globalisasyon"

a)

Tignan ang bawat pagikot ng pangyayari ng Globalisasyon

b)

Tignan ang pagsisimula at pagtatapos ng bawat Globalisasyon

c)

Tignan ang bawat ilalim at ibabaw ng Globalisasyon

d)

Tignan ang mahalagang pangyayari at aral sa bawat kaganapan kaugnay ng Globalisasyon

21.

Ipinahayag ni Goran Therborn ang kaniyang anim na mahalagang "wave" o panahon ng Globalisasyon. Ano-ano ang pagkakasunod-sunod nito ?


I. Panahon ng Imperyalismo

II. Pananakop ng mga

Europeo

III. Pananaig ng Kapitalismo

IV. Globalisasyon ng

Relihiyon

V. Digmaan ng mga bansa

sa Europa

VI. Labanan ng Kapitalismo

at Komunismo

a)

IV, II, V, I, VI, III

b)

IV, I, V, II, III, VI

c)

IV, V, I, II, VI, III

d)

IV, II, I, V, VI, III

22.

Ano ang naging resulta ng pananaig ng Kapitalismo kontra Komunismo ?

a)

Maraming bansa ang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pakikipagkalakalan

b)

Nagsara ang mga komoanyang umanib sa komunismo

c)

Bumilis ang daloy ng mga produkto, serbisyo at teknolohiya sa pangunguna ng Amerika

d)

Pagtatatag ng UNITED NATIONS bilang pagkakasundo ng mga bansa sa buong mundo

23.

Paano ang aspeto ng KALAKALAN sa panahon ng digmaan kaugnay ng GLOBALISASYON ??

a)

Palitan ng impormasyon at pagsusuplay ng mga armas at kaganitang pandigma

b)

Paglipat-lipat ng mga kuta ng sundalo sa iba'ibang lugar sa pagharap at pag-iwas sa digmaan

c)

Paggamit at pag-iimbento ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan sa pakikidigma

d)

Pagprotekta sa mga sibilyan at pagbibigay ng agarang tulong

24.

Ano ang ikaapat na daloy o "wave" ng panahon ng Globalisasyon ayon kay Goran Therborn ???

a)

Pananakop ng mga lupain ng mga Europeo

b)

Labanan ng ideolohiyang Komunismo at Kapitalismo

c)

Mga digmaan ng mga bansa sa Europa

d)

Panahon ng Imperyalismo

25.

Noong 1991 isang malaking bansa ang nabuwag at nahati-hati ang lupain dulot ng pagpasok ng sistemang Kapitalismo na binuksan ang kaniyang ekonomiya sa mundo. Ang bansang ito ay ang __________.

a)

U.S.A

b)

U.A.E.

c)

U.S.S.R.

d)

U.K.

26.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng sistemang kapitalismo

a)

Gobyerno lang ang nagdedesisyon at may kontrol ng lahat sa ekonomiya

b)

May mga negosyante o negosyo mula sa labas ng bansa ang maaaring pumasok at mamuhunan

c)

Mahigpit na pinag-uutos na ituro, sundin at mahalin lamang ang kultura ng bansa

d)

Limitado lang ang mabibili at pagpipilian sa mga pamilihan

27.

Ano ang mangyayari kapag mataas ang bilang ng suplay o may sobrang produkto sa pamilihan ?

a)

Bababa ang presyo

b)

Tataas ang presyo

c)

Hindi magbabago ang presyo

d)

Bababa ang demand

28.

Ang mga pangyayari sa ika-20 siglo (20th century) ay may malaking ambag sa paglawak ng Globalisasyon. Ang mga taon na sakop ng 20th century ay _______

a)

Mga taon mula 1900 hanggang 2000

b)

Mga taon mula 1901 hanggang 2100

c)

Mga taon mula 1901 hanggang 2000

d)

Mga taon mula 1900 hanggang 2100

29.

Alin ang higit na nakabubuti para sa bansang may sistemang kapitalismo tulad ng Pilipinas ?

a)

Mas marami ang suplay ng produkto

b)

Mas marami ang demand

c)

Mas marami ang export

d)

Mas marami ang import

30.

Alin sa mga sumusunod ang nakapaloob sa IKALAWANG PANANAW o PERPEKTIBO kaugnay ng Globalisasyon ?

a)

Pagbibigay pansin sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan

b)

Pakikipagkalakalan, pakikidigma, paglalakbay at pakakalat ng relihiyon ng tao sa mundo

c)

Pagtingin ang pagbibigay halaga sa bawat siklo ng Globalisasyon sa nakalipas na panahon

d)

Pangyayaring naganap sa ika-20 siglo (20th century)