wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MGA URI NG PANGUNGUSAP

Total questions: 28

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang pangungusap na pasalaysay. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Kumain ka na ba

b)

Kumain ka na pala

c)

Kumain ka na kaya

2.

Tukuyin ang pangungusap na patanong. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Matutulog na ba si Anna

b)

Natulog na pala si Anna

c)

Patulugin mo na si Anna

3.

Tukuyin ang pangungusap na pakiusap. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Maaari po ba akong uminom

b)

Uminom na po siya

c)

Painumin mo na sila

4.

Tukuyin ang pangungusap na pautos. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Aalis ka na pala dito, Leo

b)

Umalis ka na dito, Leo

c)

Pakialis mo na ito, Leo

5.

Tukuyin ang pangungusap na pasalaysay. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Kumain ka na ba

b)

Kumain ka na pala

c)

Kumain ka na kaya

6.

Tukuyin ang pangungusap na padamdam. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Nahulog ang susi niya sa lababo

b)

Bakit nahulog ang susi ni Pia sa lababo

c)

Hala Nahulog ang susi ni Pia sa lababo

7.

Tukuyin ang pangungusap na pakiusap. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Pwede ko bang marinig ang mga awit na iyan

b)

Makinig ka sa mga awit na ito

c)

Nakikinig ka ba ng mga awit na ganito

8.

Tukuyin ang pangungusap na patanong. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Manood tayo sa sinehan ng ATC mamaya

b)

Nanood kami sa sinehan ng ATC kanina

c)

Manonood ba kayo sa sinehan ng ATC ngayon

9.

Tukuyin ang pangungusap na pautos. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Gio at Vic, magwalis na kayo ng sahig

b)

Gio at Vic, nagwalis na ba kayo ng sahig

c)

Sina Gio at Vic ay nagwawalis ng sahig

10.

Tukuyin ang pangungusap na pasalaysay. Sinadya ang hindi pagtatapos sa wastong bantas.

a)

Saang paaralan nag-aaral ang magkapatid

b)

Nag-aaral ang magkapatid sa paaralang La Salle

c)

Sa paaralang La Salle ba nag-aaral ang magkapatid

11.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Naliligo ka ba sa banyo tuwing umaga"

a)

pakiusap

b)

pasalaysay

c)

patanong

12.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Bumili pala ako ng mga pagkain"

a)

patanong

b)

padamdam

c)

pasalaysay

13.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Hay naku Natapon nanman ang tubig sa mesa"

a)

pautos

b)

padamdam

c)

pakiusap

14.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Thea, pakisara naman ng mga bintana"

a)

pakiusap

b)

pautos

c)

pasalaysay

15.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Mga bata, umupo na kayo sa sahig"

a)

patanong

b)

padamdam

c)

pautos

16.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Hanapin mo ang mga nawawalang krayola"

a)

patanong

b)

pautos

c)

pakiusap

17.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Nakabukas na ang mga pinto ng silid-aklatan"

a)

patanong

b)

pakiusap

c)

pasalaysay

18.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Paano mo pinatay ang sunog"

a)

patanong

b)

pautos

c)

padamdam

19.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Tulong Natumba ang nanay ko sa sahig"

a)

pautos

b)

pakiusap

c)

padamdam

20.

Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:


"Jonathan, maaari mo bang itapon ang mga basura sa kusina"

a)

patanong

b)

pakiusap

c)

pasalaysay

21.

Tukuyin ang pangungusap na patanong na wastong isagot sa pahayag:


"Kailan ka pupunta sa bahay namin?"

a)

Mamaya ako pupunta sa bahay ninyo.

b)

Ako ang pupunta sa bahay ninyo.

c)

Sa bahay ninyo ako pupunta mamaya.

22.

Tukuyin ang pangungusap na patanong na wastong isagot sa pahayag:


"Saan ka kumakain ng meryenda araw-araw?"

a)

Araw-araw ako kumakain ng meryenda sa kantina.

b)

Sa kantina ako kumakain ng meryenda araw-araw.

c)

Ako ang kumakain ng meryenda sa kantina araw-araw.

23.

Tukuyin ang pangungusap na padamdam na wastong isagot sa pahayag:


"Nawawala ang pera ko."

a)

Sige! Hanapin natin ang pera mo, Andrew.

b)

Hala! Saan mo ba ito inilagay, Andrew?

c)

Tulong! Hindi namin makita ang pera ni Andrew.

24.

Tukuyin ang pangungusap na pasalaysay na wastong isagot sa pahayag:


"Pwede mo ba akong tulungan dito?"

a)

Ako ang tutulung sa iyo dito.

b)

Dito ako tutulong sa iyo.

c)

Sige, tutulungan kita dito.

25.

Tukuyin ang pangungusap na patanong na wastong isagot sa pahayag:


"May mga sapatos akong nakita sa tindahan."

a)

Hindi nga? Saan mo nakita ang mga iyon?

b)

Talaga? Magkano ang mga iyon?

c)

Bakit? Ilan ba ang nakita mo sa tindahan?

26.

Tukuyin ang pangungusap na pakiusap na wastong isagot sa pahayag:


"Wala naman akong gagawin mamaya."

a)

Pakiluto naman ng mga ulam mamayang hapon.

b)

Pwede bang mamayang hapon ka na magluto ng ulam?

c)

Maaari ka bang magluto ng ulam mamayang hapon?

27.

Tukuyin ang pangungusap na padamdam na wastong isagot sa pahayag:


"Mamang bumbero, may nasusunog pong bahay doon."

a)

Sunog! Nasusunog daw ang bahay doon.

b)

Sige! Pupunta kami sa nasusunog na bahay doon.

c)

Hay naku! May bahay na nasusunog doon.

28.

Tukuyin ang pangungusap na pautos na wastong isagot sa pahayag:


"Tapos na po akong kumain at uminom, nanay."

a)

Sige. Hugasan mo na ang mga baso at pinggan.

b)

Sige. Maghuhugas na ako ng mga baso at pinggan

c)

Sige. Maghuhugas ka na ba ng mga baso at pinggan?