wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Dula quiz

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

• 1. Makatotohanan ba ang pagganap ng mga tauhan batay sa diyalogo? Patunayan.

a)

Hindi, sapagkat wala namang katotohanan na bata pa lang ay makapipili na ng pakakasalan.

b)

Hindi, dahil si Temujin at Borte ay bunga lang ng imahinasyon ng may-akda.

c)

Oo, sapagkat naaayon naman sa kultura ng Mongolia ang pinagkasundong kasal.

d)

Oo, dahi masasalamin ang kagandahang-asal sa kwento.

2.

• Akma ba ang tanghalan/tagpuan sa mga pangyayari sa akda? Ipaliwanag.

a)

Oo, akma dahil madaling maikintal sa mambabasa ang larawang-diwa ng kwento.

b)

Oo, sapagkat nagsasaad ito ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari.

c)

Hindi, dahil wala namang kinalaman ito sa takbo ng estorya.

d)

Hindi, sapagkat hindi naman ito nakakapukaw ng interes.

3.

Mahusay ba ang iskrip/banghay/diyalogo ng dula? Bakit?

a)

Oo, dahil nakapupukaw ito ng interes ng mambabasa.

b)

Oo, dahil ang takbo ng buhay pag-ibig ay nakakakilig.

c)

Hindi, dahil hindi naman ako nadadala sa kwento.

d)

Hindi, dahil wala lang.

4.

Nailarawan ba ang karaniwang pamumuhay ng tao sa dula? Ipaliwanag.

a)

Oo, sapagkat nagsasaad ito ng relasyon ng mag-ama at buhay pag-ibig ni Temujin.

b)

Oo, sapagkat marami na talagang maagang nag-aasawa sa kasalukuyan.

c)

Hindi, sapagkat hindi naman masasalamin ang kultura ng bansa.

d)

Hindi, sapagkat hindi ito makatotohanan.

5.

Niugnay mo ba sa iyong buhay ang mga pangyayari sa akda?

a)

Hindi

b)

Oo

c)

Walang alam

d)

Hindi matukoy

6.

Alin sa sumusunod na bahagi ng dula ang naglalarawan ng karaniwang pamumuhay?

a)

Relasyon ng mag-ama

b)

Maagang pagbubuntis

c)

Pagkakaroon ng kasintahan sa edad na siyam na taong gulang

d)

Pagkakasundo ng ina sa anak

7.

Alin sa sumusunod ang karaniwang naglalarawan sa pamumuhay ng isang Asyano?

a)

Pagkakasundo ng kasal sa anak

b)

Pagbibigay bendisyon ng magulang na ikasal ang anak

c)

Pagkakaroon ng atraso sa ibang tribu

d)

Maagang pagbubuntis

8.

Ano ang nais ipahiwatig ng diyalogo na ito ni Yesugei? “Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temüjin ay dapat ka nang pumili ng iyong mapapangasawa.”

a)

Isang magulang na nagpapasya para sa anak

b)

Isang ama na ninais na mapasama ang anak

c)

Iniisip lang ang sariling kapakanan kaysa sa kapakanan ng anak

d)

Isang ama na sumusunod na kultura at tradisyon

9.

Bakit kaya pinili ni Temujin si Borte kesa sa babaeng magmumula sa tribung Merit?

a)

Dahil si Borte ang pinipili at iniibig niya

b)

Ayaw niyang magpakasal sa hindi niya pa nakikita

c)

Nais niyang suwayin ang ama

d)

Bata pa siya at gusto niya lang na lokohin si Borte

10.

Ano ang damdaming higit na namamayani pagkatapos basahin ang akda?

a)

Kilig

b)

Galit

c)

Tuwa

d)

Paghihinagpis