wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan: Tradisyon, Alituntunin at Ugnayan ng Pamilya

Total questions: 14

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Nakaugalian na ng Pilipino ang ___________________ sa mga nakatatanda

a)

Pagmamano

b)

Pagyakap

c)

Paghalik

d)

Pagbuhat

2.

Anong mahahalagang araw ang pinagdiriwang ng pamilya? Pumili ng higit sa isa.

a)

Unang araw ng eskwela

b)

Kasal

c)

Binyag

d)

Kaarawan

e)

Labor day

3.

Kailan nagbibigay ng pasalubong? Pumili ng higit sa isa.

a)

Paguwi sa bahay

b)

Pagdalaw sa mga kaibigan o kamag-anak

c)

Pagalis ng bansa

d)

Tuwing Kaarawan

4.

Tuwing kailan tayo dumadalaw sa mga namatay na kasapi ng pamilya?

a)

Disyembre

b)

Pebrero

c)

Mayo

d)

Nobyembre

5.

Kailan tayo nagbibigay ng regalo sa Pamilya? Pumili ng higit sa isa

a)

Pasko

b)

Kaarawan

c)

Bagong Taon

d)

Pagtatapos ng pag-aaral o Graduation

e)

Anibersaryo

6.

Ano ang iyong gagawin kapag umuwi ang iyong magulang sa bahay?

a)

Di ko papansinin

b)

Magmamano ako at hahalik

c)

Manghihingi ako ng pasalubong

d)

Gagamit ng po at opo

7.

Kinakausap ka ng iyong lolo at lola

a)

Di mo sila papansinin

b)

Magmamano ako at hahalik

c)

Gagamit ako ng "po" at "opo" sa pagsagot

d)

Lalabas kami para kumain

8.

Nasunugan ng bahay ang iyong tiya. Ano ang iyong gagawin?

a)

Magdiriwang at magsasalu-salo

b)

Magdarasal

c)

Magbibigay ng mga lumang damit, pagkain at patitirahin sa amin pansamantala

9.

Bakit natin kailangan sumunod sa Alituntunin ng Pamilya

a)

Para maging mabait

b)

Para maging maayos, masaya at maunlad

c)

Walang dahilan

10.

Ano ang magalang na tawag sa mga nakatatandang lalaki?

a)

Hoy

b)

Tiya, Manay

c)

Kuya, Manong

d)

Ale, Ate

11.

Alin ang magalang na pananalita sa nakatatanda?

a)

Kumain ka na?

b)

Kumain na po kayo?

c)

Kumain ka!

12.

May sakit ang iyong lola o lolo, ano ang dapat mo ibigay sa kanila? Pumili ng higit sa isa

a)

Gamot

b)

Pagkain

c)

Damit

d)

Pag-aaruga

13.

Paalis ka ng bahay papunta ng paaralan. Nasa kusina si Nanay. Ano ang sasabihin mo?

a)

Paalam na!

b)

Nanay, alis na po ako

c)

Nanay, gutom na ako

d)

Bye!

14.

May kumakatok na matanda sa inyong pintuan. Pero di mo sya kilala. Ano ang sasabihin mo?

a)

Umalis ka!

b)

Sino po sila? Ano po kailangan nila?

c)

Hindi ko papansinin

d)

Nanay, pakibuksan ang pintuan