WorksheetsGrade 7 - FIRST QUARTER EXAMINATION
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Bakit mahalaga ang pagtamo sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata bago at ganap na pakikipag- ugnayan sa mga kasing-edad?
a. Maipagmamalaki niya ang kakayahan na makipag ugnayan nang maayos sa mga kasing edad
b. Magkaroon ng malinaw na pagtingin sa sarili upang matanggap sa kalaro
c. Masisiguro niya na may tatanggap sa mga kahinaan at kalakasan.
d. Magkaroon ng pagkakaintindihan at pagtanggap na tutulong sa kaniya labas sa kanyang
pamilya
2. Ang mga sumusunod ay mahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao maliban sa:
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay
b. Nakakatulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat na gawin na akma sa kanilang edad
d. Nagsisilbing motibasyon upang gawin ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan
3. Ang sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata maliban sa_________.
a. pagsisikap na makakilos na angkop sa kanyang edad
b. pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. pagtamo at pangtanggap ng maayos na ugali sa pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
d. pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
4 . Masasabi lamang na ganap ang pakikipag-ugnayan kung handang ipaalam ang lahat sa kapwa. Ang pangugusap ay:
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-ugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang lahat ng sikreto.
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa hinaharap.
5. Alin sa mga inaasahang kakayahan at kilos ang naglalarawan ng pagtatamo ng bago at ganap na pakikipagkapwa sa panahon ng nagdadalaga at pagbibinata?
a. Ang mga nagdadalaga at nagbibinata ay naghahanap ng kaibigan na makakasama nang mas madalas sa araw-araw
b. Ang mga nagbibinata ay pwedeng umiyak kung kinakailangan sa panahon ng labis na kalungkutan
c. Pagkakaroon ng sapat na ehersisyo at malusog na pamumuhay ang nagdadalaga at nagbibinata.
d. Ang pagiging mapanagutan sa pakikipag-kapwa ng mga nagdadalaga at nagbibinata
6. Paano mo nabibigyang halaga ang maasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?
a. Naipakita ng maayos ang motibo ng kilos
b. Nakikisalamuha sa kapwa ng walang kondisyon
c. Namimili ng kaibigan
d. Tumutugon sa tawag ng kabutihang loob.
7. Alin ang mahalagang gagawin ng isang nagbibinata/nagdadalaga?
a. Magkulong sa bahay buong araw kung walang pasok.
b. Makikisalamuha sa iba upang maunawaan ang mga bagay sa paligid.
c. Maghanap ng kaibigan na kapareha ang hilig upang malibang.
d. Magkaroon ng balanse na oras sa kaibigan at pamilya upang maayos na matugunan ang mga pangangailangan sa aspetong moral
8. Mula ng nagbibinata si Miko ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang ina. Madalas na sumama ang kanyang loob sa tuwing siya ay pinagsasabihan at pinagbabawalan sa mga bagay na alam niyang hindi nararapat na pakialaman ng kanyang ina. Ano ang pinakamatuwirang magagawa ni Miko?
a. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang kanyang saloobin
b. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kanyang ina.
c. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng loob at matapos ito ay kalimutan na ang sama ng loob
d. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang magulang sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang nakakatanda
9. Alin sa mga palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ang nagpapakita ng aspetong pandamdamin?
a. Pantay ang pagtingin sa kapwa.
b. Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya.
c. Nakagagawa ng mga pagpaplano.
d. Madalas nag-aalala sa kanyang pisikal na anyo, marka, klase at pangangatawan.
10. Alin sa sumusunod ang palatandaan ng pag-unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa aspetong moral?
a. madalas na mainitin ang ulo
b. lumalayo sa magulang
c. nag-aalala sa kasintahan sa hanay ng kapwa mga tinedyer
d. madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
