wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Quarter Reviewer in Araling Panlipunan 2

Total questions: 30

Worksheet time: 48mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang paglilingkod pangkalusugan na ibinibigay nang libre sa komunidad.

a)

Health Center

b)

Nars

c)

Midwife

d)

DSWD

2.

Katulong ng kapitan ng barangay na naglilingkod upang mapangalagaan ang katahimikan at kaayusan ng komunidad.

a)

DSWD

b)

Pulis

c)

Barangay Tanod

d)

Abogado

3.

Tumutulong upang ipagtanggol sa korte ang mamamayan.

a)

Guro

b)

Inhinyero

c)

Bombero

d)

Abogado

4.

Institusyon na nangungunang naglilingkod sa komunidad tungkol pang-agrikultura.

a)

Department of Health

b)

Department of Education

c)

Department of Agriculture

d)

Department of Energy

5.

Sangay ng pamahalaan na kauna-unahang tumutulong kapag may kalamidad.

a)

DepEd

b)

DSWD

c)

DOH

d)

DOJ

6.

Tumutulong upang matutong bumasa at sumulat.

a)

Bombero

b)

Guro

c)

Abogado

d)

Midwife

7.

Tumutulong upang mabilis ang pagpatay o pagsugpo sa sunog.

a)

Barangay Tanod

b)

Bombero

c)

Inhinyero

d)

Nars

8.

Tumutulong sa doktor sa pangngalaga ng may sakit.

a)

Midwife

b)

Nars

c)

Dentista

d)

Guro

9.

Humuhuli sa gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

a)

Pari

b)

Pulis

c)

Barbero

d)

Bombero

10.

Tumutulong sa nanay upang mailuwal ang sanggol.

a)

Katulong

b)

Midwife

c)

Dentista

d)

Bombero

11.

Ano ang tawag sa ginagawa o ginagampanan ng isang tao bilang katumbas ng mga karapatang kanyang tinatamasa?

a)

pangarap

b)

tungkulin

c)

karapatan

d)

pag-uutos

12.

Ano ang tawag sa mga pangangailangang dapat tinatamasa ng isang tao upang makapamuhay siya nang maayos?

a)

tungkulin

b)

karapatan

c)

pangarap

d)

pagnanais

13.

Tinanggihan ng ospital ang ina ni Myla na may malubhang sakit.


Dapat ba silang tanggihan ng ospital?

a)

Opo

b)

Hindi po

c)

Depende sa sitwasyon

14.

Sino sa sumusunod ang tumutupad sa maayos na paglilingkod?

a)

Pulis na nanghihingi ng pera sa mga drayber.

b)

Abogadong laging talo sa kaso.

c)

Gurong may mag-aaral na natututong mabuti at lumaking may respeto.

d)

Tinderang kulang sa sukat ang timbangan.

15.

Bakit mahalaga na gawin ang bawat tungkulin ng mga tao sa komunidad?

a)

Upang maging masaya ang buong komunidad.

b)

Upang magkaroon ng pag-aaway sa komunidad.

c)

Upang maging maayos ang pagsasama sa komunidad.

d)

Upang yumaman ang komunidad.

16.

Kung hindi mo susundin ang batas trapiko sa daan, ano ang maaaring mangyari?

a)

Magiging responsible kang mamamayan.

b)

Magiging mabuti kang mamamayan.

c)

Maiiwasan mo ang aksidente.

d)

Mapapahamak ka at maaaring magdulot ng abala sa kapwa.

17.

Isa kang may-ari ng isang kainan. Hindi mo sinusunod ang batas sa kalinisan ng kainan.


Ano ang mangyaayri sa mga kumakain sa iyong kainan?

a)

Sasakit ang tiyan.

b)

Madadalas ang pagdumi.

c)

Magsusuka at maoospital ang mga kumain.

d)

Lahat ng nabanggit

18.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tungkulin sa paaralan?

a)

Laging suot ni Arlene ang kanyang ID habang nasa paaralan.

b)

Tumutulong si Donnie sa pagwawalis ng mga tuyong dahon sa bakuran ng paaralan.

c)

Tuwing makakasalubong ni Jenny ang punong-guro sa kanilang paaralan ay nagmamano siya rito.

d)

Lahat ng nabanggit

19.

Tuwang-tuwang naglalaro ang magkakapatid sa palaruan na malapit sa kanilang bahay.


Ano ang kaugnay na tungkulin ang dapat nilang gawin?

a)

Sirain ang seesaw na ginamit.

b)

Magkalat sa palaruan.

c)

Dalhin sa bahay ang duyan para paglaruan.

d)

Ingatan ang mga gamit sa palaruan.

20.

Nakatira ka sa malinis at maayos na tahanan sa piling ng iyong mga magulang.


Ano ang dapat mong gawin?

a)

Utusan ang tatay na palaging maglinis.

b)

Itapon ang pinagkainan sa sahig.

c)

Tumulong sa paglilinis ng tahanan.

d)

Hindi na lang papansinin kung may dumi.

21.

Iba-iba ang relihiyon ng mga mag-aaral ni Gng. Reyes. Alin sa sumusunod ang nararapat gawin ng bawat isa?

a)

Pagtawanan ang batang iba ang relihiyon.

b)

Iwasan ang mga kamag-aral na iba ang paniniwala.

c)

Igalang ang paniniwala ng iba.

d)

Awayin ang kamag-aral na iba ang paniniwala sa iyo.

22.

Ito ang tawag sa mga alituntunin, kautusan at batas na ginawa ng Sangguniang Barangay.

a)

Ordinansa

b)

Tungkulin

c)

Batas

d)

Karapatan

23.

Piliin kung tama o mali.


Ang mga ordinansa na ginawa ng Sangguniang Barangay ay ipinatutupad sa sa komunidad kung saan ito ginawa.

a)

Tama

b)

Mali

24.

Piliin kung tama o mali.


Ang pagbabawal sa malakas na pagpapatugtog ng videoke ay isang ordinansa na dapat sundin.

a)

Tama

b)

Mali

25.

Piliin kung tama o mali.


Ang paglilimita sa mga aso sa kalsada ay isang halimbawa ng ordinansa.

a)

Tama

b)

Mali

26.

Piliin kung tama o mali.


Malulutas ang problema sa barangay nang mabilis kung magkakahiwalay na lulutasin ng babae at lalaki na naninirahan sa isang pamayanan.

a)

Tama

b)

Mali

27.

Piliin kung tama o mali.


Tatawag ng bombero sa pinakamalapit na himpilan dahil nakita mong nasusunog ang bahay ng iyong kapitbahay.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Piliin kung tama o mali.


Ang sama-samang paglilinis sa ilog ng mga tao sa isang komunidad ay isang masamang gawain.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Piliin kung tama o mali.


Ayaw makiisa ang iyong kapitbahay sa pagtulong sa proyektong pagsasaayos ng inyong barangay dahil sa nasalanta din siya ng nagdaang bagyo.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Piliin kung tama o mali.


Sa nalalapit na piyesta sa inyong lugar, maaari kang makatulong sa paggawa ng banderitas.

a)

Tama

b)

Mali