WorksheetsEsP Referesher modyul 1-7
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Sa yugto ng maagang pagdadalgaga o pagbibinata, inaasahan na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan (girlfriend/boyfriend). Ang pangungusap ay:
Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian sa maagang panahon.
Tama, dahil ito ay makatutulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa sa magiging seryosong relasyon sa hinaharap.
Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.
Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata maliban sa ______.
Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa
Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad
Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan maliban sa:
Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento atnkakayahan?
Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
Upang makapaglingkod sa pamayanan
Lahat ng nabanggit
Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro ay siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilan team. Makikitang halos naperpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis na kaabalahan sa pag-aaral, barkada at pamilya hindi na siya nakapagsasanay nang mabuti. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?
Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay
Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan.
Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo ng laro kasama ang mga ito.
Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta sa kanya sa laro.
Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa talento at kakayahan ng tao.
Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal
Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento
Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa
Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
Dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
Dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
Dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
Dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan na talento dahil hindi naman ito makaagaw atensyon
Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan?
Nakapagpapasaya sa tao
Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap
Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pangakademiko bokasyunal?
Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap.
Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap.
Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pagaaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto.
Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pangakademiko o teknikal-bokasyonal
Bakit mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig?
Magbibigay kahulugan ito sa bawat pang-araw-araw na gawain.
Makatutulong ito upang matukoy ang bagay na nais mong gawin sa iyong libreng oras.
Palatandaan ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
Makapagpapaunlad ito ng talento at kakayahan.
Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa:
Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig
Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap
Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito
Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata
Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan?
Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating
Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang pangangailangan ng lahat ng tao
Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na mga kalamidad
Lahat ng nabanggit
Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
Ang mga sumusunod ang palatandaan ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
Nakahandang harapin ang anomang kahihinatnan ng mga pagpapasya
Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat
Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas moral
Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito
