Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ang Pag-aalsa ni Diego Silang

Total questions: 15

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Sino si Diego Silang?

a)

Siya ay taga Ilocos na rebelde sa pamahalaan

b)

Siya ay taga Ilocos na namuno ng pag-aalsa laban sa pamahalaang Espanyol

c)

Siya at taga Ilocos na tumulong sa Pamahalaang Espanyol laban sa mga Pilipino

d)

Siya at taga Ilocos na walang pakialam sa nangyayari sa bansang Pilipinas

2.

Paano inilarawan si Diego Silang sa kwento?

a)

Mapagkakatiwalaan, marunong magsalin ng

kastila sa tagalog at makapagkopya ng sulat ng buong buo at walang mali

b)

Magpakakatiwalaan ngunit hindi marunong magsalita ng kastila

c)

Mapagkakatiwalaan, masayahin at maraming kaibigang Piliplino at kastila

d)

mapagkakatiwalaan, tahimik at marunong umiwas sa gulo.

3.

Bakit nagkainteres ang mga pari na makuha si Diego Silang mula sa mga katutubong Pilipino?

a)

dahil mabait at mapagkakatiwalaan

b)

dahil siya ay tunay na Pilipino at marami siyang maaring magawa

c)

dahil maimpluwensya sa Gobernadorcillo at may koneksyon sa mga katutubong Pilipino

d)

wala sa nabanggit

4.

Ilarawan si Diego Silang bilang isang Principalia.

a)

Sila ang mga Pilipino na may linya ng angkan sa mga datu bago pa man dumating ang mga Espanyol. May lahing maharlika.

b)

Mga mayayaman na mga sinaunang Pilipino sa panahon ng Kastila. Sila ay may-ari ng mga malalawak na lupain.

c)

Binigyan ng Pamalaang Espanya ng kapangyarihan at lupain dahil sila ang namamagitan sa mga Pilipino at Espanyol.

d)

Lahat ng nabanggit

5.

Si Diego Silang ay isang principalia ngunit galit sa mga kapwa Pilipinong principalia. Bakit daw?

a)

dahil sila ang taga kolekta ng mga buwis at taga tiktik sa pag-aalsa ng mga mamamayang Pilipino

b)

sila ang binibigyan ng kapangyarihan ng Espanya laban sa mga Pilipino

c)

dahil ang mga kababayan nating ito ay mas naninilbihan sa mga kastila kaysa sa ating mga kababayan

d)

lahat ng nabanggit

6.

Ang mga sumusunod ay dahilan ng pag-aalsa sa katagalugan, Pangasinan at Cagayan maliban sa isa. Ano ito?

a)

paniningil ng tributo

b)

abusadong opisyal

c)

pagdami ng trabaho

d)

sapilitang paggawa

7.

Paano magtatagumpay ang pag-aalsa ayon kay Diego Silang?

a)

makipagkaibigan sa mga Espanyol

b)

manatili lamang sa bahay at mag-ingat

c)

hayaang magkawatak watak ang bawat isa

d)

magkaisa ng adhikain ang mga Pilipino

8.

Ang dalawa ay naging damdamin ni Diego Silang upang sumali sa pag-aalsa laban sa mga kastila? Anu-ano ito?

a)

hindi siya magiging traidor sa bayan kahit binigyan siya ng mga pari ng tiwala at trabaho

b)

nakita niya ang pang-aapi sa mga kababayan at galit ang kanyang nararamdaman

c)

higit siyang makikinabang sa pag-aalsa laban sa mga kastila

d)

lalawak ang kanyang lupain at dadami ang masisingil na tributo

9.

Anu-ano ang adhikain ng pag-aalsa sa pamumuno ni Diego Silang? Pumili ng tatlo.

a)

Wala ng gagawa ng sapilitan

b)

Magtatayo ng isang pamahalaan na ang mamumuno ay mga Pilipino at ang kapangyarihan ay nasa tao

c)

mapalawak pa ang kapangyarihan ng Espanyol

d)

hindi na magbabayad ng buwis

10.

Bakit mahirap magtagumpay ang pag-aalsa noon? Pumili ng tatlong sagot.

a)

dahil sa mga Pilipinong inuuna ang sarili bago ang bayan

b)

dahil watak watak ang mga Pilipino

c)

dahil sa kakulangan sa kahandaang makipaglaban

d)

dahil sa matakas ng pwersa ng mga Espanyol

11.

Sa kasalukuyang panahon na ang mga Pilipino ay humaharap sa suliranin ng COVID-19, paano tayo makakatulong sa ating bayan? Pumili ng tatlong tamang sagot.

a)

manatili at maglinis ng bahay

b)

isipin ang sariling kaligayahan

c)

makiisa at makinig sa mga panuntunang pangkaligtasan

d)

sumunod sa patakarang ipapatupad ng mga tumatayong pinuno

12.

Kagaya ni Diego Silang, naniniwala ka din ba sa kasabihang "Bayan muna bago ang sarili"?

a)

Opo, upang hindi ko na iisipin ang sarili ko.

b)

Opo, upang magtagumpay ang bayan sa suliraning kinahaharap

c)

hindi, mas mahalaga ang sariling kapakanan

d)

hindi, kailangan sarili muna

13.

Sa palagay mo, naging makabuluhan ba ang pag-aalsa ni Diego Silang at ng kanyang mga kasama? Bakit?

a)

opo, dahil nagising ang mga Pilipino sa tunay na kalagayan nila

b)

opo, dahil mas lalong nagkawatak watak ang mga Pilipino

c)

hindi, dahil hindi sila nagtagumpay

d)

hindi, dahil hindi naman mahalaga ang pag-aalsa

14.

Kagaya ng pag-aalsa ni Diego Silang, makabuluhan din ba ang ating pakikiisa sa patakaran ng pamahalaan upang masugpo ang COVID-19?

a)

opo. upang lahat tayo ay maging ligtas sa sakit

b)

opo, dahil ang COVID-19 ay nakamamatay

c)

opo, upang maging matagumpay ang pamahalaan sa pagsugpo ng COVID-19

d)

opo, upang mabawasan ang populasyon ng mundo

15.

Bilang isang batang Pilipino, paano ka magiging makabuluhan para sa iyong bayan? Pumili ng tatlong tamang sagot.

a)
b)
c)
d)