wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao 7 (Fourth Quarter)

Total questions: 50

Worksheet time: 3hrs 30mins

Name
Class
Date
1.
Ano ang kahulugan ng pangarap?
a)
Ito ay ang pagsilip sa tinatanaw na kinabukasan.
b)
Ito ay nangyayari sa pagtulog.
c)
Ito ay panaginip nang gising.
d)
Ito ay kasingkahulugan ng mithiin.
2.
Ito ay ang pagtugon ng tao sa tawag ng Diyos na magmahal.
a)
bokasyon
b)
pagbigay ng limos
c)
pag-ibig
d)
propesyon
3.
Ito ay ang tunguhin o pakay na nais na marating o puntahan sa hinaharap.
a)
pangarap
b)
mithiin
c)
panaginip
d)
pantasya
4.
Ito ay espesyal na uri ng pangmadaliang mithiin na nagsisilbing direksiyon at gabay sa pagkamit ng pangmatagalang mithiin.
a)
pangmadaliang mithiin
b)
pangmatagalang mithiin
c)
kakailanganing mithiin
d)
mithiin
5.
Ito ay ang pundasyon sa paggawa ng mabuting pagpapasya.
a)
isip
b)
panahon
c)
pagpapahalaga
d)
bokasyon
6.
Ito ay ang instrumento sa proseso ng mabuting pagpapasya.
a)
isip at damdamin
b)
panahon
c)
pagpapahalaga
d)
bokasyon
7.
Ito ay ang pinakapangunahing sangkap sa proseso ng mabuting pagpapasya.
a)
isip at damdamin
b)
panahon
c)
pagpapahalaga
d)
bokasyon
8.
Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
a)
pamimili
b)
pagdedesisyon
c)
pagpapasya
d)
mabuting pagpapasya
9.
Ito ay preperensiya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak na tao na kumilos o gumawa.
a)
talento
b)
kakayahan
c)
pangarap
d)
hilig
10.
Ito ay likas na kakayahan ng tao upang makagawa ng mga pambihirang bagay.
a)
talento
b)
kakayahan
c)
pangarap
d)
hilig
11.
Ito ay nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang.
a)
mithiin
b)
pagpapahalaga
c)
pangarap
d)
birtud
12.
Ito ay nais na mangyari ng isang tao sa kanya sa hinaharap.
a)
mithiin
b)
pagpapahalaga
c)
birtud
d)
misyon
13.
Ano ang unang makatutulong sa iyo na makamit ang mga mithiin mo sa buhay?
a)
sipag
b)
pangarap
c)
pag-aaral
d)
yaman
14.
Alin sa sumusunod na trabaho ang hindi na nangangailangan ng diploma sa sekundarya?
a)
karpintero
b)
construction worker
c)
guro
d)
sales lady
15.
Ang sumusunod na mga trabaho ay nangangailangan ng may natapos na kurso sa kolehiyo, maliban sa:
a)
chamber maid
b)
guro
c)
nars
d)
doktor
16.
Ayon sa datos ng trabaho noong 2011, sino sa sumusunod ang may pinakamataas na suweldo?
a)
piloto
b)
accountant
c)
guro sa kolehiyo
d)
inhinyero
17.
Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMART-A ay:
a)
S-smart, M-manageable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-action-oriented
b)
S-specific, M-manageable, A-adjustable, R-relevant, T-time-bound, A-action-oriented
c)
S-smart, M-manageable, A-adjustable, R-relevant, T-talented, A-action-oriented
d)
S-specific, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-action-oriented
18.
Ang sumusunod ay tumutukoy sa pantasya, maliban sa:
a)
Ito ay panaginip ng gising.
b)
Ito ay likha ng malikhaing isip
c)
Ito ay pagbuo ng sitwasyon ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya.
d)
Wala sa nabanggit.
19.
Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
a)
pangmatagalan at panghabambuhay
b)
pangmadalian at panghabangbuhay
c)
pangmatagalan at pangmadalian
d)
pangngayon at pangkinabukasan
20.
Ang higher good ay tumutukoy sa:
a)
kagandahang loob sa bawat isa
b)
kabutihang panlahat
c)
ikabubuti ng mas nakararami
d)
ikabubuti ng mga mahal sa buhay
21.
Ang sumusunod ay bumubuo sa proseso ng mabuting pagpapasya, maliban sa:
a)
pagpapahalaga
b)
mithiin
c)
isip at damdamin
d)
panahon
22.
Alin ang hindi kabilang sa mga hakbang sa pagninilay sa mismong aksiyon?
a)
ang uri ng aksiyon
b)
puna ng ibang tao
c)
personal na hangarin
d)
mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon
23.
Alin sa sumusunod ang may pinakamataas na kabutihan?
a)
libro
b)
kompyuter
c)
telebisyon
d)
pamilya
24.
Ito ay isa sa mga pamantayan sa pagtatakda ng mithiin na nangangahulugang may kasiguruhan at pinag-isipan.
a)
tiyak o specific
b)
nasusukat o measurable
c)
naaabot o attainable
d)
angkop o relevant
25.
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng hilig o interes?
a)
outdoor
b)
logical
c)
linguistic
d)
intrapersonal
26.

Ang sumusunod ay halimbawa ng work values, maliban sa isa:

a)

kahusayan sa paggawa

b)

palagiang paghingi ng tulong sa iba

c)

pagtanggap sa mga pagbabago

d)

pagharap sa publiko

27.

Isang halimbawa ng highly skilled worker ang inhinyero sapagkat…

a)

siya ang bumubuo ng mga bahagi ng produkto sa isang industriya.

b)

siya ang gumagawa ng balangkas at nag-iisip ng mga kailangang sangkap at disenyo ng produkto

c)

malaki pasahod sa kanya ng kumpanya

d)

wala sa nabanggit

28.

Sino ang mas mayroong tsansang maging maunlad sa larangan ng paghahanapbuhay?

a)

nakatapos ng elementarya

b)

nakatapos ng kolehiyo

c)

nakatapos ng sekundarya

d)

nakatapos ng teknikal-bokasyunal

29.

Ang unemployed ay:

a)

walang trabaho

b)

may trabaho ngunit hindi angkop ang kanyang natapos na kurso

c)

nag-aaral

d)

mataas ang posisyon sa trabaho

30.

Ang sumusunod ay mga kursong teknikal-bokasyunal, maliban sa:

a)

engineering

b)

tile setting

c)

welding

d)

carpentry

31.

Sino ang taong may pangarap?

a)

Handang kumilos upang maabot ang pangarap.

b)

Laging nakikinig sa payo ng kaibigan.

c)

Laging may oras sa paglilibang

d)

Laging lumiliban sa klase.

32.

Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagkamit ng itinakdang mithiin, maliban sa:

a)

Isulat ang itinakdang mithiin.

b)

Isulat ang takdang panahon ng pagtupad ng iyong mithiin.

c)

Isulat ang kabutihang dulot mula sa itinakdang mithiin.

d)

Itigil ang pagkilos sa pagkamit ng mithiin.

33.

Kanino ka unang hihingi ng payo kung may problema ka?

a)

kaibigan

b)

magulang

c)

kaklase

d)

boyfriend

34.

Bago gumawa ng pasya sa anumang suliranin,Alin sa mga sumusunod ang una at pinakamabuting magagawa mo?

a)

Humingi ng payo sa nakakatanda.

b)

Manalangin at humingi ng gabay

c)

Kausapin ang matalik na kaibigan.

d)

Itala ang mga maaaring gawin o solusyon.

35.

Outdoor ang larangan ng hilig mo kung:

a)

Mahilig kang magbasa ng aklat tungkol sa mga bansa.

b)

Mahilig kang maglaro ng basketball.

c)

Mahilig kang manood ng pelikula.

d)

Mahilig kang sumulat ng diary.

36.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa taong nagiging matagumpay sa kanyang karera?

a)

Mahina ang loob.

b)

Masipag at may kusa.

c)

Huli sa pagpasok sa paaralan.

d)

Maagang nakikipagboyfriend/ girlfriend.

37.

Kung nais mong maging isang inhinyero, anong kurso ang dapat na kukunin mo sa kolehiyo?

a)

akademiko

b)

bokasyunal

c)

teknikal

d)

wala

38.

Kung ikaw ay makatatapos ng sekundarya at hindi na magpapatuloy sa kolehiyo, anong trabaho ang magiging angkop sa iyo?

a)

guro

b)

kasambahay

c)

call center agent

d)

tindera

39.

Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?” Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Hellen Keller?

a)

Mahirap maging isang bulag.

b)

Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.

c)

Hindi mabuti ang walang pangarap.

d)

Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay.

40.

Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?

a)

Ang pangarap ay isang paglalarawan ng iyong hinaharap samantalang ang panaginip naman ay nangyayari habang tulog.

b)

Ang pangarap ay ginagawa habang gising samantalang ang panaginip ay kusang nangyayari sa pagtulog.

c)

Ang pangarap ay natutupad kung pagsisikapan, samantalang ang panaginip ay hindi.

d)

Lahat ng nabanggit.

41.

Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasya. Ibig sabihin nito na:

a)

Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso.

b)

Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasya.

c)

Ang lahat ng ating kilos ay nakabatay sa ating isip at kilos-loob.

d)

Kailangang pinag-isipang mabuti ang lahat ng ating kilos o ginagawa.

42.

Si Lara Faye ay isang medical sales representative sa isang malaking kumpanya ng gamot. Siya ay nagtapos ng medisina sa isang kilalang pamantasan sa Maynila. Anong

salita ng tumutukoy sa sitwasyon ni Lara Faye?

a)

job market

b)

labor market information

c)

job mismatch

d)

employment

43.

Isa sa mga in-demand na trabaho ngayon ang mga may kaugnayan sa cyberservices. Anong salita ng tumutukoy sa sitwasyon?

a)

job market

b)

labor market information

c)

job mismatch

d)

Employment

44.

Kanino may direktang epekto ang hindi pagtatapos sa pag-aaral ng isang tao?

a)

sarili

b)

magulang

c)

mga kapatid

d)

mga guro

45.

Sino ang hindi naaapektuhan sa hindi pagtatapos sa pag-aaral ng isang tao?

a)

sarili

b)

lipunan

c)

magulang

d)

wala sa nabanggit

46.

Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?

a)

Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin

b)

Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin

c)

Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin

d)

Wala sa mga nabanggit

47.

Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip,“ sa mga mahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;

a)

Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon

b)

Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.

c)

Mahirap talaga ang gumawa ng pasya

d)

Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa panahon

48.

Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong…

a)

Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.

b)

Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang hindi ka nakapipili.

c)

Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.

d)

Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.

49.

Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang paniniguro na ang gusto mong trabaho ay kailangan pa sa lipunan.

a)

Tiyak o Specific

b)

Nasusukat o Measurable

c)

Naabot o Attainable

d)

Angkop o Relevant

50.

Ang kahulugan ng pahayag na, “paligsahan sa merkado sa paggawa o job market” ay:

a)

Maraming pare-parehong kasanayan ang nagpapaligsahan sa iilang trabaho

b)

Ang mga trabaho at ang katumbas na pasahod sa mga ito ay nakadepende sa antas ng pangangailangan ng mga kumpanya para sa kasanayang ito at ang bilang ng mga mayroong ganitong kasanayan.

c)

Maraming mga bagong job titles o trabaho sa ngayon ang walang katapat na manggagawang may kasanayan para dito.

d)

Depende sa kasanayan at kwalipikasyon ng mga manggagawa ang pasahod dito.