NEW
Font size
WorksheetsFilipino
Total questions: 30
Worksheet time: 13mins
Saan bayan nagmula ang ina ni Florante?
Persiya
Albanya
Krotona
Turkiya
Sa Aralin 10, ano ang nakaambang panganib sa buhay ni Florante?
May 2 leon na papalapit sa kanya
Parating na ang hukbo ni Adolfo upang siya ay patayin
May kamandag ang lubid na nakatali sa kanya
Dumating si Aladin upang siya ay patayin
Siya ang ama ni Aladin.
Haring Linceo
Duke Briseo
Sultan Ali-adab
Antenor
Ano ang katangian ng ama ni Aladin na binabanggit sa Aralin 9?
Mapagmahal
Mapagbigay
Matalino
Amang di dapat pamarisan
Sa Aralin 11, sino ang gererong nagligtas kay Florante sa gubat na mapanglaw?
Adolfo
Aladin
Menandro
Antenor
Siya ang ama ni Florante.
Duke Briseo
Haring Linceo
Sultan Ali-adab
Antenor
Katangian ng ama ni Florante na binabanggit sa Aralin 8.
Amang di dapat pamarisan
Mapagmahal
Matalino
Mapagbigay
Nang sanggol pa si Florante, anong uri ng ibon ang muntik nang makadagit sa kanya ngunit siya ay nailigtas ni Menalipo?
Ibong Arkon
Ibong Adarna
Agila
Buwitre
Nang si Florante ay gumagabay-gabay na, anong uri ng ibon ang pumasok sa kanilang sala at dumagit sa diyamanteng kupido sa kanyang dibdib?
Ibong Arkon
Ibong Adarna
Agila
Buwitre
Paano pinalaki ng mga magulang si Florante?
Lumaking walang gabay
Pinabayaan siya
Laki sa layaw
Pinalaki sa hirap at dusa
Anong edad natuto si Florante ng pamamana?
8 taon
9 taon
10 taon
11 taon
Ilang taon si Florante nang ipadala sa malayong lugar upang mag-aral?
11 taon
12 taon
13 taon
14 taon
Saang lugar ipinadala si Florante upang mag-aral at mamulat sa realidad ng buhay?
Krotona
Persiya
Albanya
Atenas
Sino ang kababayan ni Florante na bantog sa lahat ng mga estudyante sa kanilang paaralan dahil sa talino at magandang asal?
Menandro
Adolfo
Aladin
Menalipo
Nang magkaroon ng dula sa paaralan nina Florante, sino ang nagligtas sa kanya mula sa tangkang pagpatay sa kanya?
Aladin
Adolfo
Menandro
Menalipo
Ano ang dahilan ng pagbalik ni Florante sa Albanya mula sa maraming taon ng pag-aaral sa ibang bansa?
Sinakop ang Albanya ng hukbong Persiya
May sakit ang kanyang ama
Namatay ang kanyang ina
Nilusob ang Krotona ng hukbong Persiya
Bakit biglang ipinatawag ng hari sina Florante at ang kanyang ama?
Nilusob sila ng hukbong Persiya
Nais niyang gawing heneral si Florante
Nilusob ang Krotona ng hukbong Persiya
May lihim na karamdaman ang hari
Siya ang bayani ng Persiya at pumapangalawa sa prinsipeng bantog sa buong mundo.
Heneral Miramolin
Heneral Osmalik
Aladin
Sultan Ali-adab
Sino ang diyosa ng pag-ibig at kagandahan na sinasabing kapantay ni Laura sa kagandahan?
Phoebe
Venus
Nimfas
Cupido
Ilang oras naglaban sina Heneral Osmalik at Florante sa Krotona?
3 oras
4 oras
5 oras
6 oras
Matapos magtagumpay sa Krotona, ilang buwan ang lumipas bago nagpasyang bumalik sa Albanya si Florante?
5 buwan
6 buwan
7 buwan
8 buwan
Sino ang babaeng muntik nang mapugutan ng ulo ng mga moro na nailigtas nina Florante nang makabalik sa Albanya?
Prinsesa Floresca
Laura
Flerida
Wala sa nabanggit
Siya ang heneral ng hukbo ng Turkiya na lumusob sa Albanya ngunit natalo ni Florante.
Heneral Osmalik
Sultan Ali-adab
Aladin
Heneral Miramolin
Nasaan si Florante nang makatanggap ng sulat mula sa hari na siya ay pinababalik mag-isa sa Albanya?
Etolya
Turkiya
Persiya
Krotona
Nang umuwi sa Albanya at nahulog sa bitag ni Adolfo, ilang araw ikinulong si Florante bago ipatapon sa gubat na mapanglaw?
16 araw
17 araw
18 araw
19 araw
Ano daw ang kasalanan ni Aladin, bakit siya pinakulong ng kanyang ama matapos niyang masakop ang Albanya?
Dahil sa pag-iwan sa hukbo
Dahil kay Flerida
Dahil sa pagkamatay ni Osmalik
Wala sa nabanggit
Sino ang nagligtas kay Laura sa tangkang panggagahasa ni Adolfo?
Florante
Aladin
Menandro
Flerida
Ano daw ang naging kasunduan ng sultan at ni Flerida na ang kapalit ay ang hindi pagpatay kay Aladin?
Magpapaalipin si Flerida sa sultan
Magpapakasal si Flerida sa sultan
Si Flerida ang papatayin
Wala sa nabanggit
Ano ang tsismis na ipinakalat ni Adolfo na naging dahilan ng pagpapababa kay Haring Linceo sa posisyon at pagpatay sa kanila?
Gugutumin ng hari ang bayan
Susunugin ng hari ang bayan
Pagtatrabahuin nang walang bayad ang bayan
Papatayin silang lahat ni Haring Linceo
Ano ang katapusan ng Kwento ng Florante at Laura?
Nagpakasal sina Florante at Laura, Aladin at Flerida
Nagpabinyag sa pagiging kristiano sina Aladin at Flerida
Naging hari at reyna ng Albanya sina Florante at Laura
Lahat ng nabanggit
