Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Fourth Quarter)

Total questions: 50

Worksheet time: 3hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa ginagawang pang- aabuso sa isang tao sa paraang pisikal o emosyonal na pagpapahirap?

a)

Pananakot

b)

Panggigipit

c)

“Bullying”

d)

“Terrorism”

2.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng paglapastangan sa dignidad ng tao?

a)

”Bullying”

b)

“Extortion”

c)

“Terrorism”

d)

“Adoption”

3.

Anong ang tawag sa pangkat ng mga kalalakihan na ang layunin ay pagkakapatiran at pagbibigay serbisyo sa kapwa at komunidad?

a)

“Gang”

b)

“Peer”

c)

“Sorority”

d)

“Fraternity”

4.

Alin sa mga sumusunod ang kadalasang dahilan ng pang-aabuso ng isang mag- aaral sa kanyang kapwa?

a)

Pangalagaan ang dignidad

b)

Ingatan ang reputasyon

c)

Makakuha ng atensiyon

d)

Pahalagahan ang buhay

5.

Ano ang tawag sa taong mahilig mang- abuso ng kapwa?

a)

“Idiot”

b)

“Frat”

c)

“Bully”

d)

“Moron”

6.

Isa sa mga anyo ng panggigipit ay “bullying” na ipinapakita sa pamamagitan ng ____________.

a)

pagtatanong

b)

pag- aabang

c)

pananakot

d)

pananampal

7.

Ano ang tawag sa samahan o grupo na kadalasan ay nagtatagpo para maghasik ng gulo o manakit ng kapwa?

a)

fraternity

b)

peer

c)

sorority

d)

gang

8.

Kinukuha ng siga mong kaklase ang iyong baon. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Isasama sa paaralan ang magulang.

b)

Isusumbong siya sa guro.

c)

Makikipagsuntukan.

d)

Itatago ang baon.

9.

Ang mga sumusunod ay masamang epekto sa biktima ng “bullying”, MALIBAN sa isa. Alin dito?

a)

Mababang pagkilala sa sarili

b)

Pagkasira ng tiwala sa kapwa

c)

Pagkatakot

d)

Pag- asam

10.

Ang mga sumusunod ay mga maaaring gawin kapag nagiging biktima ka ng pang- aabuso, MALIBAN sa isa. Ano ito?

a)

Sabihin ito sa isang kaibigan, guro o magulang.

b)

Pilitin mong huwag silang labanan

c)

Pabayaan sila sa maling gawain.

d)

Itala mo ang mga pangyayari upang mas madali kang magsumbong

11.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI tama?

a)

Isang paraan ng pang- aabuso ay palaging pang- iinsulto o panlalait sa kapwa.

b)

Paglapastangan sa dignidad ng kapwa ang pang- aabuso.

c)

Upang maiwasan ang mga “bully”, sumama sa kanilang ginagawa

d)

Ang pagsumbong sa awtoridad ay isang epektibong paraan para maiwasan ang mga pang-aabuso.

12.

Nilapitan ka ng isa mong kamag- aral at hinihikayat ka na sumali sa kanilang grupo. Batid mo na sila ay laging sanhi ng kaguluhan sa paaralan. Ano ang dapat mong tugon?

a)

“Deal”

b)

“Sorry”

c)

“Okey”

d)

“Tara na”

13.

Maiiwasan ang masamang impluwensiya ng mga kaibigan kapag matututo ka na___________.

a)

Umiwas sa kanila, mabuti man o masama.

b)

Tanggihan ang gawaing di- mabuti.

c)

Makisama sa anumang paraan

d)

Iwasan ang lahat na lakad.

14.

Ang mga sumusunod ay mga benipisyo ng mga miyembro dahil sa malawakang pagkilala sa kanilang “fraternity”. Alin dito ang HINDI kabilang?

a)

Pagtanggap ng buwanang “supply”

b)

Pribelihiyo sa paglalakbay

c)

Pagkilala

d)

Prayoridad sa trabaho

15.

Alin sa mga sumusunod na uri ng “fraternities” ang kilala?

a)

Panserbisyo (service)

b)

General (social)

c)

Propesyonal

d)

Honorary

16.

Ang “fraternity’ ay galing sa salitang Latin na “Frater”, na ang ibig sabihin ay _______________.

a)

“Sister”

b)

“Mother”

c)

“Brother”

d)

“Father”

17.

Ang mga sumusunod ay mga uri ng “bullying”, MALIBAN sa:

a)

pangungutya

b)

pagpapahiya

c)

pagpupuri

d)

panlalait

18.

Ano ang tawag sa pambabaeng bersyon ng samahan?

a)

fraternity

b)

sorority

c)

peers

d)

gang

19.

Nalaman mong may mga sekretong lakad ang mga bago mong kaibigan. Karamihan sa kanila ay pabaya sa pag- aaral kaya may mga bagsak na marka. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Pababayaan sila sa kanilang ginagawa.

b)

Lalayuan sila at ibubuhos ang panahon sa pag- aaral.

c)

Susuportahan sila sa kanilang mga gawain.

d)

Pakikisamahan silang mabuti.

20.

Alin sa mga sumusunod ang masamang dulot ng tsismis?

a)

Nalalaman ang napapanahong impormasyon.

b)

Kaalaman sa mga kakaibang pangyayari.

c)

Nagkakaroon ng kaaway o kasamaan ng loob.

d)

Katahimikan ng kalooban.

21.

Sino ang di- mahilig sa mga walang batayang usap- usapan?

a)

Mga taong walang magawa sa buhay.

b)

Mga taong nais manira ng kapwa.

c)

Mga taong may respeto sa kapwa.

d)

Mga taong palaaway.

22.

“Sapagkat ikaw ay pawawalang- sala o paruruhasan, batay sa iyong mga salita.” (Mateo 12:37) Ano ang angkop na ipinapahiwatig dito?

a)

Pagiging mahinahon sa anumang sitwasyon.

b)

Maging maingat sa anumang bibitawang salita.

c)

Ang kaparusahan ay para sa matatalas ang dila.

d)

Huwag magsalita para hindi magkasala.

23.

Upang maiwasan ang gulo, nararapat taglayin ang mga sumusunod MALIBAN sa isa. Alin dito?

a)

Magiliw

b)

Mahinahon

c)

Makatarungan

d)

Mapagmataas

24.

Alin sa mga sumusunod ang may mabuting ibubungang pangako?

a)

Pipigilan ko ang aking sarili na magsalita nang hindi kanais- nais.

b)

Magsasalita ako kung ano ang gusto ko.

c)

Magsasabi ako nang kahit hindi totoo.

d)

Ipagsasabi ko ang kanyang sekreto sa lahat ng tao.

25.

May mga mabubuting dahilan kung bakit naghahanap tayo ng kaibigan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang?

a)

May takbuhan sa oras ng kagipitan.

b)

May makakasama sa pakikipaglaban sa kabutihan

c)

May mahihiraman ng personal na gamit.

d)

May magpapa- alala sa mga dapat gawin

26.

Alin sa mga sumusunod ang masamang dulot ng pakikisama sa kaibigan?

a)

Napapaunlad ang sariling kakayahan.

b)

Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at kapwa.

c)

Natututong gumawa nang hindi mabuti sa kapwa.

d)

Nauunawaan nang lubos ang sarili at kapwa.

27.

Papaano higit nq mapapayabong ang mabuting pakikipagkapwasa pamilya? Alin dito ang HINDI angkop na pagpapahalaga na dapat munang matutunan?

a)

Pag- iimbot

b)

Pakikiangkop

c)

Pagmamahal

d)

Pakikisama

28.

Ano ang natatanging ugat ng pakikipagkapwa?

a)

Paaralan

b)

Pamayanan

c)

Pamilya

d)

Panalanginan

29.

Sa oras ng kalamidad at sakuna, ang mga sumusunod na kalugod- lugod na pangyayari ay naipapakita MALIBAN sa _______________.

a)

Magbigay ng mga damit at pagkain.

b)

Paglalaan ng oras o panahon sa pagdamay.

c)

Mabilis na paglalagay sa bag ng mga gamit na sinadyang kunin.

d)

Pag- alalay sa mga kabarangay na nasalanta.

30.

Alin sa mga sumusunod ang mga natututunan sa tahanan na nakakatulong sa pagharap mo sa hamon ng buhay?

a)

Pagkamaka- Diyos

b)

Pagmamahal lalo sa kapus- palad

c)

Pagsasalita nang hindi tama.

d)

Pagpapatawad at katapatan.

31.

Ano ang pinakamabuting gawin kapag may hidwaan sa loob ng tahanan?

a)

Mag- usap

b)

Manahimik

c)

Makiramdam

d)

Magtago

32.

Ano ang kadalasang bunga ng di- malinaw na komunikasyon sa pamilya?

a)

Pagkakaunawaan

b)

Hidwaan

c)

Kapayapaan

d)

Kasiyahan

33.

Kapag nakakasira sa sariling pagkatao ang pakikisama o pakikipagkaibigan, mas mabuting ______________.

a)

sumama

b)

lumayo

c)

manahimik

d)

magkibit- balikat

34.

Kailan ka dapat magsabi ng “Ayaw!”?

a)

Kapag inutusan ng ina na magwalis sa bakuran

b)

Tuwing yayayain ng kaklase na gawin ang asignatura

c)

Kung may ka”text” at tinawag ng guro na magbigay reaksiyon sa aralin

d)

Pag sinabi ng barkada na, “Cutting class tayo.”

35.

Ang mga sumusunod ay mga hamon sa kabataan dulot ng pakikibarkada. Alin ang HINDI kabilang?

a)

Pre- marital sex

b)

Drugs

c)

Corruption

d)

Dangerous activities

36.

Bilang estudyante ano ang pinaka- magandang epekto ng pagsasabi ng “NO” sa barkada?

a)

Katiwasayan sa buhay

b)

Maaliwalas na daan tungo sa tagumpay

c)

Tagumpay sa pag- aaral

d)

Magandang relasyon

37.

Araw ng Linggo at papunta ka sa simbahan. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong isuot?

a)

Mini Skirt

b)

Sleeveless na blouse

c)

Damit pantulog

d)

Simpleng damit

38.

Bibili ka sa kantina. Mahaba ang pila at nakita mong ang kahera ay kamag- anak mo. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Makikipila sa mga bibili

b)

Magpapapansin upang unahin

c)

Babatiin ang kamag- anak

d)

Hindi na bibili

39.

Imbitado ang buong klase sa”Birthday party” ng inyong guro. Narinig mo ang iyong mga kaibigan na bibili sila ng bagong damit. Isang ordinaryong empleyado ang iyong mga magulang at sapat lang sa pangangailangan n’yo ang kanilang kita. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Magpapabili ng damit sa magulang anuman ang mangyayari.

b)

Manghihiram sa kaklase ng isusuot na damit.

c)

Hihiling sa ina na tulungang pumili ng isusuot mula sa dating mga damit.

d)

Hindi dadalo sa “party” para hindi magmukhang kawawa.

40.

Papaano mo pakikitunguhan ang mga taong nabibilang sa pangkat- etniko? Alin dito ang nararapat?

a)

Iiwasan sila tuwing masasalubong.

b)

Bibigyan ng sapat na pagkain

c)

Igagalang sila tulad ng paggalang na ibinigay sa mga kaibigan

d)

Pagsasalitaan ng masasakit na salita upang di na lumapit

41.

Ang sumusunod ay mga umiiral na karahasan sa paaralan MALIBAN sa:

a)

Pambubulas

b)

Pandaraya

c)

Fraternity

d)

Gang

42.

Masamang-masama ang loob ni Grace nang malaman niya na nagpakalat ng maling kuwento tungkol sa kanya ang mga kaklase niya upang siraan siya sa ibang tao. Anong uri ng pambubulas ang naranasan niya?

a)

pisikal na pambubulas

b)

sosyal na pambubulas

c)

pasalitang pambubulas

d)

cyberbullying

43.

Ano ang natatanging ugat ng pakikipagkapwa?

a)

Paaralan

b)

Pamayanan

c)

Pamilya

d)

Panalanginan

44.

Ang paninira ng reputasyon ng kapwa ay anong uri ng pambubulas?

a)

pisikal

b)

sosyal o relaayonal

c)

pasalita

d)

pakilos

45.

Ito ay pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at nakatatandang henerasyon, lalo na sa pagitan ng nga anak at mga magulang.

a)

Generation gap

b)

Technological gao

c)

Martial law babies

d)

Generation x

46.

Sila ay ipinanganak at lumaking walang makabagong teknolohiya.

a)

Silent generation

b)

Generation z

c)

Generation y

d)

Generation x

47.

Sila ang nga namumuno at pulitiko ng bansa.

a)

Silent generation

b)

Generation z

c)

Baby boomers

d)

Generation x

48.

Mga nagdadalaga at nagbibinatang kabataan ngayon. Sila ay ipinanganak sa pagitan ng 1980-1997.

a)

Silent generation

b)

Generation z

c)

Baby boomers

d)

Generation x

49.

Ang mga kabataang ito ay ipinanganak sa taong 1998 pataas. Sila ay nabuhay sa panahon ng information overload.

a)

Generation z

b)

Generation y

c)

Generation x

d)

Silent generation

50.

Paano mabibigyan ng solusyon ang technical divide o agwat teknolohikal?

a)

Hayaan na lamang ng mga magulang ang mga anak na gumamit ng teknolohiya sa paraang gusto nila.

b)

Huwag nang problemahin ang agwat teknolohiya dahil wala naman itong solusyon.

c)

Ang mga kabataan ay kailangang magkaroon ng respeto at pagmamahal sa mga nakatatanda.

d)

Makisabay sa uso ang mga nakatatanda.