wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Quarter Examination Reviewer in Araling Panlipunan 5

Total questions: 35

Worksheet time: 51mins

Name
Class
Date
1.

Bakit nag-alsa sina Tamblot at Bankaw?

a)

Nais nilang maging tunay na Katoliko.

b)

Nais nilang maging paring sekular.

c)

Nais nilang maging paring regular.

d)

Nais nilang bumalik sa dati nilang pananampalataya.

2.

Anu-anong lalawigang ang sakop ng monopolyo ng tabako?

a)

Cagayan, Ilocos, at Nueva Ecija

b)

Tarlac, Albay, at Sorsogon

c)

Cebu, Maguindanao, at Iloilo

d)

Batanes, Isabela, at Palawan

3.

Sino ang namuno ng pag-aalsa sa Quezon dahil tinaggihan siya sa kanyang pagnanais na maging pari?

a)

Diego Silang

b)

Hermano Pule

c)

Felipe Catabay

d)

Magat Salamat

4.

Sino ang nagtatag ng Confradia de San Jose o Kapatiran ng San Jose?

a)

Diego Silang

b)

Jose Rizal

c)

Apolinario Dela Cruz

d)

Magat Salamat

5.

Sino-sino ang mga eksklusibong kasapi ng Confradia de San Jose?

a)

Mga mamamayang Espanyol

b)

Paring Pilipino

c)

Mga prayle

d)

Lahat ng mga Pilipino

6.

Ito ay pag-aalsa dahil sa pagtutol ng mga Bisaya mula sa Samar na sila ay ilipat patungong Cavite na ipinag-utos ng gobernador-heneral?

a)

Pag-aalsa ni Magat Salamat

b)

Pag-aalsa ni Lakandula

c)

Pag-aalsa ni Sumuroy

d)

Pag-aalsa ni Dagohoy

7.

Ito ang may pinakamahabang pag-aalsa sa kasaysayan ng ating bansa laban sa mga Espanyol.

a)

Pagaalsa ni Magat Salamat

b)

Pag-aalsa ni Lakandula

c)

Pag-aalsa ni Sumuroy

d)

Pag-aalsa ni Dagohoy

8.

Paano nabago ng mga Ingles ang pagtingin ng mga Pilipino sa mga Espanyol sa panahon ng pananakop nito sa Maynila?

a)

Naisip nilang hindi ang mga Espanyol ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo.

b)

Naawa ang mga Pilipino sa pagkatalo ng mga Espanyol.

c)

Naisip nilang sila ay niloko ng mga Espanyol.

d)

Nabatid ng mga Pilipino ang pangloloko ng mga Espanyol.

9.

Bakit nagalit si Francisco Dagohoy sa mga Espanyol?

a)

Kinawawa siya ng mga Espanyol dahil sapilitan siyang pinagtrabaho.

b)

Tinanggihan siya ng isang prayle na mabigyan ng misa ang kapatid na namatay sa duwelo.

c)

Kinamkam ang lahat ng kanilang mga ari-arian.

d)

Pinagbayad ang kanilang pamilya ng napakataas na buwis.

10.

Alin sa sumusunod ang naging dulot ng pagbubukas ng Suez Canal?

a)

Mas dumami ang kalakal na napupunta sa Pilipinas mula Europa.

b)

Nakarating nang mas mabilis ang mga Pilipino sa Europa.

c)

Mas bumilis ang biyahe mula Pilipinas hanggang Europa.

d)

Lahat ng nabanggit ay tama.

11.

Sino-sino ang kabilang sa mga Ilustrado?

a)

Sila ang mga mayayamang Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

b)

Sila ay kabilang sa gitnang uri ng lipunan.

c)

Sila ay ipinanganak sa Europa ngunit nanirahan sa Pilipinas.

d)

Sila ay kabilang sa mahihirap na uri ng mamayan.

12.

Ano ang mahalagang gampanin ng mga Ilustrado sa paggising ng diwang makabayan ng mga Pilipino?

a)

Sila ay nagbigay ng mga donasyon sa mga mahihirap na Pilipino.

b)

Sila ang nagmulat sa atin ng mga tunay na karapatan bilang mamamayang Pilipino.

c)

Sila ang nangalakal mula sa Maynila hanggang Acapulco para bumuti ang ekonomiya ng bansa.

d)

Sila ay nagpatayo ng maraming paaralan sa bansa para magkaroon ng magandang edukasyon ang mga Pilipino.

13.

Nagbukas ang daungan ng Maynila at nabuo ang Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at_________.

a)

Seville, Spain

b)

Tokyo, Japan

c)

Acapulco, Mexico

d)

Lisbon, Portugal

14.

Bakit nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo?

a)

Upang mahinto ang labanan.

b)

Upang malinlang nila ang mga Muslim.

c)

Upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong Katoliko.

d)

Upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng Espanya.

15.

Ano ang tawag sa pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao?

a)

Sultanato

b)

Raja

c)

Barangay

d)

Alcadia

16.

Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim na nakipaglaban sa mga Espanyol?

a)

Kasipagan

b)

Katalinuhan

c)

Katapangan

d)

Kaayusan

17.

Siya ay kilala sa kanyang katapangan na nakipagdigma sa mga Espanyol. Isa siyang dating babaylan sa Bohol.

a)

Sultan Kudarat

b)

Francisco Dagohoy

c)

Diego Silang

d)

Tamblot

18.

Siya ang tinaguriang Lakambini ng Katipunan?

a)

Gregoria De Jesus

b)

Gabriela Silang

c)

Josefa Llanes Escoda

d)

Melchora Aquino

19.

Ito ang dalawang aklat na isinulat na Jose Rizal na gumising sa kamalayan ng mga Pilipino.

a)

Romeo at Juliet

b)

Noli Me Tangere at El Filibusterismo

c)

La Solidaridad at Mi Ultimo Adios

d)

Uncle Sam Cabin

20.

Sino ang Ina ng Katipunan?

a)

Gregoria De Jesus

b)

Josephine Bracken

c)

Melchora Aquino

d)

Josefa Llanes Escoda

21.

Siya ay galing sa isang mayamang pamilya na sumuporta sa mga katipunero at rebolusyonaryong lumaban sa mga Espanyol.

a)

Gregoria De Jesus

b)

Gliceria Marella De Villavicencio

c)

Patrocinio Gamboa

d)

Melchora Aquino

22.

Ito ay palitan ng paninda na hindi ginagamitan ng pera o salapi.

a)

Barter

b)

Merkantilismo

c)

Junkshop

d)

Pundahan

23.

Ano tawag sa tiket para makakuha ng puwesto sa loob ng Galyon upang maisama ang kalakal?

a)

Boleta

b)

Ginto at Pilak

c)

Tael

d)

Pundahan

24.

Ito ang dalawang bansa kung saa nagkaroon ng pakikipagkalakalan ang Pilipinas sa Panahon ng Kalakalang Galyon.

a)

Mexico at Tsina

b)

Japan at Amerika

c)

Espanya at Mexico

d)

Malaysia at Saudi Arabia

25.

Ano ang bunga ng sistemang sekularisasyon?

a)

Nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng simbahan at estado.

b)

Nagkaroon ng karapatan ang mga paring sekular sa pamumuno.

c)

Mas lumakas ang kapangyarihan ng mga paring regular.

d)

Mas dumami ang mga Pilipinong gustong maging pari.

26.

Ito ay kaugalian ng mga Pilipino na naging dahilan ng pagkakaalipin ng mga Pilipino sa mahabang panahon.

a)

Mapagtimpi at matiisin

b)

Masipag at mapagpasensya

c)

Tahimik at masipag

d)

Malinis at masipag

27.

Bakit nabigo ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop?

a)

Wala silang pagkakaisa.

b)

Wala silang sapat na armas.

c)

Wala silang magaling na pinuno.

d)

Wala silang magandang taktika.

28.

Ang mga pag-aalsa ng mga Pilipno ay nakapagdulot ng __________.

a)

paggising ng damdaming makabayan sa kamalayan ng mga Pilipino

b)

pagrerebelde ng mga Pilipino

c)

pagkakawalang pag-asa ng mga Pilipino

d)

pagkakawatak-watak ng mga Pilipino

29.

Ito ay magpapaunlad sa ating lokal na industriya. Magdudulot ito ng pagdami ng mga mamumuhanan sa ating bansa.

a)

Pakikipagkapwa-tao

b)

Pagtangkilik sa sariling produkto

c)

Tamang saloobin sa paggawa

d)

Paggamit ng wasto sa mga likas na yaman

30.

Ano ang kabutihang dulot ng monopolyo ng tabako?

a)

Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong mamamayan.

b)

Inabuso ng mga pinunong namahala rito ang kanilang tungkulin.

c)

Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay hindi lamang pinagmulta kundi binawian pa ng lupa.

d)

Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal.

31.

Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?

a)

Dahil mahilig manigarilyo ang mga Espanyol.

b)

Naniniwala si Gob. Hen. Basco na mas tatatag ang ekonomiya dahil mataas ang demand ng tabako sa kalakalan.

c)

Mahilig magtanim ng tabako ang mga Ilokano.

d)

Para maging sikat ang tabako sa bansa.

32.

Paano naapektuhan ang mga Pilipino ng reporma ni Basco?

a)

Dumami ang nagkaroon ng trabaho ngunit maraming hirap ang naging kapalit nito.

b)

Lumaki ang kita sa agrikultura dahil mataas ang halaga ng tabako.

c)

Marami ang naluging negosyo.

d)

Maraming ang yumaman na Pilipino.

33.

Bakit nilusob ng mga Ingles ang Maynila?

a)

Nais nilang magkaroon ng base military sa Asya.

b)

Mahigpit nilang kalaban ang mga Kastila.

c)

Gusto nilang makuha ang Pilipinas.

d)

Nais nilang maging malaya na ang mga Pilipino.

34.

Ano ang ibig sabihin ng Merkantilismo?

a)

Pagpapalitan ng kalakal sa pagitan ng Acapulco at Maynila.

b)

Ang batayan ng kapangyarihan sa pamumuno ng isang bansa base sa akumulasyon ng ginto at pilak.

c)

Kapangyarihan ng isang bansa upang magbukas ng mga daungan at kalakalan.

d)

Pakikipagkalakal sa ibang bansa.

35.

Ano ang kaugnayan ng sistemang merkantilismo sa pagsakop ng Espanya sa ating bansa?

a)

Dahil sa merkantilismo, natuto tayong maghukay ng ginto.

b)

Dahil sa merkantilismo, natuto tayong magpasakop sa mga Espanyol.

c)

Dahil gusto ng Espanya na maging makapangyarihan, naghanap sila ng ginto na matatagpuan sa Pilipinas.

d)

Dahil sa ginto, nais ng mga Pilipino na lumaya at mabuhay nang mapayapa.