wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

4th Grading Reviewer in Arlain Panlipunan 4

Total questions: 41

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Pagkamamamayan ayon sa dugo o pagkamamamayan ng magulang.

a)

Jus Sanguinis

b)

Jus Soli

c)

Dual Citizenship

d)

Naturalisasyon

2.

Isang kasulatan kung saan nakasulat ang pagkamamamayang Pilipino.

a)

Saligang Batas

b)

Aklat

c)

Mapa

d)

Mga Lathalain

3.

Proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas sa bisa ng Commonwealth Act 475.

a)

Dual Citizenship

b)

Naturalisasyon

c)

Pagkamamamayan

d)

Baptism

4.

Si LenLen ay ipinanganak sa Maynila. Ang kanyang ina ay isang Pilipina at ang kanyang ama ay isang Amerikano. Ano ang pagkamamamayan ni Lenlen

a)

Chinese

b)

Pilipino

c)

Amerikano

d)

Pilipino at Amerikano

5.

Ang isang dayuhan ay maaaring mabigyan ng pagkakataong maging isang Pilipino sa bisa ng Commonwealth Act 475 maliban sa:

a)

Siya ay may mabuting pagkatao

b)

Nanininwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas

c)

Gumagamit ng sarili niyang wika

d)

Tinatanggap niya ang Kulturang Pilipino

6.

Ang pagkamamamayan ay hindi kailan man mawawala sa isang tao.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Ang pagkamamamayang Pilipino ay kusang babalik kapag ginusto ng isang tao.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Ang pagkamamamayang naaayon sa lugar ng kapanganakan ay tinatawag na

a)

Jus Soli

b)

Jus Sanguinis

c)

Naturalisasyon

d)

Dual Citizenship

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng tama at wastong pahayag tungkol sa pagkamit ng pagkamamamayan ng isang dayuhan.

a)

Dapat ang isang dayuhan ay nanirahan ng limang taon sa PIlipinas.

b)

Siya ay 18 na taong gulang

c)

Siya ay pumuntang Pilipinas para magbakasyon

d)

Ang isang dayuhan ay kailangang 21 taong gulang at nakapanirahan ng 10 taong tuloy tuloy sa PIlipinas.

10.

Ito ay isang uri ng pagkamamamayan kung saan ang mga magulang o isa sa mga magulang ay mamamayang Pilipino.

a)

Naturalisadong Mamamayan

b)

Dual Citizen

c)

Likas o Katutubo

d)

Mamamayang Pilipino

11.

Lahat ng tao ay may karapatan. Gayun paman, may mga karapatan tayong maaaring alisin o baguhin ng mga taong may kapangyarihan, isa na dito ang Kongreso. Alin uri ng karapatan ang tinutukoy dito?

a)

Karapatan ng Bata

b)

Karapatang Sibil

c)

Karapatan ayon sa Batas

d)

Karapatan kapag Nasasakdal

12.

Ang bansang may maayos na ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan nito at ng pamahalaan ay hindi maipagkakailang nagiging maunlad. Anong Karapatan ang tinutukoy dito?

a)

Karapatang Sibil

b)

Karapatang Panlipunan

c)

Karapatan kapag Nasasakdal

d)

Karapatang Politikal

13.

Sino ang pinakamahusay na babae noong 1990 na nagsungkit ng mga prestihiyosong parangal tulad ng Laurence Oliver Awards at sa Tony Awards sa Broadway New York.

a)

Pilita Corales

b)

Lea Salonga

c)

Gloria Diaz

d)

Regine Velasquez

14.

Saang bahagi ng Konstitusyon nakasaad ang Kalipunan ng mga Karapatan ng bawat Pilipino?

a)

Artikulo III Seksyon 1–22 ng Saligang Batas

ng 1987

b)

Artikulo IV Seksyon 1–22 ng Saligang Batas

ng 1987

c)

Artikulo III Seksyon 4

d)

Arikulo IV Seksyon 3 ng Saligang Batas

15.

Anong batas ang pumuprotekta sa mga karapatan ng bata at kababaihan laban sa di makatarungan pagtatrabaho at pagmamalupit?

a)

RA 7610

b)

RA 9262 o VAWC

c)

COMMONWEALTH ACT 472

d)

RA 9007

16.

Ang bawat Pilipinong walang kakayahang magbayad ng abogado ay maaaring bigyan ng korte ng isang abogado. Ang libreng abogadong ito ay magmumula sa anong ahensya ng Pamahalaan?

a)

(Judicial Bar Council) JBC

b)

Supreme Court (SC)

c)

Public Attorneys Office (PAO)

d)

Department of Justice (DOJ)

17.

Sino ang bumuo ng mga karapatan ng bata upang matugunan ang pang-aabuso sa kanila hindi lamang sa ating bansa maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

a)

Kongreso

b)

United Natiions (UN)

c)

Senado

d)

Mga Hukom

18.

Sino ang bumuo ng mga karapatan ng bata upang matugunan ang pang-aabuso sa kanila hindi lamang sa ating bansa maging sa iba’t ibang panig ng mundo.

a)

Kongreso

b)

United Natiions (UN)

c)

Senado

d)

Mga Hukom

19.

Lahat ng karapatan ay may kaakibat na tungkulin. Isa na dito ang Pagmamahal sa bayan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

a)

Pagmamalaki at pagtangkilik sa kultura ng bansa

b)

Pagtangkilik sa mga produktong yari sa bansa.

c)

Pag-alam sa kasaysayan ng bansa

d)

Pagpapakalat ng mga impormasyong nakaksaira sa bansa

20.

Ang iba pang mga tungkulin na dapat isinaalang-alang ng bawat isa ay ang mga sumusunod. Alin ang hindi kabilang dito?

a)

Pagsunod sa Batas at Paggalang sa Maykapangyarihan

b)

Pakikipagtulungan sa Pamahalaan

c)

Paglutas sa mga suliranin ng bansa

d)

Paggalang sa Watawat

21.

Pinaghinalaan ka ng iyong kapitbahay na nagnakaw ng kaniyang pera. Isang araw, may nagpuntang mga pulis sa inyong bahay para arestuhin ka. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Makipaglaban sa mga pulis.

b)

Sumama sa mga pulis nang walang reklamo

c)

Hanapan ng search warrant ang mga pulis bago sumama.

d)

Hanapan ng warrant of arrest ang mga pulis bago sumama.

22.

Ang salitang Pansibiko ay nanggaling sa iba't-ibang mga salita na may iba't-ibang kahulugan. Isa na dito ay ang salitang latin na "Sibiko" na nangangahulugang?

a)

mamamayan

b)

bayani

c)

sibilyan

d)

pinuno

23.

Ano ang tinutukoy ng Civic Welfare o Kagalingang Pansibiko?

a)

Ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa

b)

Pagganap ng mga tungkulin sa lipunan

c)

Pinakamataas na kabutihang makakamit at mararanasan ng mga mamamayan.

d)

Pagtulong nang walang inaasahang kapalit

24.

Ang mga sumusunod ay sakop ng Kagalingang Pansibiko, alin ang hindi.

a)

Edukasyon at kalusugan

b)

Kalikasan at kabuhayan

c)

Pampublikong serbisyo

d)

Pulitka

25.

Ang mga pagkilos at paglilingkod sa iba na kusang inihahandog ng isang indibiduwal ay tumutukoy sa?

a)

Kagalingang Pansibiko

b)

Kamalayang pansibiko

c)

Gawaing Pansibiko

d)

Pagkakawang gawa

26.

Ang paggamit ng sariling kakayahan nang kusang loob at hindi pininagkakaait para sa kapakanan ng nakararami ay isang paraan ng pagpapaunlad ng sarili. Anong katangian ang tinutukoy nito?

a)

Pangagalaga sa Kalusugan

b)

Matalinong Mamimimili

c)

Tamang Saloobin sa Paggawa

d)

May pinag-aralan at kasanayan sa paggawa

27.

Ang isang matalinong mamimili ay taglay ang mga sumusunod na katangian, alin ang HINDI?

a)

Gumagawa ng badyet para sa pagkain, kagamitan, at iba pang pangangailangan.

b)

Tinitingnan ang expiration date ng kaniyang binibili.

c)

Binibili ang lahat ng magustohan

d)

Hindi nagpapadala sa mga patalastas at pananalita ng tindera.

28.

Ito ay isang paraan upang magamit na muli ang mga bagay na patapon ngunit maaari pang mapakinabangan.

a)

Pagbibili ng mas murang gamit

b)

Paghihiwalay ng nabubulok at hindi nabubulok na mga basura

c)

Pagkukumpuni at pag-aayos ng sirang gamit

d)

Pagrerecycle

29.

Nagpatala si Marie sa Technical Education and Skills

Development Authority (TESDA) upang mapabuti pa ang kaniyang kaalaman sa pagguhit. Alin sa mga sumusunod ang katangiang ipinapakita ni Marie?

a)

Tamang Saloobin sa Paggawa

b)

May pinag-aralan at kasanayan sa Paggawa

c)

Matalinong mamimimili

d)

Pagiging malusog

30.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng isang produktibong mamamayan.

a)

Si Rodel na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot para makalikom ng malaking pera.

b)

Si Minda na palaging nagrereklamo sa kanyang boss.

c)

Si Manuel na maagang pumapasok at maaga ring umuuwi

d)

Si Juan na isinaalang-alang ang mga desisyon sa buhay, personal man o sa trabaho.

31.

Siya ay tinaguriang “Asias Queen of Songs”

a)

Regine Velasquez

b)

Lea Salonga

c)

Pilita Corales

d)

Lani Misalucha

32.

Nagkamit ng kaunaunahang korona para sa Pilipinas sa Miss Universe 1969.

a)

Margarita Moran

b)

Gloria Diaz

c)

Pia Wurtzback

d)

Catriona Gray

33.

Siya ang tinaguriag “Pambansang Alagad ng Sining” dahil ang kaniyang mga gawa ay puno ngadhikain, makabayan, at puno ng kasaysayan.

a)

Victorio Edades

b)

Carlos "Botong" Francisco

c)

Juan Luna

d)

Fernando Amorsolo

34.

Siya ang sumulat ng Florante at Laura at Ibong Adarna. Siya ay tinaguriang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino.

a)

Aurelio Tolentino

b)

Amado V. Hernandez

c)

Carlos P. Romulo

d)

Francisco "Balagtas" Baltazar

35.

Sino ang unang Asyanong naging Pangulo ng United Nations Security Council?

a)

Carlos P. Romulo

b)

Aurelio Tolentino

c)

Manuel L. Quezon

d)

Lamberto Avellana

36.

Siya ang gumawa ng monumento ni Andres Bonifacio sa Caloocan at sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Tanyag din sa kaniyang mga likha ang “Oblation” sa Unibersidad ng Pilipinas at ang selyo ng Republika ng Pilipinas.

a)

Juan Luna

b)

Carlos "Botong" Francisco

c)

Guillermo Tolentino

d)

Victorio Edades

37.

Maraming programa ang iinilunsad at ipinapatupad ng pamahalaan para sa kapakanan ng buong sambayan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI napapabilang dito?

a)

National Greening Program

b)

Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

c)

Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

d)

Abot Kamay Program

38.

Layunin ng programang ito na ihanda ang mga bata sa pagtatrabaho. Nakapaloob din dito ang Universal Kindergarten na naglalayong makatulong sa mga magulang sa pamamagitan ng pampublikong kindergarten.

a)

Basic Education Program

b)

K-12 Program

c)

Programa para sa mga Indidenous People (IP)

d)

Alternative Learning System (ALS)

39.

Ano ang layunin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program

(4Ps)?

a)

Magbibigay ng pagsasanay sa iba’t ibang kasanayan

b)

Mabigyang ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na makapag-aral at matulungang maging handa sa pagtatrabaho.

c)

Maibsan ang kagutuman at kahirapan sa pamamagitan ng tulong pinansyal.

d)

Ihanda ang mga bata sa pagtatrabaho.

40.

Namatay ang mga magulang ni Dario sa pagkakalunod dahil sa bagyong Yolanda. Kinupkop siya ng kanilang kapitbahay at tinuring na tunay na anak. Anong karapatan ang ipinakita rito?

a)

Karapatan na mabigyan ng proteksiyon laban sa pagdukot at pagbebenta ng mga bata

b)

Karapatang ampunin kung ito ang higit na makabubuti

c)

Karapatang magtamasa ng maayos na pamumuhay kahit may kapansanan

d)

Karapatang maging malusog

41.

Si Rudy ay kinasuhan ng kaniyang kapitbahay na nagnakaw ng kanilang telebisyon kaya siya ay binansagan na magnanakaw ng buong subdibisyon kahit hindi pa ito napatutunayan. Anong karapatan ni Rudy ang nalabag dito?

a)

Karapatang magbayad ng piyansa upang pansamantalang makalaya

b)

Karapatan laban sa malupit at di-makataong pagparusa

c)

Karapatang malaman ang kaso laban sa kaniya

d)

Karapatang maituring na walang kasalanan o inosente hanggang hindi napapatunayan ng korte