wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino 3

Total questions: 35

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ngalan ng tao, bagay, hayop, luaar o pangyayari. Ano ito?

a)

Pangngalan

b)

Panghalip

c)

Pandiwa

d)

Pang-uri

2.

Ginagamit bilang panghalili sa pangngalan. Ano ito?

a)

Pangngalan

b)

Panghalip

c)

Pandiwa

d)

Pang-uri

3.

Ito ay isang salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

a)

Pangngalan

b)

Panghalip

c)

Pandiwa

d)

Pang-ukol

4.

Ito ay mga salitang nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook o

pangyayari.

a)

Panghalip

b)

Pandiwa

c)

Pang-uri

d)

Pangatnig

5.

Ito ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Pang-uri

d)

Pang-angkop

6.

Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi. Ito ay ang simuno at __________.

a)

Pang-uri

b)

Pang-ukol

c)

Panaguri

d)

Pantukoy

7.

Noong isang araw ay pumunta kami sa Baclaran upang magsimba. Aling salita sa

pangungusap ang may diptonggo?

a)

araw

b)

pumunta

c)

magsimba

d)

noon

8.

Isang mabait at matalinong na bata si Luisa. Hinahangaan siya ng kanyang guro at

mga kaklase. Anong salita sa dalawang pangungusap ang nagsasaad ng kilos?

a)

mabait

b)

hinahangaan

c)

guro at kaklase

d)

matalino

9.

Maraming lugar sa ating bansa ang binabaha kapag malakas ang ulan. Ilang pantig

ang salitang binabaha?

a)

dalawa

b)

tatlo

c)

apat

d)

isa

10.

Tinanggap na _____ Ate at Kuya ang kanilang pabuya.

a)

ni

b)

nina

c)

nila

d)

kay

11.

Sinabihan siya ng kanyang Nanay na magligpit sa kanyang silid. Ano ang

pinakamalapit na kahulugan sa salitang nakasulat ng pahilis?

a)

maglinis

b)

marumi

c)

tumayo

d)

umalis

12.

__________ ka ipinanganak ? Anong panghalip pananong ang ankop sa

pangungusap?

a)

Ilan

b)

Ano

c)

Kailan

d)

Bakit

13.

Iniabot ko _______ Aldrin ang aming pasalubong na puto.

a)

kay

b)

kina

c)

nila

d)

nina

14.

“Duday, timplahan mo nga ng mainit na kape ang tatay mo”, ang utos ng kanyang

nanay. Anong uri ng panlapi ang ginamit sa salitang timplahan?

a)

unlapi

b)

gitlapi

c)

hulapi

d)

kabilaan

15.

Tanghali na _______ sila ay gumising.

a)

ng

b)

nang

c)

mga

16.

Halikayo mga bata (luto) _________________tayo ngmasarap na menudo. Anong

angkop na panlapi ang maaaring gamitin upang mabuo ang diwa ng

pangungusap?

a)

ma

b)

mag

c)

nag

d)

nag

17.

___________ niyang iniayos ang mga pinggan sa mesa.

a)

Buong- husay

b)

Buong-ingat

c)

Buong-tapang

d)

Buong-tapat

18.

Dahan-dahan siyang pumasok sa kuwarto upang hindi maabala ang natutulog na

kapatid. Alin ang pang-abay sa pangungusap?

a)

natutulog

b)

dahan-dahan

c)

pumasok

19.

Nagkaroon ng seminar sa barangay ________________ sa wastong pamamahala ng

basura.

a)

para sa

b)

laban sa

c)

tungkol sa

d)

ayon sa

20.

Gabi-gabi kung umiinom ng alak ang kaniyang tiyuhin. Anong uri ng pang-abay ang

may salungguhit na salita?

a)

Pamaraan

b)

Panlunan

c)

Pamanahon

21.

Si Joel ay __________________ mamuno kaya siya napiling lider ng klase.

a)

mahusay

b)

mabilis

c)

masaya

d)

masungit

22.

__________ niyang ginagawa ang mga tungkulin sa klase.

a)

Maayos

b)

Mahirap

c)

Matagal

d)

mabagal

23.

Nag-uusap ang magkakaibigan sa labas ng bahay? Anong uring pang-abay ang

may salungguhit?

a)

Pamaraan

b)

Pamanahon

c)

Panlunan

24.

Si Lito ay matalinong bata. Alin dito ang pang-uri?

a)

Lito

b)

matalino

c)

bata

25.

Kailangan ng iwasan ang paggamit ng plastic at papel. Ano kahulugan ng salitang

may salungguhit?

a)

samahan

b)

tigilan

c)

bayaran

d)

tuluyan

26.

Alin sa mga pangungusap ang wastong pagkakasulat?

a)

Si Ana ay may tatlong kapatid.

b)

Si ana ay may tatlong kapatid.

c)

Si Ana ay may tatlong Kapatid.

d)

si ANA ay may tatlong kapaTid.

27.

Mahilig kumain ng kendi si Mia. Ano ang maaring mangyari sa kanya?

a)

Siya ay maging malusog.

b)

Masisira ang kanyang mga ngipin.

c)

Puputi ang kanyang mga ngipin.

d)

walang mangyayari sa kanya.

28.

Isang pares ng magandang tsinelas ang regalong natanggap ko. Aling salita sa

pangungusap ay may klaster?

a)

maganda

b)

tsinelas

c)

regalo

d)

pares

29.

Aling pares ng mga salita sa ibaba ang parehong maylapi?

a)

mabait-mabuti

b)

balikbayan-hanapbuhay

c)

payat-tibay

d)

mahusay- tuliro

30.

Naghahabulan ang ilang kabataan sa plasa. Anong aspekto ng pandiwa ang

ginamit sa pangungusap?

a)

Pangnagdaan

b)

Pangkasalukuyan

c)

Panghinaharap

31.

Naalala ni Pedro ang ginawa nilang paninira sa halaman ni Mira. Anong uri ng mga

pangngalan ang may salungguhit?

a)

pantangi

b)

pambalana

c)

di-tiyak

d)

walang kasarian

32.

Ito ay bahagi ng aklat na angbibigay proteksyon sa aklat.

a)

Pabalat

b)

Pahina ng Pamagat

c)

Paunang Salita

d)

Talaan ng Nilalaman

33.

Ito ay bahagi ng aklat na naglalaman ng paksa o aralin na nakaayos nang sunod-

sunod gayundin ang mga pahina kung saan mababasa ang mg paksang ito.

a)

Pahina ng Karapatang Sipi

b)

Paunang Salita

c)

Talaan ng Nilalaman

d)

Pabalat

34.

Isang umaga , nagising si Helen na sirang-sira

ang kaniyang mga halaman. Nakatumba ang mga puno ng mga bulaklak. Wala ng

dahon ang gulay. Nalungkot si Helen. Isang misyeryo sa kaniya ang nangyari.

Nag-imbetiga si Mang Rodel, ang tatay ni Helen. Inikot niya ang paligid ng

bakuran. Pinuntahan din niya ang likod bahay at kulunga ng mga hayop. Nakita

ni Mang Rodel ang bakas ng mga paa ng kambing sa buong paligid. Sa hindi

kalayuan, nakita niya si Goryo, ang paboritong alagang kambing ni Helen.

Ano ang nakita ni Helen isang umaga nang siya magising?

a)

Mga bulaklak at gulay sa kanyang hardin

b)

Mga sira-sirang halaman at gulay

c)

Mga hayop

d)

wala

35.

Bakit nalungkot si Helen?

a)

Dahil namatay ang kaniyang paboritong kambing.

b)

Dahil nasira lahat ang kaniyang mga halamn at gulay.

c)

Dahil hindi mahanap ng kanyang tatay ang sumira ng kaniyang tanim.

d)

Dahil wala siyang pamalit ng halaman