wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second QA Filipino 5

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

a)

pang-uri

b)

pangngalan

c)

pandiwa

d)

panghalip

2.

Salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip.

a)

pang-uri

b)

pangngalan

c)

. pandiwa

d)

pandiwa

3.

Uri ng pang-uri na naglalahad ng katangian ng pangngalan o panghalip.

a)

pantangi

b)

panlarawan

c)

pamilang

d)

pandiwa

4.

Kaantasan ng pang-uri na nagsasaad ng pangingibabaw ng katangian ng mga pangngalan o

panghalip.

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

d)

pamilang

5.

Bago ang mga palamuti sa Christmas tree. Ano ang anyo ng pang-uring bago.

a)

payak

b)

maylapi

c)

inuulit

d)

tambalan

6.

Piliin ang tamang aspekto ng salitang may salungguhit.

Ang mga panauhin ay nasiyahan sa masasarap na pagkain.

a)

Pangnagdaan

b)

Panghinaharap

c)

Pangkasalukuyan

7.

Jeffrey, tinawagan mo na ba ang iyong kliyente

a)

Panghinaharap

b)

Pangnagdaan

c)

Pangkasalukuyan

8.

Ibinili ako ni Jhun ng paborito kong tsokolate.

a)

Pangkasalukuyan

b)

Panghinaharap

c)

Pangnagdaan

9.

Si Franz ay bumibisita sa kanyang lolo tuwing Linggo.

a)

Pangnagdaan

b)

Panghinaharap

c)

Pangkasalukuyan

10.

Bumalik na mula sa ibang bansa ang pamilya ni Criselda.

a)

Panghinaharap

b)

Pangnagdaan

c)

Pangkasalukuyan

11.

Piliin kung ano ang pokus ng pandiwang may salunggguhit sa pangungusap

Umaawit si Lucy ng Bahay Kubo.

a)

Gumaganap ng kilos

b)

Tumatanggap ng kilos

c)

Ganapan o direksyon

d)

Pinaglalaanan

12.

Ibinili niya ang tatay ng gamut.

a)

Instrumento

b)

Dahilan at Sanhi

c)

Ganapan o direksyon

d)

Pinaglalaanan

13.

Sinakyan niya ang dyip.

a)

Pinaglalaanan

b)

Dahilan at Sanhi

c)

Ganapan o direksyon

d)

Instrumento

14.

Ipaglaba ninyo si Lola.

a)

Gumaganap ng kilos

b)

Ganapan o direksyon

c)

Dahilan at Sanhi

d)

Pinaglalaanan

15.

Ang lumang diyaryo ay ipangbabalot sa tinapa.

a)

Instrumento

b)

Pinaglalaanan

c)

Ganapan o direksyon

d)

Gumaganap ng kilos

16.

PIliin ang pang-uring ginamit sa salitang may salungguhit.

Napakaganda ng ating daigdig.

a)

pang-uring pamilang

b)

pang-uring pantangi

c)

pang-uring panlarawan

17.

Sikat ang Pilipinas dahil sa mga matitibay at murang sapatos Marikina.

a)

pang-uring pamilang

b)

pang-uring panlarawan

c)

pang-uring pantangi

18.

Nababahala ang isang ina dahil malalim na ang gabi ay wala pa ang kanyang mga anak.

a)

pang-uring panlarawan

b)

pang-uring pantangi

c)

pang-uring pamilang

19.

Magiliw sa bisita ang mga Pilipino

a)

pang-uring pamilang

b)

pang-uring panlarawan

c)

pang-uring pantangi

20.

Maraming mag-aaral ang biktima ng bullying sa loob at labas ng paaralan.

a)

pang-uring panlarawan

b)

pang-uring pantangi

c)

pang-uring pamilang

21.

Tukuyin ang pangungusap na hinihingi sa bawat bilang.

Pasukdol

a)

Parehong masayang alaga ang aso at kuneho.

b)

Ubod ng saya ang pakiramdam na makapag-aruga ka ng isang alagang hayop.

c)

Nakababahala na maraming tao ang malupit sa mga ito.

22.

Patulad

a)

.Magkasinghalaga ba ang pag-aasikaso sa tao at alagang hayop

b)

Magiliw ka rin ba sa mga pusa?

c)

Nasubukan mo na bang mawala ang mahal mong alaga.

23.

Lantay

a)

Abala ang bawat tao sa sariling pamumuhay.

b)

Puweding pakainin ang ilan sa mga ordinaryong hayop na makikita sa zoo.

c)

Pakasarap-sarap ng pakiramdam na may inaalagang hayop.

24.

Pasukdol

a)

Masigla ang hayop kung ito ay kinakalinga mo.

b)

Walang kasingsigla ang pakiramdam ng taong kumakalinga ng hayop.

c)

Mas magaan ang pakiramdam kung marunong magmahal at umaruga

ng hayop.

25.

Palamang

a)

May kasiya-siyang damdamin ang pag-aalaga ng mga hayop.

b)

Dapat na magkaroon din ng maingat na paraan ng pag-aalaga sa mga

c)

Di-gaanong mabigat ang pag-aalaga sa mga hayop.

26.

Tukuyin kung anong anyo ng pang-uri ang salitang may salungguhit.

Ipinahayag ni Rom yang taos-puso niyang pasasalamat sa kanyang mga guro.

a)

tambalan

b)

inuulit

c)

maylapi

d)

payak

27.

Punong-puno ng mga palamuti ang Christmas tree.

a)

tambalan

b)

inuulit

c)

maylapi

d)

payak

28.

Masasalamin mo sa tubig ang makikislap na bituin.

a)

inuulit

b)

tambalan

c)

maylapi

d)

payak

29.

Ang mga tao’y maligaya sa kanilang pagdiriwang.

a)

maylapi

b)

payak

c)

tambalan

d)

inuulit

30.

Tahimik ang paligid sa kanilang pamayanan.

a)

inuulit

b)

payak

c)

tambalan

d)

maylapi

31.

Tukuyin ang mag tayutay.

Ang kanyang mga labi ay simpula ng rosas.

a)

simile

b)

metapora

32.

Si Empoy ay bituin sa mga mata ng kanyang mga magulang.

a)

metapora

b)

simile

33.

Ang panalangin ang mabisang sandata laban sa kasamaan.

a)

simile

b)

metapora

34.

Ang sanggol ay kawangis ng anghel.

a)

simile

b)

metapora

35.

Kasimbango ng sampagita ang kanyang kuwarto

a)

metapor

b)

simile

36.

Piliin ang bunga ng mga sanhing nabanggit.

May mga taong mahilig sa palakasan kahit na may kapanasanan sila.

a)

maraming nanood ng exhibition nila

b)

tiyak na malaki ang naging kita mula sa palaro

c)

upang mabigyang-saya hindi lamang ang mga may kapansanang sumasali dito kundi pati na rin ang kanilang mga mag-anak at kaibigan

d)

kaya naman nagpalaro para sa kanila ang komite ng kapistahan

37.

Dahil nakatutuwang panoorin ang mga pilay na magagaling magbasketbol.

a)

maraming nanood ng exhibition nila

b)

kaya tiyak na malaki ang naging kita mula sa palaro

c)

para makaipon pa ng pondo para sa mga susunod na Paralympics

d)

upang mabigyang-saya hindi lamang ang mga may kapansanang sumasali dito kundi pati na rin ang kanilang mga mag-anak at kaibigan

38.

Naubos ang lahat ng mga tiket na ipinagbili sa mga manonood.

a)

maraming nanood ng exhibition nila

b)

kaya tiyak na malaki ang naging kita mula sa palaro

c)

para makaipon pa ng pondo para sa mga susunod na Paralympics

d)

kaya naman nagplaro para sa kanila ang komite ng kapistahan

39.

Ginawa nila ang fund-raising na ito

a)

maraming nanood ng exhibition nila

b)

upang mabigyang-saya hindi lamang ang mga may kapansanang sumasali dito kundi pati na rin ang kanilang mga mag-anak at kaibigan

c)

para makaipon pa ng pondo para sa mga susunod na Paralympics

d)

kaya naman nagplaro para sa kanila ang komite ng kapistahan

40.

Ipagpapatuloy ng Komite ng Kapistahan ang gawaing ito

a)

kaymaraming nanood ng exhibition nila

b)

upang mabigyang-saya hindi lamang ang mga may kapansanang sumasali dito kundi pati na rin ang kanilang mga mag-anak at kaibigan

c)

kaya naman nagplaro para sa kanila ang komite ng kapistahan

d)

para makaipon pa ng pondo para sa mga susunod na Paralympics

41.

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang maikling pagsasanay na kasunod.


Ang Gintong Batingaw


Sinasabi ng matatanda na noong unang panahon daw ay may malaking batingaw sa Libon, Albay. Yari raw sa ginto ang batingaw at ang malakas na tunog nito ay naririnig ng mga tao sa pulo ng Mindanao.

Noong panahong iyon ay maraming pirata ang naninirahan sa karagatan ng Mindanao. Tila himig ng isang magandang musika ang tunog ng batingaw kaya nagpasiya ang mga pirata na kunin ito.

Nakarating sa kaalaman ng mga taga- Libon ang masamang balak ng mga pirata kaya nagpagulong agad sila. Ibinaba ng mga tao ang gintong batingaw at inihulog sa ilog. Agad umakyat sa bundok ang mga tao at nagtago,

Isang gabi ay lumusob ang mga pirata at sinunog ang tirahan ng mga tao nang wala silang makita. Lalo silang nagalit nang hindi makita ang gintong batingaw. Narinig silang nagalit nang hindi makita ang batingaw at agad nilang sinundan ang pinanggagalingan nito. Sinabi ng alamat na naglaho ang mga pirata.

Nang magbalik sa kanilang lugar ang mga taga-Libon ay hinanap nila ang batingaw ngunit hindi na nakita ito. Naniniwala ang mga taga-Libon na kinuha na ng mga diwata ang gintong batingaw.


Pagsasanay:

Yari sa ginto ang batingaw.

a)

opo

b)

hindi po

42.

Nais ng mga pirata na kuhanin ito dahil sa magandang tunog.

a)

opo

b)

hindi po

43.

Inihulog sa dagat ng mga taga-Libon ang batingaw.

a)

opo

b)

hindi po

44.

Nakuha ng mga pirata ang batingaw.

a)

opo

b)

hindi po

45.

Hindi na nakita ng mga tao ang gintong batingaw.

a)

opo

b)

hindi po

46.

Piliin ang kahulugan ng bawat Bahagi ng Pahayagan.


Isports

a)

makikita rito ang pangalan ng pahagan

b)

mga balitang pampalakasan

c)

artikulong may kinalaman sa pamumuhay

d)

mga balitang nagaganap sa ating bansa

47.

Lifestyle

a)

mga balitang nagaganap sa ating bansa

b)

mga balitang nagaganap sa ibang bansa

c)

makikita rito ang pangalan ng pahayagan

d)

artikulong may kinalaman sa pamumuhay

48.

Libangan

a)

balita tungkol sa mga artista at iba pang sining

b)

mababasa ang kuru-kuro na isinulat ng patnugot

c)

anunsyo para sa mga taong namatay na

d)

mga balita tungkol sa kalakalan at industriya

49.

Obitwaryo

a)

anunsyo para sa iba’t ibang uri ng hanap buhay

b)

anunsyo para sa mga taong namatay na

c)

artikulong may kinalaman sa pamumuhay

d)

anunsyo para sa iba’t ibang uri ng hanap buhay

50.

Anunsyo Klasipikado

a)

artikulong may kinalaman sa pamumuhay

b)

mga balitang pampalakasan

c)

anunsyo para sa iba’t ibang uri ng hanap buhay

d)

mababasa ang kuru-kuro na isinulat ng patnugot