wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 4th Qtr Quiz

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay kasali sa kalakalang Galyon. Maliban sa:

a)

Gobernador-heneral

b)

Mga prayle

c)

Miyembro ng Royal Audencia

d)

Mga alipin

2.

Ano ang naidulot ng pagkamatay ng tatlong paring martir na GOMBURZA ?

a)

Marami ang natakot na lumaban

b)

Marami ang naging bayani

c)

Marami ang nagalit sa kapwa Pilipino

d)

Marami ang nagising ang diwa at nais lumaban para sa kalayaan

3.

Ano ang kaugnayan ng sistemang merkantilismo sa pagsakop ng Espanya sa ating bansa?

a)

Dahil sa merkantilismo, natuto tayong maghukay ng ginto.

b)

Dahil sa merkantilismo, natuto tayong magpasakop sa mga Espanyol

c)

Dahil gusto ng Espanya na maging makapangyarihan, naghanap sila ng ginto na matatagpuan sa Pilipinas.

d)

Dahil sa ginto, nais ng mga Pilipino na lumaya at mabuhay nang payapa.

4.

Ang mga sumusunod ay nagbunsod ng pagkakaroon ng Nasyonalismo ng mga Pilipino maliban sa:

a)

Ang isyu ng Sekularisasyon

b)

Ang pagdating o pagdami ng nabibilang sa Middle Class

c)

Pagbubukas ng Suez Canal

d)

Ang pagdating ng mga Amerikano

5.

May epekto ba sa mga Pilipino ang Pagbubukas ng Suez Canal noong 1869?

a)

Walang epekto, dahil naging sarado pa din ang isipan ng mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng bansa.

b)

Opo may epekto, dahil mas tumindi ang kahirapan at kabiguan ng mga Katutubong Pilipino.

c)

Opo may epekto, dahil namulat ang mga Pilipino sa ideya ng kaisipang liberal.

d)

Opo may epekto, dahil mas napabilis ang paglalakbay.

6.

Ano ang kaugnayan ng sistemang merkantilismo sa pagsakop ng Espanya sa ating bansa?

a)

Dahil sa merkantilismo, natuto tayong maghukay ng ginto.

b)

Dahil sa merkantilismo, natuto tayong magpasakop sa mga espanyol.

c)

Dahil gusto ng Espanya na maging makapangyarihan, naghanap sila ng ginto na matatagpuan sa Pilipinas.

d)

Dahil sa ginto, nais ng mga Pilipino na lumaya at mabuhay nang mapayapa.

7.

Bakit nagkaroon ng kilusang agraryo?

a)

Dahil tumaas ang bilihin sa merkado

b)

Dahil maraming kastila ang namatay sa labanan

c)

Dahil sa pangangamkam ng lupa at pag-aalsa ng mga prayle

d)

Dahil sa lumaganap na ang kriminalidad at banta ng droga sa kolonya

8.

Paano naapektuhan ang mga Pilipino ng reporma ni Basco?

a)

Dumami ang tanim na tabako.

b)

Lumaki ang kita sa agrikultura dahil mataas ang halaga ng tabako

c)

Marami ang naluging negosyo.

d)

Maraming ang yumaman na Pilipino

9.

Ano ang ibig sabihin ng Merkantilismo?

a)

Pagpapalitan ng kalakal sa pagitan ng Acapulco at Maynila.

b)

Ang batayan ng kapangyarihan at base sa akumulasyon ng ginto at pilak.

c)

Kapangyarihan ng isang bansa upang magbukas ng mga daungan at kalakalan.

d)

Pakikipagkalakal sa ibang bansa.

10.

Bakit nilusob ng mga Ingles ang Maynila?

a)

Nais nilang magkaroon ng base militar sa Asya

b)

Mahigpit nilang kalaban ang mga Kastila

c)

Dahil gusto nilang makuha ang Pilipinas

d)

Nais nilang makuha ang natatagong kayamanan ng Pilipinas

11.

Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako sa ating bansa?

a)

Dahil mahilig manigarilyo ang mga Espanyol.

b)

Naniniwala si Gob. Hen. Basco na mas tatatag ang ekonomiya dahil mataas ang demand ng tabako sa kalakalan.

c)

Mahilig magtanim ng tabako ang mga Ilocano.

d)

Para maging sikat ang tabako sa bansa.

12.

Ito ay ang tungkulin nating mapaunlad sapagkat ito ay nabibigay-buhay sa ating bansa at isa ito sa naging batayan ng kaunlaran.

a)

Pakikipagkapwa-tao

b)

Pagtangkilik sa sariling produkto

c)

Pahalagahan at pagyamanin ang kultura ng mga Pilipino

d)

Paggamit ng wasto sa taing likas na yaman

13.

Ano ang kabutihang dulot ng monopolya ng tabako?

a)

Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong mamamayan.

b)

Inabuso ng mga pinunong namahala rito ang kanilang tungkulin.

c)

Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay di lamang pinagmulta kundi binawian pa ng lupa.

d)

Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salapi, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal.

14.

Ano ang bunga ng sistemang sekularisasyon?

a)

Nagkaroon ng sigalot sa pagitan ng simbahan at estado

b)

Nagkaroon ng karapatan ang mga paring Pilipino sa pamumuno

c)

Mas lumakas ang kapangyarihan ng mga paring regular

d)

Mas dumami ang pilipinong gustong maging pari.

15.

Bakit nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo?

a)

Upang mahinto ang labanan

b)

Upang malinlang nila ang mga Muslim

c)

Upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong katoliko

d)

Upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng Espanya

16.

Ano ang mahalagang gampanin ng mga Ilustrado sa paggising ng diwang makabayan ng mga Pilipino?

a)

Binigyan nila ng ilaw ang mga daan

b)

Sila ang nagmulat sa atin ng mga tunay na karapatan ng mga Pilipino

c)

Sila ang nangalakal mula sa Maynila hanggang Acapulco

d)

Sila ang nagturo sa atin ng salitang Mandarin

17.

Ang mga sumusunod ay ang dulot ng pagbubukas ng Suez Canal MALIBAN sa isa. Ano ito?

a)

Natuto ang mga Pilipino na lumangoy

b)

Nakarating ng mas mabilis ang mga Pilipino sa Europa

c)

Mas bumilis ang biyahe mula Pilipinas hanggang Europa

d)

Mas dumami ang kalakal na napupunta sa Pilipinas mula Europa

18.

Paano nabago ng pananakop sa Maynila ng mga Ingles ang pagtingin ng mga Pilipino sa mga Espanyol?

a)

Naisip nilang hindi ang mga Espanyol ang pinakamakapangyarihang tao sa mundo

b)

Naawa ang mga Pilipino sa pagkatalo ng mga Espanyol

c)

Naisip nilang sila ay niloko ng mga Espanyol

d)

Nabatid ng mga Pilipino ang pangloloko ng mga Espanyol

19.

Sino-sino ang kabilang sa mga “Ilustrado”?

a)

Sila ay mayayaman na hindi nakapag-aral

b)

Sila ay kabilang sa gitnang uri ng lipunan

c)

Sila ay ipinanganak sa Europa ngunit nanirahan sa Pilipinas

d)

Sila ay kabilang sa mahihirap na uri ng mamayan

20.

Ano ang dahilan kung bakit hindi naimpluwensyahan ng kulturang kastila ang mga nasa Mindanao?

a)

Hindi tinanggap ng mga Muslim ang mga Espanyol

b)

Hindi narating ng mga Espanyol ang Mindanao

c)

Maraming Muslim ang nagpunta sa Luzon

d)

Mahihirap ang mga Muslim kaya di nagkainteres sa kanila ang mga espanyol