WorksheetsFILIPINO 5
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Bakit mahalaga ang pakikinig nang mabuti?
Nakatutulong ito para maunawaan ang sinasabi sa atin.
Nabibigyan tayo ng pagkakataon na intindihin ang impormasyon.
Napapabilis nito ang ating isipan.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Ano ang mangyayari kung HINDI mo pakikinggan nang mabuti ang nagsasalita?
Walang impormasyong makukuha
Mali ang konseptong mapupulot
Kulang ang detalye at impormasyon ang makukuha
Lahat ng nabanggit ay tama.
Bakit mahalagang matukoy ang paksa sa napakinggang impormasyon?
Para makabuo ng pangungusap.
Para makapagbigay ng tamang sagot.
Para makipagtalo ng ideya.
Para magkaroon ng maraming kaibigan.
Nagkatuwaan ang magkakapatid sa kanilang bakuran.
Anong pagsalaysay na pangungusap ang maaari nilang sasabihin?
Ano masaya ka?
Hala! Ang saya nila.
Gusto kong lagi tayong masaya.
Magsaya nga tayo.
Si Akbar ay pumuntang parke. Hindi niya alam ang bilihan ng pagkain. Ano ang maaari niyang itanong?
May daan po ba diyan?
Saan po ang bilihan ng pagkain dito sa parke?
Saan ako bibili?
Ituturo mo ba sa akin kung saan ang bilihan ng pagkain?
Si Gng. Cruz ay may dala-dalang mabigat na bag. Nais niyang utusan ang kanyang mag-aaral na dalhin ito sa kanyang silid-aralan.
Ano ang pwede niyang sasabihin?
Iho, maaari bang pakidala ang bag ko sa silid?
Ay naku! Dalhin mo ito sa silid.
Hoy! Lumapit ka dito at tulungan mo ako.
Sino ang pwedeng tumulong sa akin?
Si Terrence ay gagawa sana ng kanyang takdang-aralin ngunit nakaidlip siya dahil sa sobrang pagod.
Laking gulat niya noong gumising siya, gabi na pala. Ano ang kanyang maaaring sasabihin?
Naku! Napatagal ang tulog ko.
Anong oras na kaya?
Ang sarap ng tulog ko.
Matutulog na lang ako ulit.
Nais malaman ni Althea kung kailan sila magbabakasyon sa Batangas.
Ano ang maaari niyang itanong sa kaniyang ina?
Pupunta ba tayo ng Batangas?
Kailan po tayo pupunta ng Batangas?
Yehey! Magbabakasyon tayo sa Batangas.
Sino-sino ang magbabakasyon sa Batangas?
Laking gulat ni Aira noong nakita niya ang sunog malapit sa kanilang bahay.
Ano ang maaaring nabanggit niya noong nakita ang sunog?
Naku! Lumabas na kayo ng bahay. Sunog!
Saan ang sunog?
Pahingi ng tubig.
Teka lang at may sunog.
Anong salita ang maaring gamitin upang mabuo ang tambalang simuno sa pangungusap?
Si Lito at ____ ay nagpunta sa dalampasigan.
Alice
kapatid
ang magpipinsan
asawa
Anong sugnay ang maaaring gamitin upang mabuo ang hugnayang pangungusap?
(Piliin ang pinaka-angkop na sagot.)
___________ habang nangungulimlim ang buong kapaligiran.
Tumakbo ako nang mabilis pauwi ng bahay
Tatlong gabi
Nagpayong kami
Pinagalitan
Dugtungan ng angkop na sagot upang mabuo ang tamabalang pangungusap.
Lumitaw na muli ang mga bundok at___________________.
Ang arko ni Noah
Masisipag ang mga tao
Lumabas ang mga hayop
Ilog sa kabukiran
Punan ng angkop na salita upang mabuo ang payak na pangungusap.
Sinunod ni Noah ang utos ng _______ na gumawa ng Arko.
Diyos
asawa niya
mga anak niya
mga tao sa paligid niya
Basahin ang pangungusap upang malaman ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita.
Parating nakaupo si Lolo Minyong sa salumpuwit na ito.
duyan
upuan
kama
unan
Basahin ang pangungusap upang malaman ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita.
Ang mga talipandas ay pumunta sa handaan kahit hindi inimbita.
makapal ang mukha
kamag-anak
kaibigan
kababata
Basahin ang pangungusap upang malaman ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita.
May piging sa aming paaralan.
pagtitipon
pagsusulit
graduation
rally
Basahin ang pangungusap upang malaman ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita.
Madalas silang pumunta sa kanilang tipanan.
tagpuan
simbahan
dagat
mall
Basahin ang pangungusap upang malaman ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita.
Ang nag-iisang anak ay minsay lumaking alibugha.
mapanlinlang
iresponsable
matapang
mayabang
Basahin ang pangungusap upang malaman ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita.
Kinakailangan natin ng miktinig sa ating programa.
mikropono.
sandata
speaker
palamuti
Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay. Piliin ang tamang sagot.
watawat: tagdan
eroplano: _________
paliparan
dagat
piyer
kalsada
Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay. Piliin ang tamang sagot.
dagat : bapor
lupa : ________
eroplano
dyip
kalsada
kamay
Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay. Piliin ang tamang sagot.
lamesa : upuan
pinto : ________
bintana
banyo
aparador
bisagra
Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay. Piliin ang tamang sagot.
bola : kamay
sapatos : _______
paa
mukha
katawan
likod
Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay. Piliin ang tamang sagot.
umaga : agahan
gabi : ____________
hapunan
miryenda
siyesta
tanghalian
Ibig mong malaman ang mga bakanteng trabaho o kaya mga ibinebentang mga produkto o sasakyan.
Anong bahagi ng pahayagan ang iyong babasahin?
Obitwaryo
Anunsyo Klasipikado
Balitang Panlalawigan
Panlibangan
