wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 4th Qtr Quiz No.2

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado ng Sta. Barbara?

a)

Gregoria De Jesus

b)

Teresa Magbanua

c)

Gliceria Marella De Villavicencio

d)

Patrocinio Gamboa

2.

Siya ang namuno sa pinakamatagal na pag-aalsa dahil sa pagtanggi sa pagbibigay ng misa sa kanyang kapatid na namatay sa duwelo?

a)

Francisco Maniago

b)

Francisco Dagohoy

c)

Diego Silang

d)

Apolinario Dela Cruz

3.

Ito ay pag-aalsa sa Cagayan kadahilanang hindi sila sang-ayon sa buwis at sapilitang paggawa?

a)

Pagaalsa ni Magat Salamat

b)

Pag-aalsa ni Lakandula

c)

Pag-aalsa ni Sumuroy

d)

Pag-aalsa ni Dagohoy

4.

Bakit nag-alsa sina Tamblot at Bankaw?

a)

Nais nilang maging tunay na katoliko

b)

Nais nilang bumalik sa dati nilang pananampalataya

c)

Nais nilang maging paring sekular

d)

Nais nilang maging paring regular

5.

Nabigo ang pag-aalsang ito dahil pinakiusapan ng isang Dominikanong pari na si Fray Pedro De Santo Thomas na sumuko na sa pakikipaglaban.

a)

Pag-aalsa ni Diego Silang

b)

Pag-aalsa ng mga Gaddang

c)

Pag-aalsa ni Hermano Pule

d)

Pag-aalsa ni Magat Salamat

6.

Sino ang nagtatag ng Confradia de San Jose o Kapatiran ng San Jose?

a)

Diego Silang

b)

Jose Rizal

c)

Apolinario Dela Cruz

d)

Magat Salamat

7.

Sino-sino ang mga eksklusibong kasapi ng Confradia de San Jose?

a)

Mga mamayang Espanyol

b)

Paring Pilipino

c)

Mga prayle

d)

Lahat ng mga Pilipino

8.

Ito ay pag-aalsa dahil sa pang-aagaw ng kapangyarihan at mga lupain sa Maynila?

a)

Pagaalsa ni Tamblot

b)

Pag-aalsa ni Lakandula

c)

Pag-aalsa ni Sumuroy

d)

Pag-aalsa ni Dagohoy

9.

Namuno sya sa pag-aalsa dahil sa kalupitan ng mga Espanyol, tutol sya sa sapilitang paggawa gaya ng pagpapadala ng mga Pampangenyo sa malalayong minahan.

a)

Francisco Dagohoy

b)

Diego Silang

c)

Francisco Maniago

d)

Apolinario Dela Cruz

10.

Namuno sya sa pag-aalsa dahil sa polo y servicio at pagpapadala ng mga polista sa Cavite

a)

Apolinario Dela Cruz

b)

Juan Sumuroy

c)

Magat Salamat

d)

Lakandula

11.

Ano ang tawag sa pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao?

a)

Sultanato

b)

Barangay

c)

Ayuntamiento

d)

Corregimento

12.

Siya ay kilala sa kanyang katapangan sa Mindanao na nakipagdigma sa mga Espanyol.

a)

Diego Silang

b)

Francisco Dagohoy

c)

Sultan Kudarat

d)

Sharif Ul Hashim Abu Bkr

13.

Ito ay ang dalawang aklat na isinulat na Jose Rizal na Gumising sa kamalayan ng mga Pilipino.

a)

Romeo at Juliet

b)

La solidaridad at Laliga Filipina

c)

Noli Me Tangere at El Filbusterismo

d)

Uncle Sam Cabin at One thousand and One Nights

14.

Siya ay tinaguriang “Lakambini ng Katipunan”?

a)

Gregoria De Jesus

b)

Josefa Rizal

c)

Gliceria Villavicencio

d)

Melchora Aquino

15.

Sino ang “Ina ng Katipunan?

a)

Gregoria De Jesus

b)

Melchora Aquino

c)

Gliceria Marella De Villavicencio

d)

Josefa Rizal

16.

Siya ay galing sa mayaman pamilya na sumuporta sa mga katipunero at nagbigay ng 18,000 kay Jose Rizal sa Hongkong.

a)

Gregoria De Jesus

b)

Patrocinio Gamboa

c)

Gliceria Marella De Villavicencio

d)

Melchora Aquino

17.

Ito ang dalawang bansa na nakipagkalakal ang Pilipinas sa panahon ng kalakalang Galyon.

a)

Mexico at Tsina

b)

Espanya at Mexico

c)

Japan at Amerika

d)

Malaysia at Saudi Arabia

18.

Ano tawag sa tiket para makakuha ng puwesto sa loob ng galyon para sa kanilang mga kalakal?

a)

Tael

b)

Boleta

c)

Pundahan

d)

Ginto at Pilak

19.

Ito ay palitan ng paninda na hindi ginagamitan ng pera o salapi.

a)

Barter

b)

Merkantilismo

c)

Junkshop

d)

Pundahan

20.

Ito ay kaugalian ng mga Pilipino na naging dahilan ng pagka-alipin ng mga Pilipino sa mahabang panahon.

a)

Tahimik at masipag

b)

Masipag at mapagpasensya

c)

Mapagtimpi at matiisin

d)

Malinis at masipag

21.

Bakit nabigo ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga mananakop?

a)

Wala silang pinuno

b)

Wala silang pagkakaisa

c)

Wala silang armas

d)

Wala silang sapat na dahilan

22.

Ito ay magpapaunlad sa ating lokal na industriya, magdudulot ito ng pagdami ng mamumuhanan sa ating bansa.

a)

Paggamit ng wasto sa taing likas na yaman

b)

Tamang saloobin sa paggawa

c)

Pakikipagkapwa-tao

d)

Pagtangkilik sa sariling produkto

23.

Ang mga pag-aalsa ng mga Pilipno ay nakapagdulot ng ____?

a)

Pagkawala ng pag-asa ng mga Pilipino

b)

Paggising ng kamalayan ng mga Pilipino

c)

Pagrerebelde ng mga Pilipino

d)

Pagwatak –watak ng mga Pilipino

24.

Anong pangkat-etniko sa Luzon ang sumuko sa pakikipaglaban sa mga Español?

a)

Cebuano

b)

Apayao

c)

Badjao

d)

Gaddang

25.

Tinaguriang " Visayan Joan of Arc" na sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang 2 kapatid na lalaki at namuno sa isang maliit na pangkat.

a)

Gregoria De Jesus

b)

Teresa Magbanua

c)

Gliceria Marella De Villavicencio

d)

Patrocinio Gamboa

26.

Ano ang tawag sa kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Meksiko?

a)

Kalakalang Meksiko-Akapulko

b)

Kalakalang Espanya-Akapulko

c)

Kalakalang Tsina-Akapulko

d)

Kalakalang Maynila -Akapulko

27.

Bakit hindi nagtagal ang Confradia de San Jose?

a)

Dumami ang sumampalataya sa katolisismo kaysa kapatiran.

b)

Nahuli at binitay ang pinuno ng Confradia na si Hermano Pule.

c)

Nagpapabayad ang mga kasama sa kapatiran upang kumalas sa grupo

d)

Kinausap sila ng mga paring kastila na sumuko na sa pag-aalsa

28.

Ano ang dahilan kung bakit hindi naimpluwensyahan ng kulturang kastila ang mga nasa Mindanao?

a)

Hindi narrating ng mga Espanyol ang Mindanao

b)

Hindi tinanggap ng mga Muslim ang mga Espanyol

c)

Maraming Muslim ang nagpunta sa Luzon

d)

Mahihirap ang mga Muslim kaya di nagkainteres sa kanila ang mga Espanyol

29.

Anu-ano ang mga lalawigang sakop ng monopolyo ng tabako?

a)

Cebu, Maguindanao, Ilo ilo

b)

Batanes, Isabela, Palawan

c)

Cagayan, Ilocos, at Nueva Ecija

d)

Tarlac, Albay, Sorsogon

30.

Madali niyang nakuha ang tiwala ng mga Pilipino dahil sa kanyang liberal na pamamahala sa bansa. Nakinig sya sa mga suliranin ng mga mamamayan at nakihalubilo sa mga tao.

a)

Gobernador Heneral Rafael de Izquidero

b)

Gobernador Heneral Carlos Maria Dela Torre

c)

Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legazpi

d)

Gobernador Heneral Narciso Claveria