NEW
Font size
WorksheetsAraling Asyano
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ang Pilipinas ay isang uri ng Archipelago. Ano ang ibig sabihin ng Archipelago?
Lupain sa tabi dagat
Nakausli sa karagatan
Pangkat ng mga Pulo o Isla
Mataas na anyong lupa
Bakit sikat ang Mt. Everest sa buong mundo?
Tinaguriang “roof of the world”
Pinakamaliit na bundok sa buong mundo
Pinakamataas na bundok sa buong mundo
May perpektong hugis.
Anong Rehiyon sa Asya ang binansagang "Moslem World"?
Timog Asya
Silangang Asya
Kanlurang Asya
Hilagang Asya
Ano ang katawagan sa pagkakahati-hati ng mga Asyano sa ibat ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kanilang kinabibilangan?
Tribo
Etnolinggwistiko
Nomad
Katutubo
Anong imperyong ang nagbahagi ng bibliya na naging pundasyon ng pananampalatayang Judaism at Kristiyanismo?
Imperyong Hebreo
Imperyong Chaldean
Imperyong Akkadian
Imperyong Assyrian
Sino ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon na pinakakahangahangang tanawin sa sinaunang panahon na umabot sa 75 na talampakan ang taas, para sa kanyang asawa na si Amytis?
Nebuchadnezzar
Haring Sargon
Zheng
Hammurabi
Ang Panahong Paleolitiko ay tinawag ding Nomadikong Panahon dahil sa kinailangan nilang magpalipat-lipat ng lugar. Bakit kinailangang magpalipat-lipat ang mga tao sa panahong ito?
Upang makaiwas sa mababangis na hayop
Lubusan silang umaasa sa kapaligiran
Makahanap ng mga bagong kaibigan
Kailangang makahanap ng mga batong mas mainam gamitin
Alin sa mga sumusunod na natuklasan ng mga tao ang nakatulong upang magkaroon ng permanenteng tirahan?
Bato
Apoy
Pagsasaka
Tanso
Ang Sumer ang pinakamatandang kabihasnang umusbong sa buong daigdig. Ito ay itinatag sa lugar na kilala bilang Fertile Crescent. Bakit mataba ang lupain dito at angkop sa pagsasaka?
Dahil sa mga ilog ng Tigris at Euphrates
Dahil sa mga oasis na lumitaw sa mga buhanginan
Dahil sa mga pampublikong proyektong kanal at irigasyon
Dahil sa tubig ulan na nagmumula sa mga kabundukan
Ang mga Phoenician ay kilalang manlalayag at mangangalakal. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng mga Phoenician sa daigdig?
Alpabeto
Bakal
Monoteismo
Aklatan
Bakit sumiklab ang Rebelyong Sepoy?
Dahil ibinaba ng mga Ingles ang antas sa lipunan ng mga Brahman.
Dahil pinatawan nila ng buwis ang mga may-ari ng lupain.
Dahil ginawa ng mga Ingles na tanging lahing puti lamang ang may mataas na posisyon sa pamahalaan.
Dahil nabalitaan ng mga Hindu at Muslim na ang taba ng baboy at baka ang ginamit ng mga Ingles na panlinis sa kanilang sandata.
Bakit kinailangan ng mga Europeo na maghanap ng bagong ruta patungong Asya?
Madalas ang pagdaan dito ng mga mapaminsalang bagyo
Nasakop ng mga Seljuk Turk ang dating mga rutang dinadaanan
Lumaganap sa rehiyon ang sakit na tinawag na "Great Flu"
Malayo at mahirap ang dating rutang dinadaanan
Ano ang implikasyon ng "Battle of Plassey" sa naging imperyalismo sa India?
Ang pagwawagi ng England ang nagbigay dito ng kapangyarihang mangingibabaw sa India
Ang pagkatalo ng hari ng Bengal ang humikayat sa iba pang kanluranin na manakop sa India
Ang labanang ito ang tumapos sa pananakop ng mga kanluranin sa India
Nagdulot ang labanang ito ng pagkawala ng paniniwalang Hinduism at Buddhism
Anong pamamaraan ang ginawa ng Portugal upang makontrol ang kalakalan sa Asya?
Sapilitan silang nagpatira ng isang Resident sa palasyo ng mga hari sa Asya
Hiwa-hiwalay at estratehikong daungan ang kanyang sinakop
Ipinatupad niya sa mga lupaing nasakop ang Culture system
Sinakop nito ang mga teritoryong may malalawak na lupain
Nang makamit ng India ang kalayaan mula sa Britanya noong 1947, nahati ito sa dalawang estado, ang kalakhang India at Pakistan. Ano pangunahing dahilan ng paghihiwalay ng dalawang estado?
Alitan sa pagitan ni Jawaharlal Nehru at Mohamed Ali Jinnah
Pagkakaiba ng relihiyon ng dalawang estado
Dalawang magkaibang Kanluraning bansa ang nanakop sa dalawang estado
Pinaghihiwalay ang dalawang teritoryo ng matataas na bundok
Bakit sinasabing ang kalakalan ay mahalagang susi sa pagkakaisa ng mga Asyano?
Sa pamamagitan nito nababatid ang mga bansang palaasa
Maaring lumaki ang kita sa mga usaping black market
Nagsisilbi itong daluyan ng kultura at pagpapalitang kultural ng mga bansa
Dahil dito ay nagtutulungan ang mga magkakaratig bansa sa Asya
Bakit ganun na lamang ang paghahangad ng England na sakupin ang Burma?
Upang maipagtanggol ang nasakop nilang India
Upang malinang ang taglay nitong likas na yaman
Dahil angkop ang Burma na gawing daungan
Upang makapaghiganti sa mga pinuno nito
Anong bansa sa kasalukuyan ang may pangalang Formosa?
Vietnam
Taiwan
Philippines
Thailand
Ano ang itinawag sa panahon sa Japan kung saan niyakap ang modernisasyon?
Menshua Restoration
Menshi Restoration
Meiji Restoration
Menkook Restoration
Bakit tinawag na “Hermit Kingdom” o “Ermitanyong kaharian” ang Korea?
Dahil sa hindi ito nasakop ng kahit anong bansa
Dahil sa pagsasara ng Korea sa banyagang impluwensiya
Dahil bulubundukin ang topograpiya ng Korea
Dahil mataas ang antas ng “life expectancy” sa bansa
