wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 10 MODYUL 8

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 na yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?

a)

Isip at Kilos-loob

b)

Intensiyon at Layunin

c)

Paghuhusga at Pagpili

d)

Sanhi at Bunga

2.

Habang naglalakad sa mall si Mary ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klase ng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary?

a)

Intensiyon ng layunin

b)

Nais ng layunin

c)

Pagkaunawa sa layunin

d)

Praktikal na paghuhusga sa pagpili

3.

Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-isipan ni Mary ang iba't ibang paraan upang mabili niya ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary?

a)

Intensiyon ng layunin

b)

Pagkaunawa sa layunin

c)

Paghuhusga sa nais makamtan

d)

Masusing pagsusuri ng paraan

4.

Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?

a)

Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa araw-araw na pamumuhay.

b)

Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.

c)

Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.

d)

Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili.

5.

Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?

a)

Upang magsilbing gabay sa buhay

b)

Upang magsilbing paalala sa mga gagawin

c)

Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin

d)

Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili

6.

Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?

a)

Tingnan ang kalooban

b)

Magkalap ng patunay

c)

Isaisip ang posibilidad

d)

Maghanap ng ibang kaalaman

7.

Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?

a)

Isaisip ang mga posibilidad

b)

Maghanap ng ibang kaalaman

c)

Umasa at magtiwala sa Diyos

d)

Tingnan ang kalooban

8.

Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred?

a)

Isaisip ang mga posibilidad

b)

Maghanap ng ibang kaalaman

c)

Tingnan ang kalooban

d)

Magkalap ng patunay

9.

Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo ang iyong pasiya kung makapagpapasaya ba ito sa iyo o hindi, ikaw ay nasa anong bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya?

a)

Magkalap ng patunay

b)

Maghanap ng ibang kaalaman

c)

Tingnan ang kalooban

d)

Umasa at magtiwala sa Diyos

10.

Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa kaniyang kautusan. Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir?

a)

Tingnan ang kalooban

b)

Isaisip ang posibilidad

c)

Maghanap ng ibang kaalaman

d)

Umasa at magtiwala sa Diyos