Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Science GRADE 3-Earth and Space

Total questions: 30

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga tao ay nakatira sa mundo na napapalibutan ng iba’t ibang anyo ng _____.

I. hangin

II. lupa

III. tubig

a)

I

b)

II

c)

I at II

d)

II at III

2.

Noong Enero 2020, binalot ng abo ang Tagatay, Cavite,Batangas,Maynila at iba pang karatig lugar dahil sa pagputok ng anyong lupa na ito. Ano ang tawag sa anyong lupa na hugis tatsulok at bumubuga ng abo at lava?

a)

Bulkan

b)

Bundok

c)

Burol

d)

Kapatagan

3.

Ito ay isang anyong lupa na mas mababa kaysa bundok at walang bibig sa tuktok. Ang halimbawa nito ay Chocolate Hills na matatagpuan sa Bohol.

a)

Bulkan

b)

Bundok

c)

Burol

d)

Kapatagan

4.

Ito ay anyong lupa na patag at makikitang itinatayo ang mga kabahayan at iba't ibang klase ng gusali.

a)

Bulkan

b)

Bundok

c)

Burol

d)

Kapatagan

5.

Ito ay isang anyong tubig na umaagos patungo sa mas malaking anyong tubig gaya ng dagat.

a)

Dagat

b)

Ilog

c)

Karagatan

d)

Talon

6.

Si Ana at Bong ay nakasakay sa barko at naglalakbay sa isang pinakamalaking anyong tubig, tubig alat ito at malalim. Anong anyong tubig ito?

a)

Dagat

b)

Ilog

c)

Karagatan

d)

Talon

7.

Ang mga bata ng ikatlong baitang ay masayang namasyal sa hardin ng kanilang paaralan. Anong mga bagay ang aasahan nilang makita dito?

a)

paru-paro, bulaklak, kwaderno

b)

halaman, bulaklak, paru-paro

c)

tutubi, palaka, papel

d)

paso, halaman, lapis

8.

Alin sa mga hayop na ito ang maaring makita at mabuhay sa dagat?

a)

manok, paru-paro, pusa

b)

isda, manok, paru-paro

c)

alimango, isda, pating

d)

alimango, bangus, manok

9.

Alin ang naglalarawan ng living things? Ito ay mga bagay na __________.

a)

lumalaki, dumadami at nagangailangan ng pagkain

b)

bagay na hindi kailangan ng pagkain para mabuhay

c)

hindi lumalaki at hindi dumadami

d)

hindi gumagalaw

10.

Alin ang naglalarawan ng non-living things?

a)

lumalaki

b)

dumadami

c)

gumagalaw

d)

walang buhay

11.

Alin sa mga pares ang living things?

a)

tao at hayop

b)

asin at asukal

c)

mesa at upuan

d)

bato at lupa

12.

Alin ang nagpapahayag ng kahalagahan ng anyong tubig?


I. Pinagkukunan ng pagkain

II. Nagiging tirahan ng iba't ibang isda

III.Maaring maging pasyalan

IV. Maaring dumihan

a)

I, II at III

b)

I, III at IV

c)

II, III at IV

d)

I, II, III at IV

13.

Ano ang nagsasaad ng kahalagahan ng malinis na kapaligiran?


I. Makalanghap tayo ng malinis na hangin

II. Maiwasan ang pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng sakit

III. Maiwasan ang pagdami ng mga hayop at insekto tulad ng daga ipis at langaw.

a)

I, II at III

b)

I at III lamang

c)

II, III lamang

d)

III lamang

14.

Matindi ang sikat ng araw kaya mainam magsampay ng damit sa labas. Anong uri ng panahon ito?

a)

maulan

b)

mahangin

c)

maaraw

d)

maulap

15.

Anong uri ng panahon ang pinakamainam para sa bata na magpalipad ng kanilang saranggola?

a)

maulan

b)

mahangin

c)

maaraw

d)

maulap

16.

Maulan ang panahon kaya nanatili sina Mel at Mike sa loob ng kanilang tahanan dahil pinagbawalan sila ng kanilang nanay na lumabas, ano ang maganda nilang gawin?

a)

Manatili sa bahay at tumulong kay nanay sa gawaing bahay

b)

Magpabili ng halo halo para sa meryenda.

c)

Magbukas ng electric fan at itutok sa kanila habang naglalaro

d)

Manatili sa bahay at buksan ang aircon.

17.

Ang mga Barangay Officials sa aming pamayanan ay nag-ikot upang ianunsiyo na magkakaroon ng total lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19. Ano ang dapat gawin ng aming buong pamilya?

a)

Magplano ng outing at imbitahin ang mga kamag-anak

b)

Manatili sa bahay at mag imbak ng pagkain, tubig, gamot at mahahalagang pangangailangan

c)

Lumabas ng bahay at makipagkwentuhan sa kapitbahay

d)

Hikayatin ang iba ng huwag maniwala sa mga anunsyo ng Barangay Officials

18.

Ayaw lumiban ni Martin sa klase kahit pa umuulan, ano ang dapat niya gawin pagpasok sa paaralan?

a)

Magsuot ng kapote at magdala ng payong.

b)

Magsando at shorts at tumakbo ng mabilis papuntang paaralan.

c)

Bilisan ang paglakad papuntang paaralan kahit malakas ang ulan.

d)

Magsuot ng shades at sombrero

19.

Ano ang nakikita sa kalangitan tuwing umaga na nag bibigay ng init at liwanag?

a)

bulalakaw

b)

bituin

c)

araw

d)

planeta

20.

Matutulog na sana si Julieta nang biglang mawalan ng kuryente. Napakadilim sa loob ng kanilang bahay. Nagpasya muna siyang sumilip sa bintana at doon ay nakita niyang may malaking bilog na bagay sa langit na nagbibigay ng liwanag sa kapaligiran, ano ito?

a)

bulalakaw

b)

bituin

c)

araw

d)

buwan

21.

Nakatayo si Paulo sa palaruan ng kanilang paaralan. Sa anong posisyon ng araw niya mararamdaman ang pinakamatinding init nito? Kapag ang araw ay _________.

a)

lumubog sa kanluran

b)

natakpan ng makapal na ulap

c)

kasalukuyang sumisikat sa silangan

d)

direktang nakatutok sa kanyang ulunan

22.

Ano ang karaniwang ginagawa natin tuwing umaga upang lumakas at lumusog ang katawan?

a)

Maglaro

b)

Matulog

c)

Kumain ng agahan at mag-ehersisyo

d)

Magkuwento ng bedtime stories

23.

Ano ang kailangan mong gawin kapag mainit ang sikat ng araw? Gumamit ng _________.

a)

Jacket

b)

Kapote

c)

Kumot

d)

Payong

24.

Nabilad sa araw ang magkaibigang Jose at Juanito dahil sa sobrang paglalaro. Ano ang maaring mangyari sa kanila?

a)

Lulusog ang kanilang katawan

b)

Puputi at kikinis ang kanilang balat

c)

Maari silang magkaroon ng sunburn

d)

Magkakaroon sila ng maraming kaibigan

25.

Alin sa mga ito ang direkta at dagliang masamang epekto ng araw sa tao?

a)

Nakakapagpapungay ng ating mata.

b)

Puputi at kikinis ang kanilang balat

c)

Maari silang magkaroon ng kuto

d)

Nakakapagbigay ng mamula-mulang balat sa sunburn.

26.

May bagong tanim na halaman si Kardo ngunit hindi niya ito dinidiligan at nakabilad pa ito sa sikat ng araw. Ano ang maaring mangyari sa halaman? Ang halaman ay _________.

a)

lalaki

b)

lulusog

c)

mamamatay

d)

mamumunga

27.

Si Lotlot ay may alagang aso, namasyal sila sa parke at napansin niya na hinihingal ang kanyang aso, ano ang dapat niyang gawin?

a)

Patakbuhin ang aso.

b)

Ituloy ang paglalakad-lakad.

c)

Huminto sa isang malilim na lugar at painumin ng tubig ang aso

d)

Mamasyal pa ng mamasyal hanggat kaya pa ng aso na lumakad at tumakbo

28.

Ang Corona Virus Disease na kumalat sa buong mundo ay kilala din sa tawag na ______________.

a)

COVID 19

b)

MERSCOV19

c)

SARS19

d)

CORONA19

29.

Ang magkaklase ay mamamasyal sa isang mataas na anyong lupa na hugis tatsulok at walang bibig sa tuktok. Anong anyong lupa ang kanilang papasyalan?

a)

Bulkan

b)

Bundok

c)

Burol

d)

Kapatagan

30.

Ano ang mainam gawin upang makatulong sa pag-iwas ng dumaraming kaso ng kumakalat na virus?

a)

pumunta sa kapitbahay

b)

manatili sa loob ng bahay

c)

mamasyal sa magagandang lugar

d)

magpiknik sa parke